CHAPTER 10: SADDEST PART

8 1 0
                                    


KRISTINE


Hindi ako makahinga ng dahil sa mabigat na nakadantay sa may bandang tiyan ko. Hindi naman ako makamulat para tignan kung ano 'yon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nararamdaman kong wala ako sa sahig. Malambot ang hinihigaan ko at amoy mint ang unang ginagamit ko. Pero kung nasaan man ako, nararamdaman kong Hindi maganda ito!

Kahit masakit ang ulo'y pinilit kong imulat ang mga mata ko. Liwanag na nang gagaling sa bintana ang sumalubong sa 'kin, kaya muli nanaman akong napapikit. Damn lalong sumakit ang ulo ko ng dahil don! Bumilang ako ng ilang segundo bago ko binuksan ulit ang mga mata ko. Para kasing nilalagare ang ulo ko sa sobrang sakit. Nilabanan ko ang liwanag at hinayaan ang mga mata kong makapag-adjust at ng masanay na ako e nilibot ko naman ang mga mata ko sa buong kwarto. Wala nga ako sa sahig. Nasa kama ako katabi ang nakayakap sa 'king si Dustin—

ANO?! NAKAHIGA AKO SA KAMA KATABI SI DUSTIN?! AT HINAYAAN KO SYANG YUMAKAP SA 'KIN?!

Gaya ng iniisip ko Hindi nga maganda ito!

Tumagilid ako para sana itulak sya palayas sa kama kaya lang napatigil ako ng mapatitig ako sa natutulog nyang mukha. Gaya ng dati maamo't makinis pa rin ang mukha nito. Sa sobrang kinis ng mukha nya e mahihiya na ang mga pimple na tumubo sa mukha nya kumbaga kailangan pa nilang maglakas loob para lang masira ang mala-anghel na mukha nito. Tinitigan ko ang mukha nya. Mula sa makakapal nyang kilay, sa mga mata nyang maliit na kasing itim ng uling ang kulay napapalibutan ito ng maninipis ngunit mahahabang pilik mata, ang ilong nya na talagang bumagay sa mukha nya para kompletuhin ang panglalaking katangian ng mukha nya. Nagtagal ang mga mata ko sa mga mata nya bago ako bumaba ng tingin sa mamula-mula nyang labi na parang nang-aakit na mahalikan—

Wake up Kring! Hindi mo dapat ineexplore ang 4 wonders ng mukha nya! Dapat galit ka! Dapat naiinis ka kasi hinawakan ka nya! But.... I can't.

Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng yakap sa 'kin ng taong katabi ko. Hanggang sa gumalaw ito para isubsob ang mukha nito sa leeg ko! Naramdaman ko don ang ilong nya pati na rin ang mainit nyang hininga!

"Staring is rude, wifey."

Kinabahan ako ng dahil sa sinabi nya. Kinabahan ba talaga ako dahil sa sinabi nya o dahil sa ang hot ng boses nya pag bagong gising? Gaga! Syempre dahil sa sinabi nya! Husky voice lang kakabahan na ako! Mabilis ang tibok ng puso ko parang nagkaroon ng karerahan ng mga kabayo sa loob ng dibdib ko dahil marahas na itong nag tataas-baba. Lalo pa akong kinabahan ng maramdaman kong sumisinghot si Dustin sa leeg ko, naramdaman ko rin ang bahagya nyang pagngiti.

Fuck! I can't move!

"Ang bago mo naman." He whispered sexily.

Ako lang ba 'to o talagang inaakit nya ako! Oh boy...

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon