Shann POV.
Pauwi na ako sa bahay , pagkatapos ng laro nila. Mag isa lang ako naglalakad ng biglang may tumigil na kotse , ang ganda naman ng kotse na to mukha mayaman ang may ari pero bakit kaya siya huminto sa tapat ko ? Wait baka kikidnapin ako nito ! Omy binilisan ko ang lakad ko pero nakasunod parin siya. Binuksan Niya yung bintana ng kotse niya nung makita ko kung sino yung nasa loob , napatigil Ko bigla .
"Wala kabang kasabay , ihahatid na kita sa inyo" obvious ba kita naman niya e. At dahil crush ko siya di na ako nagpakeme , Dahil medyo madilim narin at parang uulan ata. Bumaba siya ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Gwapo na gentleman pa. Ayiie. Di ako na ang kinikilig. Tahimik lang ang buong byahe dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school mga 15 minutes ata nakarating narin ako sa bahay syempre nag thank you ako bago bumaba Inaakit ko siyang pumasok sa loob sabi niya next time nalang daw umuulan na kasi. Pumasok na ako sa loob ng bahay , sinalubong ako ng aso ko ang cute nga niya e. Maliit lang siya tapos malago yung malahibo na kulay brow. Ang cute ang pangalan na niya ay chichi wala kasi maisip na pangalan ee.
"Baby nandito na si mommy, gutom ka naba ?" Regalo to sakin ni mama nung birthday ko. Kinuha ko yung pakainan niya tapos kumuha narin ako ng dog food. Paubos na yung dog food ng baby ko. Siguro sa saturday nalang ako bibili friday naman na bukas.
Pumunta ako sa kusina para tingnan kong meron na bang makakain dito. Naabutan ko si mama na nagluluto ng ulam.
"Hi ma" sabay kiss sa cheeks niya.
"Hi anak, kamusta ang pagpasok baby" baby ang tawag sakin ni mama ako lang kasi ang nag iisang anak ni mama e . kaya spoiled ako sa kanya.
"Okay lang naman po ma, saka nanalo po kami kanina sa volleyball. Tska po pala ma ako nga pala ang representative ng section namin para sa miss campus " sabi ko kay mama."Sige baby, kailan ba yun ?" Tanong sakin ni mama.
"Next friday pa naman po."
"Sige baby paghahandaan natin yan. So kailangan sa saturday makabili ka na ng gagamitin mo para sa pageant na yun anak." Sabi ni mama" oo nga po mama e. Tsaka bibili na rin po ako ng dogfood para kay chichi"
"Sige anak umakyat kana at magpalit ng damit, pagkatapos bumaba kana at kumain ha. Hindi na ako makakasabay may meeting pa kasi ako e. "
"Sige po ma. Take care po."
"Ikaw din anak. Sige na "
Umakyat na ako sa taas. At nagshower ng kaunting oras. At nagbihis ng pantulog. Bago ako bumaba , pumunta muna ako sa study table at kinuha yung laptop ko at nagbukas ng fb. Nag pop yung fb notification ko ano to ?
Hezekia Smit send you a friend request.
Adrian villasis send you a friend request
Mark jacob ramos send you a friend request
Ayiiiiiie . kinilikilig ako. Nag friend request sakin si mark. Aaaahhh! Grabe nagtatatalon na ako sa kama ko sa sobrang tuwa. Pero teka bakit kaya nag friend request sakin yung abnormal na yun. Si zeki , pero ayos lang yung kay mark lang ang ini accept ko. Ayiie sa sobrang tuwa di na ako nakakain ng dinner . ayos lang wala namang magagalit wala naman si mama e. Tutulog na ako excited na akong pumasok bukas. Sana ihatid niya ulit ako. Bago ako matulog nag log out muna ako at binalik na sa study table ko yung laptop ko. At everything went black.
A/n: Hi my beautiful and handsome readers !