016

48 19 0
                                    

016

Circe

Inilagay ko ang mga gamit ko sa locker, vacant nanaman namin at balak ko na ring maglunch nang marinig ko ang pamilyar na boses na sumisigaw sa hallway.

"Circe! I love you! Ang ganda ganda mo idol sana mapansin mo ako!" Sigaw nito. Nakakunot ang noo kong sinara ang locker saka hinanap kung saan nanggagaling ang boses na ito. And to my surprise, si Adreana ito. Humahangos siynga papunta sa direksyon ko.

Nang makarating sa harap ko ay huminto siya sa pagtakbo at hingal na hingal na sumandal sa locker ko, "ayos ka lang, sis?" Natatawa kong tanong, tumango naman siya.

"Nakakasira ng poise yung ginawa ko, baka mamaya ma-turn off sila sa kagandahan ko," Aniya saka hinawi ang buhok niya at pinunasan ang pawis sa mukha niya in maarte way. Gaga talaga.

"Bakit mo ba ginawa 'yun?" Natatawa ko pa ring tanong, bago pa ko makasagot ay nakita ko na sina Blaine at Aldridge na tumatawa papalapit sa amin.

Okay ngayon alam ko na. At tuwang tuwa pa talaga ang mga timang.

"Ayos trip ah? Happy na kayo?" Saad ni Adreana nang makalapit ang dalawa, halatang asar na asar na ito sa dalawa.

"What happened?" Tanong ko, hindi ko na ring mapigilang matawa, I can't believe talaga na gagawin 'yon ni Adreana!

"Si Aldridge talaga nakaisip no'n, alam mo naman si Adreana minsan napaka-buraot. Ginawa niya 'yon para ilibre tayo ni Aldridge ng lunch," Pagkukwento ni Blaine, lalo akong natawa nang marinig ang buong kuwento

Hindi ko maimagine na magagawa 'yon ni Adreana para sa pagkain! Isa talaga siyang malaking buraot.

"Hey, nagawa ko naman ah! And I did it very well, ang ganda ko pa rin nga eh," Saad ni Adreana and again, she flips her hair.

"Hay nako, tama na 'yan. Ang mabuti pa, maglunch na tayo. Saan niyo gusto?" Tanong ni Aldridge, tumingin ako sa relo. 12pm pa lang naman. I have an idea.

"Sa buffet restaurant tayo sa mall na malapit dito!" Saad ko, sinenyasan ko ng tingin ang dalawa kaya naman sabay silang tumingin kay Aldridge.

"Buffet!" Ani Blaine with her pleading eyes.

"Yes please! Gusto kong kumain nang marami!" Dagdag pa ni Adreana.

Nang tignan ko si Aldridge ay hindi na maipinta ang mukha nito sa narinig. Miski ako ay ganyan ang magiging reaction ko kung magpapalibre sila sakin sa buffet.

"Hey joke lang," Saad ko nang natatawa, sumunod naman na tumawa sina Blaine at Adreana "may bagong bukas na fast food sa tapat ng univ natin, try natin dun!"

"Tama! Masarap daw dun sabi nila kuya!" Segundo ni Adreana,

"Sige dun na tayo, baka maisipan niyo nanaman mag-buffet" Saad ni Aldridge at nauna nang maglakad.

Nang makarating ay napagdesisyunan naming si Aldridge at Adreana na lang ang mag order samantalang kami naman ni Blaine ang maghahanap ng upuan.

Mayamaya pa'y nakita na rin namin ni Blain ang dalawa na may dalang pagkain. Kinawayan namin sila at nang makita nila kami ay agad silang dumako parito sa pwesto namin at nagsimulang kumain.

"Hey kumusta kayo ni Zayden?" Tanong ni Adreana sakin, muntik naman akong mabilaukan. Why so sudden naman kasi ang pagtatanong niya?

Uminom muna ako bago sumagot, "what do you mean, Dea?" I asked, ngumisi naman si Aldridge.

"Kayo na raw ba?" Dugtong ni Blaine, agad akong umiling na may kasama pang hand gestures saying that it's a no.

His Cypher || kth x bjh (SS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon