CHAPTER 22: ONE ON ONE

13 1 0
                                    

Flashback 11 years ago

DUSTIN


Kumukutitap na ilaw, usok ng sigarilyo, malakas na tugtog, at mga lasing na wala na sakanilang sarili ang bumungad samin ni Kristine ng makapasok kami sa loob. Mukha syang namamangha samantalang naiirita naman ako dahil hindi ko magawang ilabas sya rito. Sinubukan ko syang pigilan ng ilang beses habang nasa entrance palang kami, pero talagang may sa adobe ang bungo nya kaya tumuloy pa rin sya. Kaya wala na akong choice kundi ang bantayan sya. Hindi ko sya babantayan ng dahil sa wala akong tiwala sakanya, meron. Pero sa mga taong nakapaligid sakanya, wala.

''Dustin!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig na 'yon at nakita ang isa sa apat na miyembro ng sikat na banda sa loob at labas ng school namin, ang Cyanide.

"Uno!" Sigaw ko pabalik.

Naglakad ito papalapit sa 'kin. Namumungay na ang mga mata at medyo pasuray na ang paglalakad.mukhang lasing na ang isang 'to. Malalagot kami sa President ng school kapag nalaman na naandito kami. Kalahati ata ng customers e estudyante ng WHS.

"Long time no see pare," nakipag kamay sya sa 'kin, bago lumipat ang mga mata nya sa katabi kong tila ba'y walang pakealam at sige lang ang ikot ng paningin sa buong paligid. Ignorante ba 'to? "Oh! Si Kristine Ramirez 'to 'di ba? Bakit kasama mo? Syota ni Tan 'to!"

Tiningnan nya ako ng may malisya. Nagkibit balikat nalang ako dahil sanay na ako sa pagkamalisyoso nya. Kaibigan ko rin sya pero hindi ko sya gaanong kaclose katulad kina Paul. nakilala ko lang ang isang 'to dahil sa pinsan kong si Zera, actually buong banda nila. Boyfriend nya kasi ang bokalistang si Adam. Si Uno ang drummer at pangalawa sa pinaka sikat, dahil sa pagiging matinik nito sa mga babae. At sa tingin ko don kami nagkakasundo.

"Anong ginagawa mo dito? Gig?... O mag-isa ka?" Sabi ko, sinadya kong hindi sagutin ang tanong nya. Lalo na ngayong nakatingin na samin si Kristine.

Humalakhak si Uno. Parang nagets nya ang ginawa ko, hinayaan ko lang sya hanggang sa mahimasmasan sya't umiling at ngayon e tanging ngisi nalang ang naiwan sakanyang labi.

"Sinamahan lang namin si Adam. Broken!" Humalakhak ulit ito, bagay na madalas nya namang ginagawa.

May tinuro syang lugar kaya sinundan ko 'yon at nakita don ang tatlo nya pang kabanda. Sige sa paglaklak si Adam sa bote ng beer habang pinipigilan naman sya ng katabi nyang si Kyle, at mukhang wala namang pakealam sa paligid nya ang naka-earphone na si Dramon.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Uno. Broken? May problema ba sila ng pinsan ko?

"May problema sila ni Zera?-" hindi ko na natapos pa ang itatanong ko, dahil bigla nalang umalis sa tabi ko si Kristine, at dumiretso sa isang malayong sulok. Napahinga ako ng malalim! Nakaka-stress! "Usap nalang tayo sa susunod Uno, sundan ko muna 'yon." Tinuro ko si Kristine bago ako umalis at dumiretso sa kinaroonan ni Kristine na ngayon e kausap na ang isang waiter.

Naupo ako sa katapat nyang upuan sa lamesang napili nya, nakataas ang kanyang kilay pero hindi naman sya nagsalita kaya hindi na rin ako umimik at pinakinggan nalang ang mga sinasabi ng waiter.

"Teka, mukhang bata pa kayo. Ilang taon ka na ba, Miss?" Tanong nito. Napalunok ang kaharap ko dahilan ng pagngisi ko. Akala nya ah!

"B-bakit importante pa ba 'yon?! Ang mahalaga may customer kayo!" Halata namang kinakabahan sya, pero nagawa nya pa ring sumigaw at tarayan ang waiter. Humalukipkip sya't tiningnan ang nasa menu. "Bigyan mo ako nito, nito, nito atsaka nito."

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon