021
Zayden
"Everything will be alright."
Iyon ang parati kong naririnig kay Circe mula nang payagan niya kong pumasok sa buhay niya at sabihing gusto niya rin ako.
Tatlong buwan na rin ang nakalipas.
Walang araw na hindi ako pumapalyang bigyan siya ng paborito niyang bulaklak at ihatid siya sa kanila gamit iyong motor ko. Tuwing weekends naman ay sinasamahan niya akong bisitahin si mama sa ospital. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.
Naging maayos naman ang lahat at wala nang nanggulo pa sa 'kin na mga gangster wannabe mula sa tropapits nila Lucas. Hindi ko na rin sila nakita pa matapos ang araw na 'yon.
At tanging gumagambala lang sa akin nitong mga nakaraang araw ay naging madalang ang aming pagkikita ni Circe. Ni hindi siya nakakapunta sa mga gigs namin at ang dahilan niya ay busy raw siya. Naiintindihan ko naman dahil graduating nga siya, ngunit nang mababalitaan ko nalang mula sa mga kaibigan niya na wala na raw itong gagawin dahil tapos na ang lahat ng requirements niya ay tila ba nanlumo ako. Pakiramdam ko ay nagdadahilan lang siya para iwasan ako.
Nagiging malamig na rin ang pakikitungo niya sa akin, para bang iyong pakikitungo niya noong bago pa lang kaming magkakilala. Natatakot tuloy ako. Paano kung nawala na pala 'yung pagkaka-gusto niya sa akin? Paano kung pang spotify free trial lang pala niya ako? 3 months din 'yun 'di ba?
Hindi ko mapigilang mag-isip nang kung anu-ano lalo na't lahat ng sinasabi niya ay sumasalungat sa ginagawa niya dahil sa tuwing tinatanong ko siya, ang tanging sagot niya lang ay, "walang problema".
"Circe, pupunta ka, 'di ba?" Tanong ko kay Circe nang sagutin niya ang tawag ko. Inabot ako ng dalawampung missed call bago niya sagutin ang tawag ko.
Hindi kagaya noon na ilang ring pa lang ay sasagutin niya na agad.
Napakagat ako sa ibabang bahagi ng aking labi saka tumingin sa wall clock nitong backstage.
"Oo naman, wait lang, I'll be there in fifteen minutes!" Aniya, marinig ko lang talaga ang boses niya ay sapat na. Nasasabik na 'kong makita siyang muli!
"Mag iingat ka, ha! Kapag na-late ka iki-kiss mo ulit ako" Biro ko saka ako humagikhik. Narinig ko siyang natatawang nagmura sa kabilang linya kaya lalo akong natawa. Ang cute talaga ni Circe.
"Preeeeeee" Tawag ni Zeus sa akin nang maibaba ko ang tawag. Lumapit ito sa akin at sinuot na ang kanyang gitara.
"Ikaw singer ngayon, anong tutugtugin natin?" Tanong niya. Sumilip ako sa mga audience mula sa backstage at nakita kong wala pa rin si Circe.
Kumibit balikat ako bilang sagot. Napakamot tuloy sa ulo si Zeus.
"I have an idea!" Sigaw ni Elrene. Tumingin naman kami sa kanya.
"Sana all may idea" Sabat ni Aiden. Inirapan ito ni Elrene.
"Mama mo, idea" Pambabara nito saka umirap.
Kanina pa ko hindi mapakali sa pwesto ko, hindi kami makapagsimula dahil sakin. Tangina talaga. Anong nangyari kay Circe?
"Pre, ayos na ba?" Tanong sakin ni Zeus. Maraming tao ang manonood ngayon, damn hindi pwedeng madisappoint sila, pero kasi si Circe!
Hindi maganda ang kutob ko. Hindi talaga!
"H-hindi ako makakatugtog" Sagot ko sa kanila, nagulat ang mga kasamahan ko pero buo na ang desisyon ko.
BINABASA MO ANG
His Cypher || kth x bjh (SS#2)
Romance[ The Drummer Boy ] Zayden, Starlight's Drummer has this happy crush with their campus' pagaent queen, Circe. Will he be able to reach her even when their personalities are not alike? +completed