CHAPTER 31: SICK

20 2 0
                                    

Flashback 11 years ago

KRISTINE


Isang linggo pa ang lumipas. Lalo akong pinapatay ng konsensya't pagsisisi ko. Hindi ko alam kung makakayanan ko ito pero wala akong magagawa kundi ang kayanin.

Hindi lang isang beses ang naging pagkikita namin ni Dustin sa kusina. Halos araw-araw kaming nagpapang-abot don tuwing alas tres ng madaling araw. Minsan kung mararamdaman kong may tao, hindi na ako tumutuloy.

Halos gabi gabi na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Makatulog man ako sandali lang.

Halos gabi gabi ko rin kasing naaalala ang mga sinabi kong kasinungalingan at ang mga sinabi ni Dustin sa akin ng madaling araw na 'yon.

Nanganganib na ang kompanya ni Daddy,” Sinabi ko 'yon ng walang pag-aalinlangan. “G-gusto nyang i-ipakasal a-ako sa isang matandang i-italyanong nagmamay-ari ng malaking publishing house sa Italy...” nanlaki ang mga mata nila, maliban kay Dustin na alam na ang kung anumang naglalaro sa isipan ko. Plinano ko na ang bagay na ito. Plinano ko ng magsinungaling kung sakali ngang dumating ito. At ngayon nga'y sinasabi ko na.

Ipapakasal ako ni Daddy don p-para masalba ang kompanya nya. Ipapakasal nya ako ron para maging iisa a-ang k-kompanya nilang dalawa,”

Malayang umaagos sa aking magkabilang pisngi ang maiinit na luha. Hindi ko alam kung para saan. Para ba sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib dahil sa pangtatraydor sa sarili kong ama o sa katotohanang ginagawa ko ito dahil sa sobrang galit ko sakanya...

Huminga ako ng malalim bago ulit ibinuka ang aking bibig. “I refused. 'Yon ang dahilan ng paglayas ko sa puder nya, pero sinundan ako ng mga tao nya at pilit na ibinalik sa mansyon... Nagpupumiglas ako kaya nagkaganito ang itsura ko, narinig kong sinabi daw ni Dad na kung kinakailangan daw akong saktan para makuha ako'y gawin daw nila,”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon