6.Ang hokage na si Luna

6.6K 137 12
                                    



Luna's POV

"Luna, gising ka na diyan!" Muntik na akong mapasigaw ng makita yung alarm clock ko, ono mag si six na pala! Ngayon lang ako ginising ni mama?

Napuyat kasi ako sa kakaisip kay Kukoy ehh, miss ko na talaga siya.

Dumiretso ako sa kusina para kumain pagkatapos kong maligo ehh nakatapis lang ako, anong magagawa ko male late na ako no!

"Ma, handa na ba ang pagkain?" Pagkababa ko sa hagdan ehh nakita ko si.......

Si.........

Si Kristian.

Nanlaki yung mga mata ko siya naman ehh nagtakip agad ng mga mata, kahihiyan!

"Ahhhhhhh!! Mama!" Bumalik agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Inayos ko na lang muna ang bag ko at nag ayos ng mukha, buhok at nagbihis na.

Bumaba na ako, nakita ko si Kristian na sa dinning table at nakangiti, ngiting aso, mapang asar talaga!

"Uuyy kain na Luna!" Tinaasan ko lang siya ng kilay, ang komportable niya naman sa bahay namin.

Kakatapos lang namin kumain.

"Luna ihahatid nga pala kita ngayon sa school mo ha! Bye po Tita!" Hinatak niya ako palabas ng bahay namin kahit wala pa akong baon ehh paano ako nito ngayon, kawawa naman ang alaga ko siya tiyan. ToT

Sumakay na naman kami sa big bike niya, ang bilis talaga magpatakbo kaya hindi ako nalate, yehey!

-----------

Nasa classroom na ako, pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko, anong meron?

As usual nasa pagitan ako nina Mark at Kurt, nagsimula na ang klase namin, grabe ang boring naman! At sa wakas sa hinaba haba ng discussion namin ehh natapos din!

"Class dismiss!" Lahat ng estudyante sa loob ng classroom ay tumayo except sa akin, kasi anong gagawin ko ehh wala akong pang bili, hinatak kasi ako ng napakagaling na lalake na 'yon.

Naka upo lang ako sa desk ko, walang tao sa room, nakakatakot!

"Lonely is the night when I'm not with you! Pagkain!" Huhu natatawa na  lang ako kasi hindi ko talaga mapigilan na kumanta sa sobrang gutom.

Malapit nang matapos ang recess at gutom na gutom na talaga ako, kumukulo na talaga.

"Nerd ohh!" Napatingin ako sa.........

Sa hamburger! Kyahh mukhang masarap.

Napatingin ako kung sinong nagbigay, si Mark pala.

Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Mark hulog ka ng langit, thank you sa burger! Best friend!" Nanlaki yung mata niya dahil siguro tinawag ko siyang best friend, ahaha. Minsan lang 'to!! Omo!

Umupo agad ako at binuksan ako ang burger na ibinigay niya sa akin habang siya ay nakatayo lang.

Una kong ginawa ang nilanghap ito. Unang kagat pa lang lasap na lasap mo na ang burger-patty na mainit init pa! Ang matamis na kamatis, ang medyo maasim na mayo, ugh! Heaven!

Pinisil niya ang dalawa kong pisngi habang kumakain, nakatitig lang ako sa kaniya, muntik ko na nga makagat yung thumb niya ehh ng matapos akong kumain tinulak ko siya palabas ng room namin at dinala sa canteen, tutal nilibre niya ako! Sagad sagadin ko na!

Last first kiss [COMPLETE] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon