CHAPTER 23: JUST LIKE THAT

8 1 0
                                    

Flashback 11 years ago

KRISTINE

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?!"

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at nagtalukbong ng kumot para ipagpatuloy ang mauudlot ko pa atang tulog. Sino ba 'yong kanina pa sigaw ng sigaw na 'yon? Naiistorbo na ako e, 'wag lang nyang pangaraping makita ko ang mukha nya, dahil talagang mawawalan sya ng trabaho!

Gumulong ako sa kama at kinapa ang gilid ko para hanapin ang hotdog pillow ko, natagpuan ko naman 'yon kaya niyakap ko 'yon.

Hmm... Ang bango ata ng unan ko ngayon? Tsaka medyo lumapad, gumagalaw din sya. Nagtataas baba ang gitnang bahagi nya na parang taong humihinga. Guni-guni ko lang 'yon, baka nanaginip pa ako. Ngumiti ako't sininghot singhot ang unan, gusto ko ang Amoy nya. Siguro sasabihin ko na ipataas ang sahod ng labandera!

Naramdaman kong yumakap pabalik sa 'kin ang unan kaya naman napakunot na ang noo ko. Hindi na panaginip ito. Nararamdaman ko na, nararamdaman ko ng totoo.

"Aba't talagang nagyakap pa!" Narinig ko ulit ang sigaw na 'yon galing sa iisang tao, hindi ito pamilyar at alam kong hindi 'yon galing sa isa sa mga katulong namin. "Bitawan mo nga ako Lucy! Isa ka pa e!"

"Sinasabi ko naman kasi sayong hindi gaya ng iniisip mo ang nakikita mo e!" Sagot 'yon galing sa isa pang hindi pamilyar na boses.

Doon na ako napamulat at halos sabihin ko ang lahat ng murang pwede kong sabihin ng ang nakapikit na si Dustin ang nabungaran ko! Fuck anong nangyari?

"Anong tingin mo sa 'kin kahapon lang pinanganak?! Walang kamuang muang sa mundo?! Akala mo hindi ko naranasan 'yan?! 'Wag mo akong gawing tanga, Lucile!"

Hindi ako makagalawa. Natatakot na baka magising si Dustin o kaya naman makita ng galit na galit na babae ngayon na nasa likuran ko. Ano bang ginagawa ko dito?! Nasaan ako at bakit katabi ko ang Jerk na 'to?!

"Lury naman! Pakinggan mo naman muna ako." Pinigil ko ang hininga ko lalo na ng marinig kong may kumalabog. Naglalakad na ata 'yong dalawang babae papunta sa lugar ng kama ng kung sinuman.

"Bitawan mo ako! Anong papakinggan ko sayo e halata namang kinukonsinti mo 'yang pamangkin mo! Todo pagtatakip ka pa e kitang-kita ang ebidensya!"

Kinurot ko si Dustin kailangan na nyang magising ngayon. Mukhang ang Mommy at Auntie nya ang dalawang babaeng maingay na 'yon. Natatakot ako sa maaari nilang isipin. Kailangan ko ng makaalis dito.

Bahagyang gumalaw si Dustin, kasabay nun ang pagkunot ng noo nya.

"Shh.. Babaan mo nga 'yang boses mo, Lurice! Baka magising ang mga bata!"

"'Yon nga ang gusto ko e! Dustin! Dustin tumayo ka dyan!''

Kinakabahan na ako kaya napakagat ako sa labi ko, at tinuloy ang pangungurot kay Dustin, habang nakayakap pa rin ako sakanya.

I can't fucking move! Dahil pag ginawa ko 'yon malalaman nilang gising na ako. Ayokong makita nila 'yon habang mahimbing pa ang tulog ng Jerk na 'to. ayokong mag-isa lang akong gisahin ng dalawang babaeng ito habang sya e nasa kasarapan ng tulog at mukhang nanaginip pa nga.

Paano ba kasi ako napunta sa lugar na 'to? Wala akong masyadong maalala. malabo sa isipan ko ang mga nangyari. Ang natatandaan ko lang e pumasok ako ng beer house at uminom ng isang case na beer. Pagkatapos nun malabo na. Hindi ko na maalala, maski kung papaano ako napunta rito. At kung papaanong magkatabi kami ngayon ni Dustin!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon