015
Circe
"Ate Reign!" Agad akong tumakbo pababa ng hagdan nang maabutan ko si ate na papaalis ng bahay. Papasok na siguro sa trabaho.
"Ano 'yun Circe?" Tanong niya, nakahawak ito sa doorknob, akmang bubuksan ito.
"Gising na si mom," Saad ko nang makalapit ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya, tila ba'y nagulat sa mga narinig.
"Ha? Kelan? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya,
"Kaninang madaling araw. Si Dad ang nagbabantay ngayon kay Mom. Ang sabi kasi ng doktor, she needs treatment since she was unable to speak, also hindi rin siya makalakad. So we need to accompany her to the hospital pa rin kahit na gising na siya," Kwento ko sa kanya. Kahit nga ako ay nagulat na gising na si Mom.
•••
Nagising ako nang maramdamang tinatapik ni Zayden ang balikat ko.
"Circe, gising." Aniya, I opened my eyes and I saw him run towards my Mom. Napakunot ang noo ko. What's wrong?
I stood up, still rubbing my eyes as I walk towards them. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakabukas na nga mga mata ni Mom.
Napatakip ako sa bibig, "Mom..." I called her, she smiled habang pilit inaabot ang kamay ko.
Hindi na ko nagpapigil at niyakap ko siya nang mahigpit. It's been years at sobrang namiss ko siya. I am thankful na finally she was already awake, she's finally here with us.
"You're with Zayden nang magising siya?!" Ate Reign exclaimed, I nodded as an answer, "anong ginagawa niya run? Bakit kasama mo siya?"
"Ate naman," Saway ko, "sinabi ko sa'yo yung balita because gusto kong magpunta tayo mamaya sa hospital."
"Sure, text na lang kita," Aniya, I smiled as I nodded.
•••
It was already 3pm, my vacant time. Nandito ako sa garden at hinihintay na lang si Zayden. Sabi niya kasi within an hour, vacant na rin niya.
I decided to close my eyes habang nakasandal ako sa kubo dito sa garden. Nabuti nga't wala masyadong tao, walang maingay, walang manggugulo.
"Circe," Nakunot ang noo ko nang makarinig ng isang pamilyar na boses. Minulat ko ang mga mata ko at nakitang si Lucas pala iyon.
Tumingin ako sa paligid to check if may iba ba siyang kasama or may sumunod ba sa kanya. He's a celebrity so mas magandang safe. Nakakatakot kayang madawit sa kanya.
"What do you want?" I asked him, I crossed my arms and my legs saka sumandal.
"Nothing, gusto lang kitang kausap. Is that a bad thing?" Aniya, kumunot ang noo ko sa narinig. Kausapin? Hah. Nagpapatawa ba siya?
"Seryoso ka ba? Wala akong panahon para sa'yo," Saad ko, I was about to stand up nang magsalita siya ulit.
"I heard nagising na ang Mom mo," Aniya, tinignan ko siya, at nakangisi ito. Hindi maganda ang kutob ko.
"What do you want, Lucas?" Tanong ko rito, tinapik niya ang bakanteng pwesto sa tabi niya, sign na tumabi ako sa kanya. But of course, hindi ako tumabi sa kanya. I sat sa pwesto ko kanina, sa harap niya. "Ano?" Pag-uulit ko.
"Gusto kitang makapartner sa commercial," Aniya, I furrowed my eyebrows. Commercial? Ano naman kayang pumasok sa isip niya?
"Bakit ako? Andyan yung Starlight, sila yayain mo para naman mapromote mo band nila," Saad ko. Totoo naman kasi. Magandang opportunity 'yun for them. If ever babae ang kailangan, nandun naman sina Elrene and Chyra.
BINABASA MO ANG
His Cypher || kth x bjh (SS#2)
Romance[ The Drummer Boy ] Zayden, Starlight's Drummer has this happy crush with their campus' pagaent queen, Circe. Will he be able to reach her even when their personalities are not alike? +completed