16.Killer

4.2K 93 8
                                    

Miss A.: Paghindi kayo mag comment sa tamang lugar hindi ko yan ila like, subukan niyo lang! Napipikon na ako! Dati pinagbibigyan ko kayo pero ngayon hindi na po!

Anthony's POV

Kilala ko na kung sinong gustong pumatay kay Luna pero bakit? Natulala na lang ako kasi nga nakita ko siyang lumabas ng kwarto ni Luna kasi nga bibisitahin ko sana siya ehh, hinabol ko siya.

Ang bilis niyang tumakbo ahh, kaya nahalata kong alam niya na sinusundan ko siya.

Napaliko siya sa isang parte ng ospital at nabigla ako ng bigla na lang siyang nawala.

"Anthony, isang galaw mo pa at sasabog na yang maliit mong utak." Bigla akong napatingin ako sa kanya! Kaya niya ba talagang gawin yon kay Luna! Ano bang ginawa ni Luna sa kanya.

"Ba bye! Hahahaha!" Para na siyang buang! Nakipag agawan ako ng baril sa kanya at sinong mag aakala na malakas pala siya?

*shoot*

"Huh!" Napahawak ako sa braso ko, mah d-dugo!

Kurt's POV

"Sabrina!!!" Napatingin ako sa kanya, d-duguan na siya!

Nanlulumo ako!

"Sabrina, sinong may gawa sayo nito!?" Napatingin ako dun sa babaeng nakangisi, hindi ko masyadong maaninag, wala na akong pake elam kung sino siya basta mabuhay lang si Sabrina.

Binuhat ko siya at naghanap ng doctor..

"Kurt, please tama na." Inihiga ko siya sa lapag

At......

At......

"Kur! Kurt!" Napamulat ako, ay panaginip lang pala, hindi isang panaginip isang bangungot.

"Okey ka lang? Bat ka umiiyak?" Tumingin ako sa kanya, halata sa mga mata palang niya na nag aalala talaga siya sa akin, hinawakan ko ang kanyang pisngi, natatakot ako!

Hindi dahil sa na nganganib ang buhay ko dahil merong chance na mawala si Sabrina sa akin.

Kahit bad boy ako nag aalala pa rin ako.

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya kasi baka makulitan siya sa akin ehh...

"Okey lang ako, hindi niya ako kayang saktan.." Langya! Muntik ka nang mamatay!

"Matulog ka na." Umalis ako para hanapin ang walang hiya na yun.

Papatayin ko siya! Kung sino ka man humanda ka!

Medyo malayo layo na rin ang na lalakad ko, hindi ko rin alam kung saan ko siya hahanapin pero disidido ako na hanap kung sino ka man papatayin kita.

Never touch my GIRL!

Naglalakad ng biglang...

*kring kring*

"Hello Kurt, my baby's waiting for you." Wait si.......

Si tita ba toh?!

"Naghahanap kasi siya ng kadamay pagnamatay siya, dali punta ka para sabay kayo, whahaha!" Naka nga nga lang ako the whole time na nagsasalita siya, hindi ko kayang maisip na sarili pa talagang mama ni Luna ang gustong pumatay sa kanya.

"Pumunta ka sa isang lugar kung saan mo laging nahahanap si Luna at wag mo iisiping magtawag ng pulis kung hindi................" Kahit hindi ko nakikita ang pag mumuka ng hayop na ito ehh alam kong nakangisi siya.

Huh huh huh, kinakabahan na talaga ako! Pupunta ulit ako sa lugar na yun!?

*Flashback*

"Tagu taguan maliwanag ang buwan pag kabilang kong sampo nakatago na kayo! Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam.......... Sampo." Tumingin tingin ako sa paligid.

Nandito kami sa isang maliit na bahay na lagi naming pinupuntahan ni Sabrina, nakakatakot dito lalo na ngayong gabi, ewan ko nga kay Sabrina kung bakit ba hustong gusto niya sa lugar na ito ehh ang alam ko may namatay na daw dito ehh.

"Sabrina natatakot na ako!" Kinakabahan ako kasi daw may kapre daw dito ehh.

"Pst......." Biglang tumaas ang balahibo ko ng may naramdaman ako sa bandang likudan ko.

"Alam mo ba kung bakit gisto ko dito?" Napaharap ako kasi narinig ko ang boses ni Sabrina, buti na lang talaga.

"B-bakit?" Napangisi siya, ngayon ko lang nakita si Sabrina na ganto. Nakaktakot.

"Kasi nga nandito sila..........." Nanlaki ang mga mata ko sabay takbo palayo kay Sabrina.

"Uy joke lang Kukoy!! Huy wag mo akong iwan!" Kahit na takot na takot ako pinilit kong huminto para hintayin sa kanya.

"Magubat dito kaya wag kang basta basta tatakbo ha? Ikaw talaga Kuloy." Naiiyak na ako, sa lahat talaga ng ayaw ko kay Sabrina ay yun ang lagi niyang pagtakot sa akin.

Bumalik na kami sa bahay bakasyunan nila Sabrina, magkasama kami kasi nga niyaya kami ng mama niya ehh bjuti na lang talaga at pumayag si mommy at ate.

*end of flashback*

Umalis agad ako sa hospital para pumunta sa bahay bakasyunan nila Sabrina.

Itutuloy po..........

Miss A.: Alam kong hindi inisip na ang mama ni Luna ang gustong pumatay sa kanya noh? Ahaha.... Ano kaya ang rason kung bakit niya gistong patayin ang sarili niyang anak?
Abangan.................

Last first kiss [COMPLETE] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon