CHAPTER 20: BIRD

15 1 0
                                    

Flashback 11 years ago

KRISTINE


Busy? Natawa nalang ako ng mabasa ko nanaman ang salitang 'yan sa kakarating lang na message ni Jefferson. Ilang araw na ba syang ganyan? Ilang araw na ba syang tipid na magreply? at ilang araw na ba syang hindi napasok ng school? Iniiwasan nya ba ako? Kung ganun bakit? Wala naman akong matandaang nagawa ko sakanya. Ugh! This is killing me!

Isang linggo na ang nakaraan magmula ng mangyari ang kalokohang ghost hunting namin. Magaling na rin naman si Manong at nangako akong, ako ang gagastos sa lahat ng kakailanganin nya. Hindi naman malala ang tama nya kaya matapos nyang magising e pinauwi na sya ng mga doktor.

'Yon na ata ang pinaka hindi ko makakalimutang karanasan ko sa buhay. Lahat ata naramdaman ko ng araw na 'yon. Takot, kaba, pagod, at antok. Nag papanic na nga kami kung anong gagawin namin sa katawan nun ni Manong. Tapos kung anu-ano pang nalabas sa bibig ng mga kasama ko.

Kesyo napatay ko na daw si Manong at iwan na ang katawan don pagkatapos mag-isip na daw ng lugar kung saan magandang magtago. Sinuggest pa nga ni Von ang Mindanao. Magpanggap daw akong kasali sa mga nagrerebelde.

Syempre natakot ako kasi baka nga napatay ko 'yong matandang pinagkamalan kong baliw dahil tawa ng tawa. At kaya pala sya tawa ng tawa e hindi raw 'yon ang unang pagkakataon na napagkamalan syang siraulo ng mga naliligaw sa lugar na 'yon ang sabi nya nga magpapagupit na daw sya dahil kami na daw ang may pinaka malalang nagawa sakanya. Ayon naiiyak na ako ng may tumawag sa pangalan ni Lester. 'Yong kuya nya na tuwang-tuwa pa sa sinapit namin. Nang makita ko nga 'yon mas pagkakamalan ko pang kapatid ni Von dahil pareho silang may saltik.

Fortunately Hindi naman nalaman ng mga magulang namin ang nangyari, at kung nalaman man ni Daddy, wala naman syang pakealam. Maliban nalang kung napatay ko nga talaga si Manong. Masisira ang maganda nyang imahe. Baka ikalugi nya pa 'yon.

Wala na akong problema tungkol don. ang tanging gumugulo nalang sa utak ko ngayon e ang panglalamig ni Jefferson. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako ng dahil don na Ewan. Simula na ba 'to ng pagkasira ng relasyon namin?

Ay loka! Hindi mangyayari 'yang iniisip mo Kristine! Alam mo 'yan! Mahal ka ni Jefferson, nagmamahalan kayo! Baka may problema lang ang pamilya nila kaya nagiging busy sya pansamantala! Sinabi na nya diba? Magtiwala ka na lang!

Hindi ako pwedeng manatili nalang dito sa bahay. Kailangan may gawin ako para hindi ko maisip ang mga iniisip ko ngayon, hindi maganda 'to. Ayain ko na nga lang sila Macy na mamasyal, tutal ang sabi naman nila e wala silang gagawin ngayong araw. Magpapagabi na rin ako ng uwi para wala na akong oras pang mag-isip at makatulog na agad.

Binagsak ko sa coffee table ang librong binabasa ko atsaka tumayo't pumanhik sa kama ko para tawagan si Macy. Nakakadalawang ring palang ng sagutin nya ang tawag ko.

"Hello Kring!" Masiglang bati nya. Palagi naman.

Napansin ko ring maingay ang background nya. Parang may nagkakantahan.

"Nasaan ka?"

Natahimik lang sya ng ilang sandali. Ganun na din ang background nya. Nawala ang nagtatawanan at nagkakantahan.

"A-ako? Sa bahay! Sabado ngayon 'di ba? Sinabi ko naman sayo na wala kaming lakad," aniya. Pero hindi ako naniniwala. Galit sa maingay ang Papa nya. Kahit nga may party e hindi masyadong maingay sa Bahay nila o kahit sa party venue, kaya imposible 'yang sinasabi nya.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon