012
Circe
"It was the night after nating manood sa inyo. pinipilit ako ni Shawn no'n na ihatid pauwi kasi magagalit ka raw pag napahamak ako pero hindi ako pumayag. Mas ayokong mapahamak kapatid mo no'n." Ani Zayden, nakaupo kami sa swing ngayon at kinukwento niya sa akin ngayon ang nangyari since kinwento ko na sa kanya yung side ko at ni Aldridge.
"Tapos may mga lalaking humarang sakin at binugbog ako. Sinubukan ko namang lumaban pero marami sila at mas malalakas. Ang sabi nila brother nila sa fraternity si Aldridge at inutos daw nito na gawin yun sakin. Paulit-ulit nila saking sinasabi na layuan kita. Dahil kapag nakita raw ulit nilang kasama kita, baka patayin na raw nila ako." Dugtong niya. I clenched my fist. He doesn't deserve this. Gago si Lucas. I won't forgive him for what he did.
Saktong nagkukwento si Zayden nang dumating si Jaemy at Aldridge na may dalang bread at iced tea. Mukhang magkaayos na rin sila dahil nakangiti silang dalawa sa amin.
Halata ko ang gulat sa mga mata ni Zayden nang makita niya ang dalawa.
"Kasama ko si Aldridge na magpunta rito. Nilalagnat pa 'yan but he still decided to come," Kwento ko.
"Bakit kasama niya kapatid ko?!" Angil ni Zayden, habang nakatingin sa dalawa. I chuckled.
"Hindi mo alam?" Tanong ko, tumingin siya sa akin saka umiling. Oh, he has no idea sa nangyayari sa kapatid niya!
"Anong meron? Bakit magkasama kayo?" Usyoso ni Zayden nang makalapit ang dalawa sa amin. Inilapag nila ang pagkain sa malapit na table.
"Ano ba, Maxwell. Bakit din kayo magkasama ni Circe, ha?" Naaasar na sagot ni Jaemy. Zayden held my hand.
"Girlfriend ko si Circe, bakit?" Confident niyang sagot kaya agad kong binawi ang kamay ko.
"Anong girlfriend?! Hindi pa kita sinasagot!" Bulyaw ko. Aldridge chuckled.
"Hala hindi pa ba? Eh bakit mo ko hina—" Zayden was about to spill pero tinapalan ko agad ng tinapay ang bibig niya.
"Anong nangyari?" Natatawang tanong ni Aldridge. Nilingon ko ito habang nakasimangot.
"Wala!" Mabilis kong sagot, "Kayo? Okay na kayo ng sunshine mo?" Pagbabalik ko saka nginusuan ko si Jaemy. Si Jaemy naman ay agad na namula saka hinampas si Aldridge.
"Pano nalaman ni Circe nickname ko sa messenger?!" Tanong nito.
"Anong nickname? Bakit may pa-nickname? Bakit parang ako lang ang walang alam dito?" Singit ni Zayden nang malunok na niya ang tinapay. "Nililigawan mo ba kapatid ko, Adridge?"
"Kami na kaya, Kuya!" Saad ni Jaemy saka ito yumakap kay Aldridge. Nanlaki naman ang mata ko.
What the flucc?
"Totoo?!" Tanong ko, tumango silang dalawa ng sabay. My gad. Ang bilis!
"Sana all." Saad ni Zayden malapit sa tenga ko. Siniko ko ito kaya nagtawanan sila Jaemy at Aldridge.
Pinag-usapan naming apat ang nangyari at naging klaro na rin ang lahat. Aldridge also promised me to look out for Zayden. Buti nga at okay na sila despite na niligawan niya ang kapatid ni Zayden without him knowing. Lol Zayden is clueless and his reaction was priceless.
•••
"How'd you met me?" I asked him, nasa terrace kami ng kwarto ni Zayden at katatapos niya lang magbanlaw.
Tumabi siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at ngumiti.
"That was three years ago. Nakita kita sa gym ng school..."
BINABASA MO ANG
His Cypher || kth x bjh (SS#2)
Romance[ The Drummer Boy ] Zayden, Starlight's Drummer has this happy crush with their campus' pagaent queen, Circe. Will he be able to reach her even when their personalities are not alike? +completed