007
Circe's
Halos dalawang linggo na mula nang magbakasyon kami sa resort nila Adreana, hindi mawala sa isip ko ang lagay ni mama. Pero tuwing nilalapitan at kinakausap ako ni Zayden, nawawala lahat ng worries ko. Mabuti nga at nandito sila, kahit papano nakakalimot ako.
Mahilig siyang magpatawa at bukod doon magaling siyang makipag-usap. Oo, ine-entertain nila akong lahat pero siya ang naiiba. He got his own way para mapangiti ako. I love his sense of humor though.
Akala ko dati isa lang siya doon sa mga jejemon na walang kwenta kausap since puro drama lang ang iba sa mga jejemon but ibahin mo siya, ibang klaseng jejemon siya. Jejemon na classy. Lol. Baka alien nga siya.
Nakaupo ako ngayon sa dalampasigan, pinagmamasdan ang papalubog na araw habang sinasayaw ng hangin ang aking mga buhok. Napansin kong sa dalawang linggo ko rito ay naging tan na rin ang kulay ng balat ko. Naenjoy ko ata masyado ang summer vacation ko.
"Laging lutang." Tumabi sakin si Zayden nang sabihin niya 'yon, nakangisi itong nakatingin rin siya sa araw na papalubog.
"Hilig mo manood ng sunset." Aniya saka bumaling sakin, umiwas ako ng tingin sa kanya at bumaling muli sa araw na papalubog. Ano ba naman 'tong puso ko, ang bilis nanaman ng tibok. Dahil ba sa muntik na niya kong mahuling nakatingin sa kanya?
Tumawa siya ng mahina saka bumaling muli sa sunset.
"Kpop." Pang aasar nito. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit nakangisi siya.
"Jejemon." Inis kong sabi sa kanya, tumawa naman siya. Baliw.
Simula nang mag dare kasi kami at nalaman niyang kpop fan ako, inaasar niya na kong kpop o kaya kpoppanget, o kaya naman mga baklang supot. Kabwisit. Siya nga dyan jejemon.
"Circe." Tawag niya ulit.
"Hmm?"
"Anong una mong impression sakin nung nagkita tayo?" Tanong nito sakin.
"Weirdo, a creep." Sagot ko dito ng walang pag-aalinlangan.
"Bakit?" Tanong niya
"Ang baduy mo pumorma, then ang dami mong alam tungkol sakin, hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?" Sagot ko, tumawa siya ng mahina.
"Did I scary you?" Tanong nito kaya lumingon ako at tumingin dito ng matalim, nakatingin na pala siya sakin habang nakangisi kaya nawala rin agad ang inis ko. Bwisit, mukha kasing alien, nakakawala tuloy ng concentration.
"Of course." Sagot ko dito saka umiwas ng tingin.
"Eh ngayon, anong tingin mo sakin?" Tanong niya, kitang kitang umaasa siya na positive ang isasagot ko.
"Gano'n parin, weirdo." Sagot ko at pinandilahan ito. Ngumuso siya at tila nagtampo kaya tinawanan ko siya.
"Huling gabi na pala natin dito." Aniya, ngumiti ako
"Yeah, sa pasukan nalang ulit tayo magkikita-kita." Sabi ko rito.
"Bawal ka ba puntahan sa inyo?" Tanong niya.
"Busy na ko." Sagot ko, hindi naman sa ayaw ko na makita si Zayden. Sa totoo lang, gusto ko pa nga mag-extend dito para makasama sila. Pero babantayan ko kasi si Mama pag-uwi ko.
"Gano'n ba?" Ngumuso siya na parang bata na hindi binigyan ng lollipop.
"Yup, I'll take care of my mom kasi eh." Sagot ko, he was a bit surprised nang ikwento ko iyon.
"Your mom?" Tanong niya, tumango ako. "Anong nangyari?" Tanong niya.
"Car accident, she's still in coma" Sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Cypher || kth x bjh (SS#2)
Romance[ The Drummer Boy ] Zayden, Starlight's Drummer has this happy crush with their campus' pagaent queen, Circe. Will he be able to reach her even when their personalities are not alike? +completed