Epilogue
Circe
Four years of ups and downs, four years with Zayden.Maraming nagbago. Ngunit masayang masaya ako sa kung anong meron sa akin ngayon. Lalo na si Zayden, sobrang taas na ng narating nila at proud na proud ako sa kaniya, sa kanila.
Pero ang nakakabother lang ay 'yung mga fans nila.
Mga fans nilang grabeng mambash online. We even decided to deactivate our facebook accounts dahil pinapasok nila 'yung private life namin. Pa-IG IG nalang kami. Limitado pa nga ang pagpo-post namin upang makaiwas sa issue.
Oo kasali talaga ako sa nagdeactivate ng account. Nalaman kasi nilang girlfriend ako ni Zayden dahil sa mga kumalat na pictures namin ni Zayden sa social media. It was our pictures tuwing nagdedate kami and someone posted ut without our consent!
At ayun nga, dahil akala ng mga fans na sa kanila si Zayden, inaway nila ako. They even accused me na nagpa-plastic surgery kahit na wala naman akong ginagawa sa mukha ko. At ang masaklap sinasabihan nila akong malandi dahil lang sa issue ko noon kahit ako pa yung victim no'n.
But it doesn't matter dahil I always got their back, Starlight is one of the kindest friends that I got, lalo na si Adreana at Blaine. Hindi nila hinayaang may mga fans na magbabad mouth sa relationship namin ni Zayden. Thank god din naman at tumigil din sila after months.
Also, four years na silang nasa music industry yet they're still gaining lots of fans. Sobrang saya ko na narating nila yung pangarap nila. Tho I'm not with then simula nang gawin yung band, pero nakita ko pa rin yung growth nila.
"Hoy, anong iniisip mo dyan?" Tanong ni Blaine nang makita niya kong nakaupo mag-isa sa dalampasigan.
Birthday niya kasi at sa resort nila Adreana kami nagcelebrate. Itong resort kung saan kami nagpunta noong college kami.
"Wala naman," sagot ko, ngumisi si Blaine at siniko ako ng pabiro.
"Tapos na 3rd tour nila insan. Magkikita na kayo, yieee!" Panunuya niya, ngumiti ako.
Tama si Blaine, tapos na 'yung 3rd concert tour nila Zayden. Pitong buwan rin akong nagtiis sa video call namin tuwing free time namin parehas. Hindi iyon madali para sakin. Madalas ay naiiyak na lang ako sa sobra kong pagka-miss sa kanya.
"Hoy!" Lumingon kaming pareho ni Blaine nang marinig na sumigaw si Adreana.
"Ang daya niyo di niyo ko sinasali ha!" Saad nito ng makalapit samin, naupo siya sa tabi ni Blaine habang nakangisi.
"Grabe nagkaron rin ako ng pahinga. Kapagod na nga maging maganda, mas napagod pa ko nung nagkaron ng trabaho. Hay nako!" Sabi ni Adreana, nagkatinginan kami ni Blaine at sabay kaming umusog papalayo kay Adreana.
"Di natin 'yan kilala, ha," Pagbibiro ko, Blaine chuckled.
"Oo nga, sino ba 'yan?" Natatawang sabi ni Blaine, nakangusong nakatingin samin si Adreana.
"Grabe kayo, palibhasa di niyo nararanasan!" Aniya saka niya hinawi ang sariling buhok.
"Tumigil ka, Adreana ha. Hindi purket LQ kayo ni Clyde, ganyan ka na," pagbibiro ni Blaine dito, tumawa ako.
BINABASA MO ANG
His Cypher || kth x bjh (SS#2)
Romance[ The Drummer Boy ] Zayden, Starlight's Drummer has this happy crush with their campus' pagaent queen, Circe. Will he be able to reach her even when their personalities are not alike? +completed