019

37 16 0
                                    

019

Circe

Matapos yung araw na hinayaan ako ni Zayden na makita muli ang mga kasama ko sa sayaw ay bumalik rin agad ako sa team namin.

Don't get me wrong, hindi naman ako pinilit ni Zayden na bumalik. Ito lang siguro yung sinasabi niya sakin na alam niya kung ano ang gusto ko.

It's been a month na rin simula nang bumalik ako para sumayaw. We have our rehersals every 6pm habang si Zayden naman ay gabi-gabi akong hinihintay na matapos ang practice namin para ihatid ako pauwi. How thoughtful, right? He said na binabalik niya lang favor na pinupuntahan ko siya everytime na may gig sila ng band niya.

I was currently sitting sa dulong bench ng gym, our team is prepared a for a special number para sa miss intrams na gaganapin ngayon. Nakabihis na kami at tapos na rin magselfie. Muli nga ay nagpapractice ang iba sa kanila, samantalang ang iba ay nagreretouch o kaya naman, gaya ko, ay nakatulala lang.

"Hi Nikay!" Bati sa akin ni Zayden nang makita niya ko sa school gym. Inirapan ko ito nang marinig ang tawag niya sa 'kin.

"Luh, anong Nikay ka dyan?" Saad ko rito nang makalapit at tumabi sa akin.

"Anong luh? Love u, honey ba 'yan?" Pang aasar nito, muli ay inirapan ko ito, "korni mo, Zayden," Saad ko kaya tumawa ito. Hmp.

"Sus kilig ka lang eh." Pang-aasar pa nito kaya hinampas ito ito sa kanyang braso upang patigilin siya,

Nakangisi ito while he leaned forward against me, "ready ka na?" Tanong niya, naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko kaya umatras ako ng kaunti saka tumango.

"A-always!" Sagot ko. Nakakainis at hindi ko pa mapigilang mautal! Bakit naman kasi kailangan ilapit pa niya ang mukha niya sa akin?

"Nikay, luxxe white ba ang gamit mo?" Kumunot ang noo ko sa narinig na tanong. Ano yung luxxe white?

"Hindi." Sagot ko, natampal niya ang noo saka umiling.

"Hindi Nikay! Hindi dapat ganyan yung sagot mo!" Aniya, I giggled saka tumango. Okay, I get it. Banat pala 'yun.

"Okay Zayden, take two."

"Luxxe white ba ang gamit mo?" Tanong niya,

"Bakit?"

"Kasi, ang ganda mo. Boom!" Aniya kaya natawa ako. Hindi ko kasi nagets yung banat niya.

"Alam mo Zayden, gutom ka lang ata. Naglunch kana ba?" Tanong ko rito, he chuckled saka tumango.

"Kanina pa Circe, ikaw ba?"

I shake my head as an answer, "as much as I'd like to, I can't. Sobrang kinakabahan ako. Ang tagal ko ring tumigil sa pagsasayaw," Sagot ko, ngumiti si Zayden saka pinatong ang kamay niya sa kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Kaya mo 'yan, Nikay, ikaw pa ba? Isipin mo na lang na tuwing magpe-perform ka, nandoon ako para suportahan ka, oks ba 'yon?" Aniya, napangiti naman ako sa narinig.

Si Zayden talaga, napakahilig magpakilig.

I'm happy and very thankful that he's always there for me whenever I needed him the most.

"I will. Thank you." Saad ko rito,

"Circe!" Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses ni Aldridge na sumisigaw.

Tumatakbo ito papalapit sa amin at kasama niya sina Jaemy, Blaine, Adreana at Clyde.

"Goodluck sa performance niyo mamaya!" Cheer ni Blaine sa akin nang makalapit sila.

His Cypher || kth x bjh (SS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon