CHAPTER EIGHT

439 12 0
                                    

Shann POV.

Umaga nanaman at kailangan ko ng mag ayos para makapasok. Inaantok pa talaga ako, Nagtungo na ako sa cr para maligo. Pagkatapos sinuot ko na yung uniform ko. Tinungo ko ang daan patungo sa pintuan at bumaba na ng hagdan. Gising na pala ang mga maid dito, ang aga naman nila wala naman silang pasok. Nag 'good morning'naman sila sakin kaya binati ko pabalik. Pumunta na ako sa kusina para kumain ng breakfast.

Nandito na ako sa harap ng smith university , tinungo ko ang daan papunta sa classroom. At umupo sa pinakadulong upuan. Napukaw ang paningin ko ng pumunta ang president namin sa unahan may iaannounce ata. So yun pala , sabi ng president namin bukas na daw magaganap ang sport fest so kailangan naming pumili ng sports na pwedi naming salihan. At bawat section ay merong representative na muse and escort , dahil meron title na ibibigay pag nanalo ka sa muse and escort na yun, ang title na ibibigay sayo ay campus queen and king. O diba bongga pero wala akong paki dun dahil di naman ako sasali lalo pa at ang representative bilang section namin ay walang iba kundi si zeki. Tsk hind naman nakapagtataka na maging escort siya. Gwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan at saka-- teka bakit ko ba siya nilalarawan. Psh , erase erase. Wala kayong nabasa okay.

Lunch break na, pumunta ako sa canteen para kumain. Hindi pa man ako nangngalahati sa pagkain ko. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Nilingon ko siya para malaman kung sino ba yun. Tsk si zeki lang pala. Pero teka anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito? Madami pa namang table diyan."tanong ko sa kanya pero nanatili parin siya na nakatingin sakin, hindi ba niya alam na nakakailang siyang tumingin.

"Can you be my partner?"hindi tanong kundi utos. Aba inuutusan niya ba ako. Oo hindi mo ba narinig kasasabi lang gusto mo pa ulitin. Hahaha pati konsensya ko kinakausap ako.

"Ayaw ko"tipid na sagot ko sabay subo ng kinakain kong carbonara, Nagulat ako ng lumapit siya sakin . anong gagawin niya ? Papalapit na siya. Waaaaahhh. Pumikit nalang ako ng mariin . naramdaman ko yung isa niyang daliri na lumapat sa gilid ng labi ko kaya napamulat ako.

"Expecting na hahalikan kita?"sabi niya sabay labas ng nakakalokong ngiti sa labi niya. Ayyy sarap punitin ng mukha. Saka duh never , ako ? Haha nagulat lang ako sa ginawa niya.
Hindi ko siya pinansin.

"Para kang bata kumain"comento niya sa pagkain ko. Pakilaro 'tong lalaking 'to.

"Paki mo ba?"sagot ko sa kanya.
" please pumayag kana kasi."Hahaha dapt lang sa kanya yan. Magmakaawa ka lang.
"Madami namang iba diyan , sila nalang ang alukin mo niyan."sabi ko sa kanya. Pero bakit parang gusto kong pumayag . pakipot lang.

"Okay."sabi niya sabay alis.

Pumasok na ako sa classroom. Kahit inaantok hindi na ako natulog tiniis ko nalang ang antok tutal patapos naman na ang klase. Baka mangyari ulit yung nangyari dati. Yang zeki na yun kasi e. Paano nalang kung hindi dumating yung knight in shining armor ko. Di nagutom ako dun. Just move on. Natapos na ang klase at ito ako ngayon naghihintay ng masasakyan pauwi hindi ko kasi dinala yung bike ko. Yan tuloy naghihirap ako.

May tumigil na kotse sa harap ko, ano 'to kidnapping pero ang gandang kotse naman nito para gamitin sa masama. Pero malay mo naman. Bukas ang bintana nito at bumungad ang mukha ni zeki.

"Anong ginagawa mo dito?"mataray na sagot ko.

"Ihahatid na kita sa inyo"hindi na ako nag inarte , gabi na rin kasi tapos wala pang dumadaan na sasakyan. Kaya sumakay nalang ako . dito niya ako pinaupo sa kalapit niya. Ng makaupo na ako. Ito nanaman siya lumapit nanaman siya kaya napapikita nalang ako. Naramdaman kong may ginalaw siya sa tabi ko. Ikinabit niya ang seatbelt sakin.

"San ang inyo?"tanong niya ng nakangisi.

"Sasabihin ko nalang."sabi ko nakarating na kami sa bahay at bumaba na ng kotse niya. At nagpasalamat. Pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta muna sa kwarto para maligo. Pagkatapos nun . bumaba na rin ako at kumain ng dinner. Pagkatapos umakyat na ulit ako at humiga sa kama. Kailangan ko ng magpahinga siguradong nakakapagod ang araw bukas. Paghahandaan ko ang sport fest. At nakatulog na ng mahimbing.

A/n: Hi readers. Vote and comment lang guys . pafollow na rin. 💋

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon