26.Talent

3.8K 69 1
                                    


Luna's POV

"Psst..... Psst nerd." Napamulat ako at biglang.......

*splaaash!*

"Huh!!! Ahhhhh!!" Ang l-lamig!!

"Ahahahahaha nerd lalo kang pumapanget!" Ano toh?! Ica bucket challenge?!

Buhusan ba naman ako ng pagka lamig lamig na tubig habang tulpg ako ehh kung hindi siya buang.

"Ohh ano na?! Bangonnna diyan may practice pa tayo ehh." Napatingin ako aa alaram clock ko!! O.O

"Walang hiya ka Kurt!! Ehh Four pa lang ehh, ang usapan five!!" Antok pa ako pag ako talaga inantok sa klase mamaya humanda siya sa akin.

"Tara na!" Hinila niya ako papunta sa isang room, music room yata yun ehh.

"Ayy wait anong alam mong tugtugin na instrument?" Napatingin ako sa kanya, ano nga ba?

"Ayy oo marunong akong mag gitara." Napataas lang ang kanyang kilay sa sinabi ko, sus anong mali dun?!

"Huh ahh ehh......" Oo nga pala hindi niya alam na marunong ako mag gitara, dati kasi napasama na rin ako sa isang banda ehh kaso hindi ko kayang ipag sabay ang studies at ang music so hindi ko na lang tinuloy, successful na sila at kilalang kilala na, sayang. -_-

"Tss...." Umalis na lang siya, ewan ko dun.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik siya na may dalang electric guitar at isang acoustic guitar.

"Marunong ka rin namang kumanta diba?!" Huhuhuhu nahihiya ako ehh, medyo matagal na rin ako hindi kumakanta ehh.

"Ahh ehh, oo pero hindi magaling." Napangisi lang siya, huhuhu anong iniisip niya!!

"Ito ang kakantahin natin." Binigay niya ang isang song na sobra kong nagustuhan kahit nung bata pa lang ako!!!

Fan kasi talaga ako ng High school musical ehh.

"Start of something new?!" Bakit ito ang pinili niya.

So ayun nagpractice na kami and grabe sobrang wala ako sa tono, kasi naman ehh nakakahiya! Ang galing niya mag electric guitar samantalang ako ehh nangangalawang na sa paggi gitara.

"Ang panget ng boses mo nerd." Napakunot lang ang noo ko! Siya na ehh.

Natapos na rin ang napaka habang pagtatalo namin tungkol sa boses ko and meron pa pala akong isang problema, hindi ko kasi nakokontrol ang sarili ko pag nasa harap ng mga tao as in nagiging wild ako at nawawala ang hiya ko, siguro yun na rin yung ka dahilanan kaya ako ang naging vocalist ng banda namin dati, lumalabas kasi talaga yung tunay na ako.

Parang si Demi Lavato lang ng kinanta niya ang this is me.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at naligo magse seven na rin kasi ehh.

Ewan ko kung anong na tripan ko at gusto kong kumanta, ewan lang talaga kasi nga naging mas hyper ako.

Nag patugtog ako ng malakas, wala naman yatang makakarinig sa akin ehh.

*song-straving by Hailee

"You know just what to say............" Hmmm ang sarap talaga maligo.

Medyo nagbabad nga ako ehh mga naka apat na song ako.

"Hoy nerd bilisan mo na diyan!! Ang tagal mo na!!" Lumabas na ako ng C.R. daming arte, sinabi ko bang hintayin niya ako?!

Nag bihis na ako at hinanda ko na rin ang mga gamit ko, mamaya babalik muna ako ng bahay ko.

Lumabas na ako ng room at tong lalake na toh hinintay pa pala ako.

"Hoy nerd maganda pala ang boses mo ehh, bat kanina sintunado ka?!" Nanlaki ang mga mata ko! Omo narinig niya akong kumakanta.

"Huh ako?! Kumakanta?! Bat namanako kakanta?!" Alam kong todo tanggi na ako.

"Tss, nahihiya ka ba?!" Napatingin ako sa kanya n-nakangisi na naman siya ehh napa iwas tuloy ako ng tingin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang dinning room.

"Ehem, muling ibalik ang tamis ng pag ibig?!" Biglang napatayo ang balahibo ko ng marinig ang boses ni ate Kath sa likudan namin.

"Ahh ate hindi noh, wala naman ganung nangyari ehh." Nahihiyang sabi ni Kurt, ay ewan ko sayo!

"Oo nga po ate wala pong ganun!" Napangisi lang siya sa amin at hinila ako ni Kurt palabas ng bahay nila.

Huhuhuhuhu akala ko kakain kami?

"Hoy ikaw lalake kanina ka pa ahh!!" Naha highblood na talaga ako.

"B-bakit na naman?!" Napakunot lang ang noo ko sa sobrang galit at inis.

"Sina sadya mo na ehh, wala ka talagang kadala dala!!" Huhuhuhu ayoko na talaga!!

*ten tenen ten ten tenen ten*

Napalingon kami dalawa ng makarinig ng tunog ng ice cream vendor ng selecta.

"Huh! Ice cream! Uhmm Kurt libre mo naman ako ohh wala akong pera kasi nga nandun sa bahay ko ang pera ko ehh." Kahit nahihiya ako wala na akong pake ehh sa gusto ko ng ice cream ehh. -_-

"Bawal hindi ka pa nakaka kain ng kanin baka sumakit ng tiyan mo niyan." Tinalikuran niya lang ako.

Huhuhu kakagatin talaga kita!!

"Kurt!" Nilingon niya ako, hinawakan ko ang kanyang arm at.........

At.....

At kinagat yun.

"Shit anong trip mo?!" Naluluha na talaga ako! Gusto ko ng ice cream. Bigla naman siyang napatigil sa ginawa ko hinahimas niya ang kanyang arm na kinagat ko.

"Oo na pero ibibili muna kita ng kanin or kahit na ano para lang mabusog ka." Hintak niya ako sa isang restaurant at nag order ng bulalo buti na lang masarap yun kung hindi lalong iinit ang ulo ko neto! Hmp..

"Ice cream ko?!" Iniwan niya muna ako at pumunta sa seven eleven.

Ilang minuto rin siya dun sa seven eleven.

"Ice cream lang naman yun ehh bat ang tagal niya?" Grabe talaga ha!!

At salamat dumating na siya, inabot niya sa akin ang plastic, hmm nakapa ko agad ang malamig na ice cream siya naman kumakain na ng ice cream hindi man lang naghintay. -_-

Pero bakit parang may ewan, pagkatingin ko sa plastic may..........

May.........

May NAPKIN?!

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin na lang sa kanya habang siya ehh taas baba ang kanyang kilay.

Huhuhuhu baka nga meron ako ngayon.ToT

KAHIHIYAN!!!

"Kilalang kilala na talaga kita Sab....... Nerd." Nalungkot na naman ako sa narinig ko, paninindigan niya talaga ang pag limot sa memories namin, naman ohh.

Pumunta na kami ng school at salamat lang talaga kasi hindi kami na late.

"Guys bukas na daw ang Performance task so ngayon kayo pwedeng mag practice, good luck na lang sa inyo lasi nga half ito ng grades niyo para sa music." Nanlaki ang mga mata ko kasi nga bukas na agad..... agad agad??

And tulad ng dating gawi, nahatak na naman ako ni Kurt na toh sa..........

Sa............

Itutuloy po...........

Miss A.: Saan kaya yun? Nakaka inis na talaga si Kurt ha?! Kaya niyang kalimutan ang la

Last first kiss [COMPLETE] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon