011

112 28 1
                                    

Circe

Nakarating agad kami ni Aldridge sa bahay nila Zayden. Pinapasok naman agad kami dahil kilala raw ako ng katulong nila. Hindi ko alam kung paano niya nga ako nakilala. Gano'n ba ko ka-famous? Wow ano ako, celeb?

Malaki ang bahay nila. Nakakagulat nga na makitang sa marangyang pamilya pala si Zayden. Jejemon kaya siya. Ngayon lang ako nakakita ng jejemon na ganito kayaman. May fountain pa.

"Si Sir Maxwell po ay nasa pool area, si Ma'am Maxine naman ay nasa dining area," Saad ng kasambahay nila habang itinuturo ang daan papunta sa pool area at dining area. Tumango kami ni Aldridge at naghiwalay na kami ng daan.

Nang makapunta ako sa likod ng bahay nila which is the pool area ay kaagad kong nakita si Zayden na nakaupo sa swing. Sa gilid kasi ng kanilang pool ay may mini playground. Nakatingin siya sa kawalan at tila wala sa sarili. Mukhang kakaahon niya lang rin ng pool dahil basa pa ang buhok niya at nakashorts lang siya ngunit tuyo na ang katawan. Kitang kita ko tuloy ang mga sugat at mga pasa niya.

Nakita ko palang siya pero parang gusto nanamang bumuhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang maging marupok pero ganito pala pakiramdam no'n. Makikita mo lang siya, wala na yung inis mo.

Parang gusto ko na tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ng sobrang higpit ngunit hindi pwede kasi naiinis ako. Naiinis ako sa fact na pinapaikot niya ko, na pinagmumukha niya akong tanga.

"Zayden" Tawag ko rito.

Nilingon niya ko, "Circe." Agad siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin habang sinusuot yung bathrobe niya.

Nang makalapit ay pinaghahampas ko ito sa braso niya kahit na nakita ko kaninang may mga pasa pa rin ito.

"Nakakainis ka. Mukha ka talagang unggoy. Iwas ka ng iwas kala mo ang gwapo gwapo mo kakabadtrip." Sunod sunod na palahaw ko rito. Tinanggap lang niya lahat ng suntok ko at hinaing saka niyakap ako nang mahigpit.

Nanghihina ako sa yakap niya. Para bang inaalo ako ng mga bisig niya. Kahit na hindi siya magsalita ay parang ayos na ayos na sakin ang lahat.

"Tama na, Nikay." Aniya, hinaplos niya ang buhok ko habang pinipilit kong pumiglas kahit na ang totoo ay wala na kong lakas pa.

"Wag mo nga kong yakapin ang baho mo, amoy araw ka!" Sabi ko rito upang bitawan ako ngunit hinigpitan niya lang lalo ang yakap sa akin.

"Miss mo lang ako eh" Pang-aasar niya. Inangat ko ang tingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Naiinis ako. Nakukuha niya pang magbiro ngayon akala niya naman nakakatuwa siya?!

"Eh ano naman kung namiss kita?" Nakangusong sabi ko rito.

Nanlaki ang mga mata niya ngunit bigla itong nanliit, "Namiss mo nga ko?" Tanong niya habang nakangiti. Umiwas ako ng tingin.

"M-malamang!" I can't help but to stutter. Bakit nakangiti siya ngayon? Para siyang ewan ang lapit lapit niya sakin tapos ngingitian niya ko.

"Sorry" Aniya at sa wakas ay binitawan niya rin ako.

"Bakit mo 'ko iniiwasan? At totoo bang ikaw yung nagpapadala ng mga sulat sakin?" Tanong ko, I want to know his side at gusto ko ring malaman kung tama ba iyong sinabi ni Aldridge sa akin.

"Sinabi ba ni Clyde sa'yo?" Tanong niya, umiling ako. Bumuntong hininga siya, "Nahihiya akong magpakita sa'yo." Sagot nito, nakatitig lang ako sa kanya.

"Nahihiya akong magpakita kasi duwag ako. Hindi mo ko deserve. Mas deserve mo 'yung taong kaya kang ipaglaban hindi kagaya ko."

"Kaya ba hinayaan mo nalang ako kay Clyde? Paano kung nagkagusto rin siya sakin? Ayos lang sa'yo 'yon? Na mapupunta ako sa kaibigan mo?" I asked then bit my lower lip.

"Ayos lang." Malamig nitong sabi. Nagsimula nanaman magluha ang mga mata ko.

Masakit marinig 'yon mula sa kanya. Lalo akong nadudurog.

"Ipaliwanag mo naman lahat, Zayden. Kasi ang sakit sakit ng ginagawa mo. Parang pinapamukha mong sa maling tao pala talaga ako nahulog. Tell me, hindi totoo yung sinabi mo, diba?" Sandaling napakunot ang noo ni Zayden tsaka ako tinignan sa mga mata. Halata ang pagkagulat dito.

"Ipaliwanag mo" pagsusumamo ko rito, hinawakan ko ang mga kamay nito at pilit na hinuhuli ang kanyang mga tingin ngunit iniiwas niya lang ang tingin niya saka ulit bumuntong hininga.

"Wag na, Circe."

"Sabihin mo na--" pangungulit ko ngunit pinutol niya ang sasabihin ko

"Let me tell you this again, Circe," Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Ang lamig ng pananalita at tingin niya. Hindi ko siya mabasa. Sobrang bilis na rin ng pintig ng puso ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba. Natatakot ako sa susunod niyang sasabihin.

Ayoko na. Sobrang sakit na.

"I don't like you" Aniya. Tila ba naubusan ako ng lakas sa narinig. Yumuko ako at tinago ang mga luhang nagbabadya nanamang tumulo. Bwisit. Napaka-iyakin ko.

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi at pinilit na pigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas. Hinawi ko ang aking buhok na nakaharang sa mukha at taas noong tumingin sa kanya. Kailangan kong makabawi.

"Sinabi ko bang gusto kita? Feeler ka, ha" Pagtataray ko. Di na ko nagdalawang isip pa at nag walkout na. Hindi ko na kailangan ng paliwanag. Gusto ko nalang umuwi at doon iiyak lahat ng sama ng loob ko.

Maliwanag naman na kasi ang lahat.

Pero tila lumabo nanaman ang mga ito nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking braso at pinaharap ako sa kanya.

Walang pasabi ay hinawakan niya ang pisngi ko at banayad niyang hinalikan ang labi ko.

"Mahal kita" saad niya nang maghiwalay ang aming mga labi. "At hinding hindi na ko matatakot na ipaglaban ka,"

Nanlalaki ang mga mata ko at para bang naestatwa sa kinatatayuan ko. Sobrang bilis at tila ba nagwawala na ang puso ko. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok nito. Wala rin akong ibang makita kundi ang lalaking nasa harap ko, si Zayden.

Nang makabawi ay hinawakan ko sa batok si Zayden at muling hinalikan ang labi niya saka ngumisi.

My first day of school isn't bad after all.

To be continued...

His Cypher || kth x bjh (SS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon