CHAPTER 8: UNEXPECTED VISITOR

11 1 0
                                    


KRISTINE


Sa pagdaan ng sampung taon masasabi kong marami ng nagbago sa 'kin nag mature ako at masasabi ko na ring hindi ako basta magpapatangay sa malaking alon ng buhay, hindi na rin ako basta papasok sa isang sitwasyon na alam kung walang maidudulot na maganda sa 'kin at hindi ko alam ang daan palabas at ang pinaka mahalaga hindi ko na gustong patayin si Dustin sa madaling paraan gusto ko syang pahirapan hanggang sa ang katawan na nya ang sumuko! Damn that Dude!

Tumayo ako mula sa sahig at tinignan ang kama. Maayos pa rin ito at wala kahit na isang gusot. Palatandaan na walang natulog don kagabi. Tss. Hindi pala sya umuwi. Nag-intay ako hanggang alas onse ng gabi para lamang sa nirequest kong beer. Pero walang dumating na Dustin! dinaya nya ako. sinayang ko ang mga precious kisses ko para lamang sa wala.

Tumayo ako ng tuluyan at niligpit ang pinag higaan ko, hindi na rin masyadong sumasakit ang katawan ko marahil ay nasanay sa kalamigan ng simento. Magaling. dahil mukhang walang balak si Dustin na patulugin ako kahit isang gabi sa kama. Psh walang pinagbago gago pa rin!

Nang matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin sa taas e bumaba na ako para magluto ng almusal. Baka kasi umusok ang ilong ng kamahalan kapag umuwi sya ng walang laman ang mesa!

Pero saan naman nagpunta si Dustin? Wala naman syang kakilala dito kaya san sya nagpalipas ng gabi? Umuwi ba sya ng manila? O baka, Oh My God! Baka may masamang nangyari kay Dustin!. Kinabahan ako sa mga pinag-iisip ko, pero kalma lang hindi naman siguro tanga ang isang 'yon para mapahamak. Baka nagpalipas sa isang hotel dahil ginabi na sa daan.

Pero wala naman akong nakitang kahit na anong hotel kahit sa bayan ng papunta ako dito e! Pero siguro dahil nga 'yon sa dami ng iniisip ko ng araw na pumarito ako. At isa pa bakit ba may pake ako kay Dustin?! Tss edi namatay sya sa daan kung namatay tutal 'yon naman ang gusto ko. Ang mabura sya sa mundo!

Nagpatuloy nalang ako sa pagluluto at ng matapos ako don e kumain na ako, bago umakyat ulit sa taas para maligo.

Isang simpleng black shirt at maong short shorts lang ang sinuot ko dahil karamihan sa mga dala kong damit e ganun lang. Hindi ko dinala ang mga magagarbo kong damit dahil alam ko namang hindi ko kakailanganin 'yon dito. Halos isolated na ang lugar na ito dahil kaunti lang ang tao at wala masyadong mga kabahayan, tahimik at halos lahat ng tao e namumuhay ng simple at halatang walang mga pinoproblema. Pero imposible naman 'yon diba? Lahat ng tao may problema. Magaling lang siguro silang magdala.

Huminga ako ng malalim bago nagpasyang manuod ng TV sa sala. Nilibang ko ang sarili ko dahil wala akong makausap. Buti nalang pala at nandito si Dustin dahil kung nagkataon e mabobored ako.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon