CHAPTER 16: MAD

8 2 0
                                    

Flashback 11 years ago

DUSTIN


Kumatok muna ako bago pumasok sa maroon na pinto ng matagpuan ko 'yon sa dulo ng mahabang hallway ng second floor. Walang sumagot kaya pinihit ko ang door knob at itinulak papasok ang pinto para makapasok ako. Ang sabi naman ng katulong pumasok lang ako kaya ayos lang siguro kahit walang sumagot sa pagkatok ko.

Napanganga ako ng makapasok ako sa kwarto. Sobrang laki nito para lamang tulugan. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at habang ginagawa ko 'yon e parating sumasagi sa isip ko na talagang prinsesa si Kristine. Hindi lang dahil sinabi sa balita o sa magazine o kahit sa diyaryo. Kundi dahil sa palasyo nila.

Maganda ang interior ng kwarto. Mayroong sampung baitang na hagdan na mahdadala sa isang queen size bed na kulay maroon, sa taas ng kamang 'yon e may malaking painting ng pares ng mga mata at perpektong kilay, sa kulay at hugis ng mga matang 'yon e alam ko na kung sinong nag mamay-ari nun. Natatakpan naman ng puting kurtina ang glasswall ng hanging bed nya, nasa kaliwa 'yon. Sa kanan naman makikita ang grills na nagsisilbing terrace. Doon nakasabit ang higit limampung medalya ni Kristine pati na rin ang mga graduation pictures nya, at ilang pictures kasama ang mga kaibigan nya.

Sa baba ng hanging bed e mayroong mini sala. May malaking LED TV na napapagitnaan ng dalawang book shelves na nagsisiksikan na ang mga librong laman. Sa baba naman ng patungan ng TV e mayroong napakarami ring mga DVD. Ng mapadako naman ang mga mata ko sa bandang kaliwa e nakita ko ang isang malaking puting tukador na may puti ring upuan. Don nakalagay ang iba't-ibang pamahid sa katawan. Katabi rin nun ang dalawa pang pintong kulay maroon. Na sa tingin ko'y banyo at walk-in closet. Pero ang talagang kapansinpansin sa kwartong ito ay ang katabi kong mga litrato ng mga kilalang international singer.

Sa puting dingding nakadikit ang may kalakihan nilang litrato. Si Bruno Mars, Taylor Swift, Avril Lavigne, Demi Lovato, Ed Sheeran at Adam Levine. Sa ilalim ng mga litratong 'yon nakalagay ang mga albums nila.

Wow! Hindi daw kasi sya mahilig sa Music. Anong ibig sabihin nito?

"Tapos mo na bang pagmasdan ang buong kwarto ko?"

Napaiktad ako ng may biglang magsalita. Napatingin ako at nakita ang babaeng may-ari ng kwartong ito sa tapat ng pangalawang kulay maroon na pinto. Sa sobrang pagkamangha ko e hindi ko na napansing nakatayo na pala sya don. Kasi Damn! Parang isang condo unit itong kwarto nya sa laki. Ganito siguro kapag nag-iisang anak.

Napatingin ako sakanya. Nakasuot sya ng black and white striped long sleeve shirt, faded blue jeans at pares ng kulay puting chuck tailor. Nakatali ang kalahati ng buhok nya at may dala syang maliit na kulay brown na bag pack. Kung titingnan ang isang 'to parang normal na mamamayan lang. parang walang bilyones na trust pond!

"Hanep Bitch! Talaga palang big time kayo!" Sabi ko.

Inirapan naman nya ako. Tapos may kung ano syang kinuha sa cabinet bago nya ako nilagpasan at lumabas ng kwarto nya. Tamo 'to! Wala manlang special treatment sa bisita nya. Ilang ulit na ba nya akong inismiran at tinalikuran. Tsk. Sinundan ko nalang sya para walang gulo.

"Saan tayo pupunta? Hindi ba pwedeng dito nalang tayo gumawa ng project?'' Tanong ko. Maganda ang lugar na 'to o ang garden nila para pagshooting-an ng music video. Napadaan kasi kami don kanina may fountain.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon