CHAPTER 5: BITCH AND JERK

24 0 0
                                    


Flashback 12 years ago

DUSTIN

Nagtatawanan at nag-aasaran kami ng mga barkada ko habang naglalakad sa hallway. Inaasar namin si Lester na Torpe dahil hindi nya magawang lapitan ang kaklase naming si Gwen. Simula ng maging kaklase namin ito ng Grade 7 e hindi nya pa ito nakausap ng maayos dahil nauutal sya. Maganda kasi ito't mabait at halos lahat ng kabatch namin e nagkakagusto sakanya.

"Si Paul na ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo, wala pa rin! You're hopeless, Lester!" Ani Von na sinabayan nya ng malakas na pagtawa.


Nakisabay ako sa tawanan hanggang sa hindi na namin napansing nakarating na pala kami sa auditorium. Pumunta kami dito para panoorin ang practice ng theatre club, kung saan member ang nililigawan ni Paul. Isa rin ito sa main character ng gagawin nilang play kaya madalang nalang silang magkita, dahil busy ito. Kaya si Paul nalang ang nagawa ng paraan para magkita at magkasama sila.

Pagkapasok namin e wala namang pinagbago ang auditorium. Malinis pwera nalang kung titingin ka sa backstage kung san nakakalat ang mga natapos ng props.

Nang makita kami ng nililigawan ni Paul e agad itong kumaway sa 'min. Malaki ang ngiti nito kahit na halatang pagod at pawisan ito.

Maganda si Joana. Mahaba at makintab ang malauling nitong buhok. Maganda ang malaking mata na napapalibutan ng makapal eyelashes, kissable ang pink na labi, ang mali lamang sakanyang mukha ay ang kanyang pangong ilong. Pero maganda sya't mukhang manika. Mga katangian ng mga nagiging type ni Paul.

"Jusko nandidito nanaman ang mga 'yan?! Babagal nanaman ang trabaho!" Sigaw ng kanilang President na si Macy. Ang babaeng allergy sa presensya naming apat.

"Talagang babagal dahil hindi effective ang leader," bulong ni Paul. Pero malakas, halatang gusto nyang iparinig kay Macy.

Napangiwi ako. Kung hindi lang si Joana ang nililigawan nya e aakalain kong si Macy ang gusto nya. Sya lang kasi ang madalas na pumatol sa mga pasaring nito. Kaya ang labas e magbabangayan sila at 'yon na nga ang nagiging dahilan ng pagbagal ng practice.

Maganda rin si Macy. hindi lang sya basta maganda matalino't talented rin sya. Kaya nyang kumanta, umarte at sumayaw. Almost perfect kumbaga. Binansagan na rin syang 'Mary' dahil kahawig nya ang rebulto ni Mama Mary'ng nakatayo sa Gitna ng School. Ang madalas na napapansin sakanya e ang mala pancit canton nyang buhok. Sinusumpa nya ito pero ito ang gusto sakanya ng mga tao.

Classmate ko sila  mula grade 7 kaya pati pag dadalaga't pagbibinata namin e nasaksihan na ng isa't-isa at mula nun mortal enemy na sila Macy Paul.

"Ano?! Ako hindi effective?! E kung ihambalos ko kaya sa pagmumukha mo lahat ng mga awards na napalunan ng club magmula ng maging presidente ako!"

Sumipol ako at naupo nalang sa mas malayo sakanila. Ayokong marinig ang kanilang bangayan. Nakakarindi, wala namang kwenta. Sumpaan sila ng sumpaan at kahit sino hindi sila mapigilan. Tch.

Nilabas ko ang phone ko at tinext ang latest girlfriend ko. Baka kasi magtampo sya at makipag hiwalay, hindi pa ako nakaka isang linggo sakanya kaya hindi pa sya pwedeng humiwalay sa 'kin.

"Magpractice na nga tayo! Sinasayang ko lang ang laway ko dyan sa chararat na 'yan e! Nasaan si Kring?!" Ani Macy habang nakasimangot at nagpapaypay kahit naka aircon naman ang kinalulugaran namin.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon