034

76 13 0
                                    

034

Zayden

"Zayden?" Nakaawang ang bibig nito at halata rin ang pagkabigla niya, napaatras ako. Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon? She's here! She's finally here!

"Circe," Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko saka ko siya niyakap nang mahigpit.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya ngunit nawala ata ang lahat ng iyon nang makita ko siya sa harapan ko. Muli ay dinadaga ako!

"I'm sorry," Bulong ko, hindi ko na rin napigilan at naluha na rin ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Haha. Para tuloy akong tanga.

She pats my back then broke the hug, "I missed you so much," Aniya, habang nakatitig sa aking mga mata at pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi gamit ang kanyang hinlalaki, "I am proud so of you."

•••

Napagdesisyunan namin ni Circe na lumabas na lang ng ospital at pumunta sa pinakamalapit at hindi matao na cafe. She's still the same Circe na minahal ko noon. Iyong mga kilos niya, iyong tawa niya, iyong mga expressions niya sa tuwing inaasar ko siya. Ganon na ganon pa rin.

Medyo namimiss ko na nga lang na pwede kaming pumunta kahit saan na hindi ko na kailangang magtago pa.

"Circe, how have you been? It's been years simula nang huling beses tayong magkita," Saad ko as I took a sip on my coffee.

"Ayos lang, it's also been a month simula nang permanente akong bumalik rito sa pilipinas. It feels good na wala na yung sakit at trauma na nararamdaman ko noon tuwing umuuwi ako," Sagot niya, I smiled bitterly as I held her hand na nakapatong sa lamesa.

"I'm sorry kung wala ako no'ng mga panahon na 'yon sa tabi mo, kailangan ko lang din kasi ng oras no'n para sa sarili ko," Saad ko, she then smiled at hinigpitan pang lalo ang hawak sa kamay ko. Muli ay bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"It's okay, wag mo na lang akong bibitawan ulit," Aniya. Napaawang ang bibig ko at lalo namang nagwala ang puso ko sa narinig. Bakit ba ako nagjacket? Lintik ang init, pinagpapawisan ako nang malagkit. She chuckled.

"Circe naman!" Saway ko, lalong lumakas ang tawa nito. Kaya nag init ang mukha ko sa hiya. Tiklop talaga ako pagdating sa kanya.

"Zayden naman!" Panggagaya niya pa. Kumunot ang noo ko. Lakas rin talagang mang-asar.

Lumabas din agad kami sa cafe nang mapansin ni Circe na pinagtitinginan na kami sa loob. Alam niyang bawal akong makilala kaya agad niya kong hinila at tumakbo kaming dalawa palabas.

"Gusto mong magpunta sa tinutuluyan namin?" I asked, wala na rin kasi akong ibang choice kundi doon ko siya dalhin.

Lumingon siya sa akin na ngiting ngiti ang mga labi, "seryoso ka ba?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot, "sige!"

"Sige, balikan muna natin yung kotse ko sa parking ng ospital, naiwan ko kasi."

•••

"Wow, naka-car ka na, ayaw mo na ng bike?" She asked nang makasakay kami sa loob.

Ngumisi ako at sinulyapan siya, "bakit, gusto mo ba yung yinayakap mo ako? Sus chansing ka lang, Nikay!" Pang aasar ko, hinampas niya ko sa balikat.

"Sira!" Aniya, humalakhak ako nang makitang nakabusangot nanaman siya. Pikon talaga.

"Wala eh, gusto ko kasi ng privacy kapag nasa labas kaya nagkokotse ako," I shrugged and so she nodded. Gets niya naman siguro 'yon at nagbibiro lang siya ngunit gusto ko pa rin ipaliwanag.

"I understand, Zayden, you don't need to explain it to me," Natatawa niyang sabi.

I started the car at nagsimula na akong magdrive papunta sa aming hotel na tinutuluyan. Ewan ko ba pero ang tahimik ni Circe habang nasa byahe kami. Nakatingin lang siya sa labas at tila ba napakalalim nang iniisip.

"Malapit na tayo. Okay ka lang?" Tanong ko rito saka sumulyap saglit sa kanya at binalik ang tingin sa daan.

"Wala naman nang galit sakin sila Elrene, diba?" Tanong niya, napakunot ang noo ko.

"Wala, Circe, bakit mo naman nasabi 'yan?"

"I'm sorry," Aniya, napakunot ang noo ko, "Saan naman?" Tanong ko, sumulyap akong muli sa kanya at saglit na nagtagpo ang mga mata naming dalawa.

"For leaving," She paused, ibinalik ko ang tingin sa daan, "Alam kong maling mali ako sa part na 'yon because I didn't even gave you an explanation when you deserved one, in the first place," Aniya saka siya nagpakawala ng buntong hininga.

"You don't have to say sorry," Panimula ko, "matagal na kitang pinatawad at isa pa, hindi naman ako tumigil na mahalin ka, kahit na gaano kasakit yung nangyari noon. Ikaw pa rin naman yung pinili ko araw-araw," Sagot ko. Muli ay natahimik si Circe.

Sakto namang nakarating na kami sa parking ng hotel kaya pinark ko muna iyong kotse at hinawakan iyong kamay niya.

"Circe, okay na, 'wag mo na isipin masyado 'yon, I'm fine, we're fine and we understand you," I gave her an assuring smile. Kinagat nito ang ibabang bahagi ng labi niya at niyakap ako. Naririnig ko rin ang paghikbi niya.

"It's just that, kinain ata ako masyado ng guilt ko. I couldn't even sleep every night thinking that I did those things to you eh hindi mo naman iyon deserve," She paused, "I convinced myself na you don't deserve me because the only thing I did was to hurt you, yet iyong sinusukli mo sa akin at puro kabutihan," I patted her back at nanatiling tahimik.

She broke the hug at yumuko upang laruin iyong mga daliri niya. Basa na rin ang pisngi niya ng mga luha niya.

"Kaya noong nalaman kong naging kayo ni Kleya, I tried my best to be happy," She smiled bitterly saka tumingin sa mga mata ko, "because you finally get what you deserve and that's what I want for you, but at the same time, I also wished I were her."

"Nilamon ako ng inggit at selos ngunit hindi ko naman magawang mainis sa kanya, kasi alam kong you're better without me, alam kong makabubuti siya for you and it frustrates me!" Pumikit si Circe at tuloy tuloy na humikbi.

Napakunot ang noo ko nang mapansing nahihirapan siyang huminga. I leaned closer at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya at hinawakan ang mga kamay niya. She's trembling.

"Circe, look at me," I said in a gentle tone.

Nang idilat nito ang mga mata ay tipid ko itong nginitian, "sundan mo akong huminga, ha?" Saad ko, tumango siya kaya I guide her to breathe.

Nang makakalma ay dinampian ko ng halik ang noo nito, "I love you," Bulong ko habang nakatingin sa mga mata niyang mapupungay na siyang nakatitig rin pabalik sa akin.

"I love you, more," Aniya bago hagkan ang aking mga labi.

Muli ay heto nanaman ang puso ko, naghuhurumintado.

To be continued...

His Cypher || kth x bjh (SS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon