CHAPTER 25: ADJUST

13 1 0
                                    

Flashback 11 years ago

KRISTINE


Maganda ang gising ko ngayong araw. Nagtext kasi si Jefferson na susunduin nya ako, dahil papasok na sya ngayong araw, at gusto nyang magsabay kaming pumasok. Nang mabasa ko ang text na 'yon e nawala ang lahat ng tampo ko sakanya sa hindi nya pagtetext sa 'kin ng ilang linggo. Ganun naman siguro pag mahal mo ang tao, hindi mo magawang magalit sakanya kahit na may mga pagkukulang sya. At siguro kaya marami ang mga taong tanga.

Pagkatapos kong gawin ang mga kailangan kong gawin e lumabas na ako sa kwarto ko, sa ibaba ng hagdan ay inaantay ako ni Manang, sinabi nyang kumain muna ako pero tinanggihan ko, nasa labas na kasi si Jeff at ayokong pinag hihintay sya. Hinarang din ako ng driver ko, pero tumanggi ulit ako, at sinabing mamamasahe ako dahil may kung ano pang dadaanan. Nagpumilit sya, pero nagpumilit rin ako. At sa huli ako ang nanalo.

Lumabas ako sa mansyon ng may malaking ngiti, hinanap ang pamilyar na auto ni Jeff, at natagpuan 'yon sa di kalayuang bakanteng lote. Nakasandal sya rito, habang pinaglalaruan sa kamay ang susi. Nakashades at malaki ang ngiti.

Ngumiti rin ako ng malawak, at nagsimula ng maglakad papunta sa direksyon nya. Hindi kami legal kay Daddy, alam ko naman kasing tututulan nya, at isa pa ayaw rin namang magpakilala ni Jefferson, sa hindi ko malamang dahilan. Nasa dalawa lang 'yan, natatakot sya sa magiging reaksyon ni Dad, o hindi nya ako siniseryoso kaya wala syang balak na magpakilala, para wala na syang maraming problemahin kapag nagsawa na sya, at makaalis ng matiwasay.

At syempre ang unang dahilan ang pinaniniwalaan ko, 'yon din kasi ang nakikita't nararamdaman ko.

Ganun din naman ako sa pamilya nya, kaya nag-iingat din kami dahil baka malaman nila isang araw at paghiwalayin kami.

Nang makalapit ako sa direksyon nya e tumingkayad ako't humalik sa pisngi nya, pagkatapos e yumakap sakanya ng mahigpit.

"I miss you, Babe." Sabi ko sa malambing na tono.

Mahina naman syang tumawa, bago ako ginantihan ng yakap. Mahigpit 'yon gaya ng pagkakayakap ko sakanya, kaya ramdam kong namimiss nya rin ako.

"I miss you, too.." Aniya, saka ako hinalikan sa tuktok.

Napapikit naman ako at dinama ang init ng bisig nya. Hindi ko kasi alam kung kailan sya aalis, at kung mananatili ba sya sa tabi ko ng matagal sa pagkakataong 'to. Mabuti ng lubusin ko ang mga oras , at minutong nasa tabi ko sya kesa magsisi kung huli na...

"Whoa! Masyado atang sweet ang babe ko ngayon," hinaplos nya ang aking maiksing buhok, kinalas na rin nya ang pagkakayakap nya sa 'kin, tapos e iniipit ang mga takas na buhok sa 'king tenga. "Namiss mo nga ako," dagdag pa nya, bago nya ako ninakawan ng mabilis na halik sa labi.

"Jeff!"

"What?!" Natatawang aniya, itinaas pa ang mga kamay habang defensive na umaatras.

"Why did you do that?!" Pinilit kong magtunog naiinis, pero hindi ko kaya, masyadong mahirap mainis sa taong 'to!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon