Zeki POV.
Nandito kami sa canteen at pinaghahandaan ang pagpasok ni shann. Nilagyan namin ng langis ang intrance ng canteen at timba na naglalaman ng pintura. Kapag pumasok siya dyan siguradong madudulas siya.
"Zeki ! Zeki ! Nandyan na siya." Sabi ng inutusan kong look out.
Ayan na bumukas na ang pinto. At BLAAAGGGG !HAHAHA ! Tumayo siya ng punong puno ang mukha ng kulay black na pintura. Kawawang shann tiningnan niya ako ng masama. Nginisian ko nalang siya ng lalong nagpainis sa kanya , lumapit siya sakin na nakakuyom ang kamao.
"Hoy ikaw gunggung! Ano bang promlema mo?" Singhal na sabi niya at ako gunggung?
"Wala trip lang kita? Bakit may problema ka ?"pang aasar ko sa kanya na ikinamula ng mukha niya dahil sa inis.
"Uggghh!"sabay umalis na sa loob ng canteen at umugong ang malakas na tawanan sa silid na yun. Nakakatawa lang kung paano siya mainis.
Shann POV.
Nakakainis siya wala naman akong ginagawa sa kanya , e anong problema niya ? Nakaka g*go na siya ah. Pag hindi ako nakapag pigil tatamaan na siya sakin.
Kasalukuyan akong nandito sa garden wala na akong extrang damit , anong susuotin ko ? Hindi naman pweding ganito ang itsura ko pag pumasok ako. Uggh ! Nakakainis talaga siya. Gaganti ako !
"Hi miss" Nilingon ko siya. Woaah nasa katabi ko na pala siya siguro sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko namalayang may tumabi na pala sakin.
"Hi ."sagot ko at isinandal ang ulo sa puno.
"I'm Mike, and you are?" Pagpapakilala niya sakin. At inilahad ang kamay niya.
"I'm shann, nice to meet you"saad ko at iniabot ang kamay ko sa kanya.
"Nice to meet you too shann , ahhm , anong nangyari sa uniform mo ?"takang tanong niya.
"Long story"tipid na sagot ko.
"Excuse "sabi niya at tumango nalang ako bilang sagot.Nakita ko naman na kinuha niya ang cellphone niya sa pocket niya at may kinausap hindi ko marinig dahil malayo kaya hinayaan ko nalang wala naman akong lahing chismosa. Makalipas ang ilang minuto bumalik narin siya at umupo sa tabi ko. At palinga linga na waring may hinihintay.
"Mike! Sigaw ng isang babaeng may dalang paper bag." Sabay inabot kay mike ang paper bag at nagpasalamat na dun sa babae. Nung nakadating na siya sa pwesto ko. Ibinigay niya sakin yung paper bag .
"Para san 'to?"takang tanong ko dito.
"Open it"hindi niya sinagot yung tanong ko. Kaya ginawa ko nalang yung sinabi niya. Binuksan ko yung paper bag at lumantad sakin ang isang pares ng uniform.
"Change your cloths " ngumiti ako at nagpasalamat . inihatid niya ako sa labas ng cr. Syempre sa labas lang girls only ang cr dito hinintay niya ako sa labas ng cr at ginawa ko na ang sinabi niya nagpalit na ako ng uniform at lumabas na ng cr. Hinatid niya ako sa classroom at nag thank you sa kanya.
Buti nalang may tao pang mabubuti ngayon.
Hi readers. Kamusta ang update ko ? Hahaha hope you enjoy my new update. Lablots