CHAPTER 9: PEACE OFFERING

11 1 0
                                    

KRISTINE


Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng umuwi ako sa rest house. Inikot ko ang buong lugar at wala akong nakitang interesante, nababalot ang lugar na ito ng palayan at niyogan. Wala manlang ilog o kahit na ano, walang espesyal na tanawin, mga ordinaryo lang ang mga 'yon sa mata ko.

At pinagsisisihan kong nag-ikot ako. Hindi dahil wala akong nakitang interesante kundi dahil nakakita ako ng Hindi ko dapat makita. Sa dyaryo nakita ko sina Gwen at Jefferson habang magkayakap suot ang kanilang susuotin sakanilang kasal. Kaya natagalan ako sa may malapit na bilihan ng dyaryo para umiyak at makibasa don sa article. Nababanggit pa rin ako bilang blind item! Halata namang ako dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ng may-ari ng pinaka malaking publishing company sa bansa! Nakakahiya sakanila kulang nalang ilagay nila ang litrato at full name ko don!

Pagpasok ko sa bahay e wala akong namataang tao don malamang na bumalik na ang kamahalan sa kwarto dahil umalis na ang kanyang panauhing pandangal. Kaya pumanhik nalang ako sa kwarto pero wala rin sya don. Kaya dumiretso nalang ako sa banyo para maligo at para makapaghanda na rin ng hapunan.

Matapos kong gawin ang mga kailangan ko sa taas e napagpasyahan ko ng bumama para magluto. Magluluto ako ng chicken curry, pareho naming paborito 'yon ni Dustin. Oo naiinis ako sakanya pero hindi lang naman sya ang makikinabang sa lulutuin ko.

Naghihiwa ako ng patatas ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto. Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang paghihiwa ng matapos na ang pagluluto ko. mahirap na baka nagugutom na ang kamahalan at baka mapatalsik ako sa hiniram nyang palasyo.

Malaki pa naman ang galit nya sa 'kin at alam Kong alam 'yon ng mag-asawa, at Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila ginawa ang bagay na 'to pero sa isang bagay lang ako sigurado dahil ito sa bagay na inamin ko sakanila pagkatapos kong makaligtas sa second attempt kong wakasan ang buhay ko.

Habang naghihiwa e napadaan ang mga mata ko sa kaliwang pulso ko kung saan makikita dati ang napaka panget kong pilat, na ngayon e natatabunan na ng tattoo.  Pinatabunan ko 'yong peklat na 'to ng tumuntong ako ng 23, para makalimutan ko na ang mga kahibangang ginawa ko para lang 'wag akong iwan ng taong minahal ko higit pa sa buhay ko. Pero wala pa rin palang nangyari. sa huli maiiwan pa rin pala ako.

Natatawa nga ako kapag naiisip kong napaka dali para sa 'kin noon na wakasan ang buhay ko para lang manatili syang sa 'kin, para lang mapilitan syang lumaban para sa 'ming dalawa. Pero hindi ko nakuha ang pangalawang rason. Simple lang dahil Hindi sya ganun katapang para ipaglaban ako. hindi nya kayang iwanan ang mga bagay na meron sya. mga bagay na handa kong iwan para sakanya.

Pero past na 'yon ngayon, kailangan kong mag move-on para maging masaya rin ako kagaya ng ginagawa nila. oo at isang linggo palang ang nakakaraan mula ng malaman ko ang masakit na katotohanan. Isang linggo palang ng akusahan nila ako bagay na alam nilang hindi ko kayang gawin. Isang linggo mula ng talikuran ako ng halos lahat ng mga taong mahalaga sa 'kin. Masakit, pero kailangan kong kumilos para hindi ako maiwan.

Kasi alam ko naman na sa isang linggong 'yon naka move-on na 'yong mga ng api sa 'kin! Hah! Baka nga hindi manlang sila nalungkot ng pinutol ko na ang pagkakaibigan namin! Pinili nila 'yong maimpluwensya kaya magkalimutan na. Darating din ang araw na magsisisi sila at binitawan nila ako, makikita din nila ang halaga ko kapag nawala na ako sa tabi nila!!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon