CHAPTER 29: LIES

17 2 0
                                    

Flashback 11 years ago

KRISTINE


Limang araw na ang nakalipas magmula ng himatayin ako sa tapat ng bahay nila Dustin at ng patuluyin ako ng Mama nya.

Sa totoo lang wala sa plano ko ang magpunta rito ng araw na 'yon pero kusang gumalaw ang mga paa ko at dito ako dinala ng mga 'yon.

Hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil alam na ng sistema ko na mamamatay ako kapag nanatili pa ako sa kalsada at mahahanap naman ako ni Daddy kapag pumunta ako sa isa sa mga kakilala nyang close friend ko?

Alin man don ang dahilan nasisiguro kong malaki ang matutulong ng mga taong kasama ko ngayon sa akin.

Ewan....

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo.

Malamig ang pakikitungo ng lahat sa akin sa bahay na 'to hindi ko naman sila masisisi dahil bigla nalang akong sumulpot sa tapat ng gate nila puno ng galos at hinimatay pa. Ano nalang ang iisipin nila diba? Na tumakas ako sa mga nakabugbugan kong sanggano at maaaring madamay sila kapag nalaman ng mga 'yon na nandito ako.

Magpaganun pa man tiniis ko nalang ang pakikitungo nila sa akin at isa pa, sanay na rin naman ako sa ganun. sa tagal ng panahong kasama ko si Daddy na walang ginawa kundi ang lampasan ako ngayon pa ba ako magdaramdam?

Humarap ako sa salamin at hinawi  ang mga nakaharang na buhok sa aking mukha atsaka ito pinakatitigan. Magaling na ang kalmot sa pisngi ko, pero hindi pa rin nawawala ang marka nito, ganun din ang sugat ko sa labi at ang dati kong nagv-violet na mga pasa'y naging malapit na sa dilaw tanda na malapit na itong mawalawa.

Pero ganun pa rin ang itsura ko! Mukha pa rin akong nakipagsagupaan kay Cardo!! Humanda talaga sa akin ang mga babaeng 'yon!

Huminga ako malalim at pinakalma ang nagagalit ko nanamang sistema! Hindi ko kasi maiwasang hindi magalit kapag nakikita ko kung anong naging itsura ko ng dahil sa kagagawan ng mga babaeng 'yon!

Alam ko namang ako ang dapat sisihin dahil ako ang unang sumugod pero kasalanan pa rin nila 'yon! Ginalit nila ako kaya ko sila sinugod! Magchichismisan nalang kasi sa lugar pa kung nasaan ako!!!

Pumikit ako ng mariin at humingang malalim at ng naramdaman kong ayos na ay saka ko inalis ang mga damit na suot ko at binuksan ang shower.

Nagising ang diwa ko ng sandaling lumandas na sa balat ko ang malamig na tubig galing sa shower. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at dinama ito habang iniisip kung tama ba ang ginawa ko, kung ano ang kalalabasan nito at kung ano ang iniisip ni Dustin at magulang nya sa pagparito ko.

Kung tutuusin nga ang kapal ng mukha ko e! Ang lakas ng loob kong sabihing hindi ako hihingi ng tulong sa pamilya ng Jerk na 'yon pero heto ako ngayon at nakikitulog, nakikiligo at nakikikain sa bahay nila.

Pero kasi wala na akong choice e..... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko at 'yon ang dahilan kung bakit ako nagtatagal rito.

Hindi ako tinatanong ng Mama at Auntie ni Dustin kung anong nangyari sa akin, at malaki ang pasasalamat ko dahil don. Hindi ko na kasi kailangang magsinungaling at humagilap ng ipapalusot kung bakit ganto ang itsura ko.

Pero nakakakonsensyang hindi nila alam ang nangyari sa akin pero patuloy pa rin sila sa pagpapatuloy sa akin.

Arrgghhh! Ng nakaraan pa ako naiinis sa tinatakbo ng utak ko! Masyadong magulo, Fuck!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon