CHAPTER TWELVE

391 7 0
                                    

Shann POV.

Ang aga ko gumising, balik na ulit sa dati yung klase. Yung tungkol sa pageant na move so next month nalang daw yun matutuloy busy kasi lahat ng teacher so walang mag o organize.

Pumunta na ako sa banyo at nagshower inaantok pa din ako pero dahil ginising ako ni yaya napilitan ako bumangon pero parang hinihila parin ako ng kama pabalik.

Nag breakfast na ako. Wala parin si mama baka mamaya nandito na siya.

Nagbike nalang ako papunta sa school. Nakapasok na ako ng gate hindi pa man ako nakakadating sa room ko biglang may lumapit sakin na mga lalaki kasama na dun si adrian, kasama niya yung mga lower section.

At ang balita ko sa lower section sila yung matitindi mam bully, kasama si zeki at si adrian pero si mark naiiba sa kanila kaya ko nga siya nagustohan ee.

Lumapit na sila sakin pero hindi nila kasama si zeki kinuha nila sakin yung bag ko pati yung libro ko. Pinagpasa pasahan nila yung bag ko hindi ko parin makuha ang tataas kasi nila. Ano ba yan umagang umaga ako agad ang napagtripan nila.

"HOY" napalingon ako kung sino yung sumigaw na yun.

Si Zeki, ano kayang ginagawa niya dito. Wag mong sabihin na makikisali pa siya dito.

Kinuha niya yung bag ko sa kanila, akmang ibinigay na niya sakin. Wow ha parang bumait siya.

Pero hindi pala, binaliktad niya yung bag ko dahilan para mahulog lahat ng gamit ko.

Nagtawanan naman yung mga kasama niya, sabay umalis siya nalang ang naiwan.

"Dapat lang saiyo yan"pag kasabi niya nun umalis na siya.

Akala ko pa naman bumait na siya. Buti nalang hindi niya katulad si baby mark ko. Pinulot ko na yung mga gamit ko. At pumunta na sa classroom hindi pa naman nagsisimula yung klase.

Pumasok na yung teacher namin.

Discuss..
Discuss..
Discuss..
Then dismiss

Hayy. Nakakaboring talaga pag history na ang klase namin. Math na ang next.

Pumasok na yung teacher namin. Nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si sir ng biglang pumasok si zeki. O naligaw ata to , section ten siya bat nandito siya sa section one.

Hindi na nakapagreklamo yung teacher namin.

"Magiging kaklase niyo nga pala si zeki sa subject ko" sabi ni sir.

Umupo na si zeki sa katabi ko. Dun nalang kasi ang vacant sit . akalain mo yun si zeki na basagulero mapupunta sa section one. Baka naman magaling talaga siya sa math.

Lunch time na. Pag ganito kasing lunch time hindi ako pumupunta sa canteen mas pinipili ko pang pumunta sa library para magbasa ng libro, o kaya magreview.

Syempre sayang yung pagiging valedictorian ko kung kung mawawala ng ganon lang.

Umupo na ako dito sa pinakadulong table. Kinuha ko yung sandwich ko sa bag. Ayoko na kasing bumili pa sa canteen. I hate more peoples , and i hate attention. Mas gusto ko yung mag isa lang ako mas komportable kapag mag isa lang.

"Shann" napalingon ako kung sino yung tumatawag sakin.

"Bakit po sir" si sir Mendez teacher namin sa english, favorite ako nito sa klase .

"Can i have a favor"
"Ano po yun sir"

"Gusto ko sana na ikaw ang maging tutor ni adrian sa english" HA !? Ano ayaw ko nga. Ayaw kong mapalapit sa mga yun lalo lang magugulo ang buhay ko ng dahil sa mga yun.

"Pero sir.." Hindi pa ako tapos magsalita nagsalita na agad si sir.

"No more buts shann. Ikaw ang pinakamatalino sa klase ko. Umaasa ako na matuturuan mo siya ng maayos"

Hindi pa man ako nakakapayag umalis na agad si sir. Ano ba yan ! Hindi pa naman kami close nun saka isa siya sa nangbubully sakin.

Nag bell na. Kaya inayos ko na ang gamit ko at nagpunta na sa classroom. So tuwing english time dun ako papasok sa section ten. Ugggh ! Ayaw ko dun madami pa namang bully dun tsaka puro lalaki ang estudyante dun.

Buti nalang wala kaming english ngayon. Ayun naging lutang ang utak ko dahil sa nangyari kanina.

Ano kayang ituturo ko kay adrian. Sigurado akong mahihir

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon