Prologue

139 9 2
                                    


Pagkagaling ko sa trabaho e agad akong umuwi sa aking condo, para kunin ang mga gamit kong hinanda ko na para sa pag-alis ko ngayong gabi.

Hindi ko inalintana ang pagod at puyat na nararamdaman ko basta ang mahalaga e makaalis ako sa lugar na 'to sa lalong mas madaling panahon. Dahil kung hindi e baka hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko.

Nang makuha ko ang isang malaking bag pack sa unit ko e agad akong umalis don. Nagtungo ako sa elevator at pinindot ang buton ng Basement paglabas ko e patakbo akong nagtungo sa kotse ko, pinatunog ko ang sasakyan ko bago ako pumasok don.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa sasakyan. Huminga pa ulit ako ng malalim bago ko pinaandar palayo ang sasakyan ko.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko e nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Macy. Sinagot ko 'yon.

"Hello, Kristine?" Mababakas ang lungkot sa tono nya, pero hindi muna sya ang kailangan kong alalahanin ngayon, kailangan kong alalahanin kung paano makakatakas sa sakit na nararamdaman ko.

"M-Macy," napailing ako ng maramdaman ang pamamasa ng mata ko. Fuck!

"Kring, sure ka na ba?"

"Oo sure na sure na ako," huminto ako para tumawa. "Ano ka ba ilang bwan lang naman ako don 'no! Tatakas lang ako, pero kapag naramdaman kong wala na, na nakalimot na ako babalik agad ako. Alagaan mo ang sarili mo ah! At wag na wag kang magkakamaling dalawin ako sa pagpapakalayo layo ko. Sabihin mo din kay Joana na wag sya'ng magtatampo sakin kung 'di ako nag paalam. Babye Mace love you"

Hindi ko na sya hinintay pang makapag salita dahil ayoko ng marinig ang boses nya dahil baka tuluyan na akong maiyak. Ayoko munang isipin na kahit ngayon e may kakampi pa ako, dahil baka mapigilan din nun ang pag-alis ko.

Tinuloy ko ang pagmamaneho pero ng medyo makalayo na ako e hininto ko ang sasakyan atsaka humagulhol ng iyak. Ngayon ko lang naibuhos ang iyak na ilang araw kong pinigilang tumulo, nakakagaan ng dibdib, kahit papaano e nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Kulang pa siguro ang lahat ng isinakripisyo ko para sakanya. Nakukulangan pa ata sya sa pagmamahal ko kaya hindi nya ako pinaglaban kahit na nagpapakatatag ako para sakanya.  Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

Natigil ang pag-iyak ko ng tumunog ang cellphone ko. Notification galing sa Facebook.

Kinuha ko ang phone ko at sinilip 'yon. Picture ni Jefferson at Gwen habang magkaakbay. Lalo akong napaluha ng makita ang picture na 'yon.

Ang caption e.

'Going strong! Di nagpagiba kahit na inahas sya ng matalik kong kaibigan'

Nakuha pang i-tag sakin!

Hindi manlang nila naisip na masasaktan ako.sa ginagawa nila sakin ngayon ay parang wala kaming pinagsamahan!

Parang Hindi nila ako kilala, talagang pinanindigan at pinaniwalaan nila ang maling akusasyon.

Pinahiran ko ang luha sa mata ko atsaka pinatay ang phone ko at tinuloy ang byahe ko papunta sa lugar kung saan makakalimot ako at makakalimutan din ako ng mga tao.

Hindi na ulit ako ngumawa buong byahe, nakakatulong pala ang matinding pagod para kahit papaano e mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Mag-uumaga na ng dumating ako sa rest house nila Macy sa isang liblib na lugar. Ilan-ilan lang ang mga kabahayan dito. Tahimik kaya magkakaroon ako ng panahon para makapag-isip kung anong dapat kong gawin at kung papaano ko haharapin ang lahat ng 'to.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon