033
Zayden
Kanina pa ako nakatitig sa phone ko habang ini-stalk ang social media accounts ni Circe. Halos hindi ako makatulog simula kagabi nang malaman ko na nagpunta pala siya sa concert namin nang hindi ko nalalaman!
Lintik. Kanina pa tuloy ako paikot ikot dito sa kama ng kwarto. Gusto ko siyang kausapin o kahit kumustahin manlang. Kinakabahan nga lang ako. Isa pa, nahihiya rin ako kasi di ko manlang siya napansin sa audience. Masyado ata akong lutang habang nagpeperform.
Tuloy tuloy akong umiikot sa kama nang sumulpot naman ang notification ng group chat namin sa instagram. Malamang may chismis nanaman si Zeus okaya si Cannon.
Nakakatawa nga na kahit magkakasama na kaming anim sa loob ng iisang bahay active pa rin gc namin tuwing trip namin. Ewan ko ba hiwa hiwalay rin kasi kami minsan dito.
Napakamot ako sa batok. Isa talaga sa mahirap ngayong kilala na kami, halos wala na kaming privacy. Bawat kibot ay updated sila. Nakakatakot tuloy mangulangot in public baka mapicturan pa ako at magtrending pa ko sa kadugyutan ko.
Tumayo na lang ako sa aking kinahihigaan at kumilos.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chyra sa akin nang lumabas ako sa kwarto na bihis.
BINABASA MO ANG
His Cypher || kth x bjh (SS#2)
Romance[ The Drummer Boy ] Zayden, Starlight's Drummer has this happy crush with their campus' pagaent queen, Circe. Will he be able to reach her even when their personalities are not alike? +completed