036

99 28 0
                                    

036

Circe

Nang makapasok ng bahay ay dumiretso kaming tatlo sa sala at naabutan namin si Shawn na nanonood ng Cocomelon. Gosh, 21 na pero nursery rhymes pa rin sound trip niya. Iba rin trip ni Shawn, pwede na sila mag jamming ni Aster.

"Mukha kayong pamilya dyan," Pang-aasar sa amin ni Shawn nang makita niya kaming pumasok, agad akong umirap. Lagi na lang akong pinagkakamalan na nanay! Binigay ko tuloy si Aster sa kanya nang siya naman ang magmukhang magulang.

Ngumisi si Zayden saka tumingin sa akin, napawi ang ngiti nito nang makitang nakasimangot pa rin ako.

"Love naman, joke lang naman kasi yung kanina. Banat nga 'yon eh!" Pagdadahilan niya pa habang sinusundan ako at tumabi sa akin sa sofa.

"Ikaw ang babanatan ko," Saad ko, he pouted as he held my hand. Binaling ko ang atensyon sa TV kung saan ay cocomelon pa rin ang palabas.

"Sorry na kasi. Napaka-pikon talaga," Ani Zayden at dinampian ng halik ang noo ko saka ako pinulupot ang kanyang braso sa aking bewang at sinandal ang kanyang baba sa aking balikat.

"I'm sorry, I love you, " Bulong niya. Tila lalo bang nag init ang mukha ko at lumakas ang tibok ng puso ko. Lumingon ako upang tignan si Zayden na siyang nakatingin na pala sa akin. Mga mata niya ay nagsusumamong patawarin ko na siya.

"Pangit mo," Saad ko, he smiled. Buang. Sinabihan na nga ng pangit, natuwa pa.

"I love you," Ulit niya, my heart again skipped a beat. Ewan ko sa'yo, Zayden!

"I love you, more," Saad ko, he smiled as he pecked on the tip of my nose.

"Oh, Zayden, nandito ka pala," Ate Reign said as she put the cookies at the center table.

Tumabi siya sa akin, "kain kayo," Aniya.

"Ate, may anak ka na pala," Bati ni Zayden, she then nodded.

"Yes, but it seems like, my daughter's favorite is her tita. Mas gusto niya pa ngang kasama si Circe kesa sa akin, maybe because she likes to spoil my daughter," I pouted, totoo naman sinabi ni ate, sobrang spoiled sa akin si Aster. First time kasi namin ulit magkaroon ng bata sa bahay.

They talked a lot— as in a lot! Sobrang daming information na halos hindi ko ma-digest nang maayos kaya naman naisipan kong makipaglaro na lang muli sa aking pamangkin, mayamaya pa ay dumating na rin sila Mom at Dad and they even got a chance to talk with Zayden. He asked for a permission (dating me) and he's saying sorry dahil hindi raw sila nakilala ni Zayden nang makita niya ito sa ospital.

Also, our parents are very close! They're batch mates daw noong high school. Ngayon ko lang nalaman. Ang tanga ko naman? Bakit hindi ko alam 'yan? Nag plan pa tuloy ng dinner sila Mom at Dad together with Zayden's parents. Not now pero ewan ko kung kailan, silang tatlo lang kasi ang nagkakaintindihan dahil masyado akong nagulat sa nangyari! Kaya pala nagkita kami no'n sa ospital ni Zayden, yung parents pala niya iyong bibisitahin namin nila Mom?!

"Bakit naka-motor ka lang pala ngayon?" I asked, nasa bakuran na kami ni Zayden, sa playground ni Aster. Nakaupo kami sa seesaw habang nagkukwentuhan. As much as I'd like to take him sa kwarto ko, alam kong hindi naman papayag sila Mom at Dad. They said, ayaw raw muna nila ng pangalawang apo. Geez. As if.


"Kasi mas mabilis kitang mapupuntahan kapag nag motor ako," Ngisi niya, I pouted.

"Anong connect?"

"Miss na miss na kasi kita," Aniya sabay kindat kaya naman umirap ako at napailing. Parang ewan talaga 'tong lalaking 'to. Puro banat.

Sandali akong natahimik at bumuntong hininga. Thoughts keep bugging inside my head. Hindi ko rin naman maiwasan! Hay, bakit ba ganito utak ko, nakakainis din talaga.

"May problema ba, Circe?" Tanong niya, sumulyap ako sa kanya, seryoso itong nakatingin sa akin na may halong pag-aalala.

Nakakatawa lang na sobrang tagal naming hindi nagkita, ngunit nung araw na nagkita kami ay iyong mismong araw rin agad na naging kami. Para bang may hinahabol kaming oras kahit na wala naman talaga. Masyado ba kaming padalos dalos sa mga naging desisyon namin at hindi na nakuhang mag-isip dahil nagpadala kami sa nararamdaman namin?

"Zayden, do you think it's too early na maging tayo ulit?" I asked, kumunot ang noo nito, tila ba naguguluhan.

Muli ay bumuntong hininga ako. Para bang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko ang napakabigat ng mga ito, ni hindi ko masabi iyong gusto kong sabihin.

"What do you mean, Circe? Hindi ba't matagal mo na rin naman hinihintay 'to?" Napalunok ako. Oo. Tama nga naman siya. Matagal ko na rin namang gusto 'to, pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko?

"Natatakot kasi ako," Saad ko, he stood up saka naglakad papunta sa harap ko. Umupo siya upang magpantay kaming dalawa at hinawakan niya ang aking baba at itinaas ang aking mukha upang magtagpo ang aming mga mata.

He held my hand tight, "I'm here for you, Circe," Saad niya, kusang lumabas ang mga luha sa aking mata. Gustong sumabog ng puso ko. Pumikit ako at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi hanggang sa naramdaman ko na lang na pinulupot niya ang kanyang braso sa akin.

"I love you," He mumbled, "hindi mo kailangan matakot kasi kasama mo akong harapin kung anong problema man 'yung dumating sa'tin," He broke the hug at muli ay lumuhod sa harap ko, he caressed my cheek, "what's bothering my baby?"

Again, gusto nanaman magwala ng puso ko! Para bang may kung anong nasa loob ng aking tyan at sa tuwing tatawagin niya akong baby ay naghuhurumintado ito.

"Natatakot ako na baka kapag nalaman ng fans mo, niyo, kung anong meron sa'tin baka..." umiwas ako ng tingin sa kanya, "baka magalit sila,"

Zayden stood up, "halika nga," Aniya saka ako inalalayan para tumayo upang yakaping muli.

"Circe, they won't, at kung meron man, h'wag kang mag-alala, nandito kami para sa'yo, we'll never leave you alone," Aniya saka pinat ang ulo ko, "remember that my love for you is not fragile" He broke the hug and look straight into my eyes.

And there again the butterflies on my stomach. Nagwawala nanaman sila sa tyan ko!

He gave me a reassuring smile bago niya halikan ang noo ko which made me smile.

I am so lucky to have him.

To be continued...

His Cypher || kth x bjh (SS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon