CHAPTER 17: GROUP CHAT

15 2 0
                                    

Flashback 11 years ago.

KRISTINE


Isang linggo na ang nakalipas simula ng magkasagutan kami ni Dustin sa tapat ng mansyon namin. At hanggang ngayon e hindi nya pa rin ako pinapansin. Kapag nakikita nyang papunta na kami sa mesa kung nasaan sila e agad na syang tumatayo at umaalis. Kapag nililingon ko naman sya kapag nasa classroom kami iirapan nya lang ako tapos titingin sa ibang direksyon. Naging masungit na sya at hindi na masyadong sumasama sa mga barkada nya dahil madalas na rin kaming kasama don. Kaya hanggang ngayon wala pa kaming nasisimulan sa project namin. Isang linggo nalang at kinakabahan na rin ako sa mga pwedeng mangyari. Ayokong kagalitan ako ng teacher. Siguro naman si Dustin din 'di ba?

Bakit ba kasi ayaw nya pang makipag-usap sa 'kin. Kahit kausapin lang, dahil hindi ko na iniintay na mag sorry sya. Magkasing taas ang pride naming dalawa at isa pa ako ang may kasalanan. Oo. Tinatanggap ko namang kasalanan ko. Hindi ko kayang ipaalam sakanya. Ayokong magpakumbaba para lang sakanya.

Tumingin ako sa glasswall ng kwarto ko. Pulang-pula ang langit at walang tigil sa pagbagsak ang Ulan. Kanina pa ako nakauwi pero hanggang ngayon e hindi pa rin ako nakakapagbihis. Hindi nga rin ako nakakatulog ng maayos nitong mga nagdaang gabi ng dahil kay Dustin. Hindi ko alam kung dahil sakanya o talagang nag-aalala lang ako sa grade ko. Alin mandon bahala na. Si God na ang bahala kung anong mangyayari samin.

Mahinang katok ang umagaw sa atensyon ko. Tumingin ako sa baba kung nasaan ang pintuan ng kwarto ko bago ako naupo sa kama ko.

"Yes?" Tanong ko.

"Kristine, Hija. Nandito ang tita Betty mo. Ipinagluto ka nya. Bumaba ka na para kumain." Si manang Lauring.

Isa pa ang babaeng 'yan kung anu-ano ng masakit at masamang salitang sinabi ko sakanya hindi pa rin tumitigil sa pagsuyo sa 'kin. Ano bang hindi nya naintindihan sa 'ayaw kong palitan si Mommy?' At 'ayaw ko sakanya?'. Para syang si Dustin e ang hina ng utak.

"Opo manang," sagot ko. Mukhang wala na rin naman akong magagawa kundi ang pagbigyan sya. Isa pa nagugutom na rin naman ako.

Tumayo na ako ng tuluyan sa kama at bumaba para makaligo na. Pagkatapos kung maligo e nagsuot ako ng kulay puting pares ng pajama at bumaba na para kumain.

Naabutan kong tinitikman ni Manang Lauring ang niluto ni Betty at ng maramdaman nila ang presensya ko e parehas silang napalingon sa 'kin. Parehas ring hindi mawala sa mga labi nila ang matamis na ngiti. Tss. Bakit ba nangingialam ang babaeng 'yan sa kusina? Baka mamaya may gayuma 'yong niluto nya at bigla nalang maging magaan ang loob ko sakanya dahil don!!

Umiling ako dahil nagiging malawak na ang imagination ko. Naisip ko na ngang mag-apply sa kompanya ni Daddy bilang writer ng dahil don e. Naghila ako ng upuan at marahang naupo don. Nilagyan naman ako ng pinggan, baso, kutsara, tinidor at bread knife ni Grasya. Pagkatapos ay nilagyan ako ni Betty ng pagkain sa plato. Mabango at mukhang masarap ang niluto nya. May binanggit si Betty na pangalan ng niluto nya pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko sya pinakinggan. French dish ata ang isang 'to. Ewan wala akong pake. Mas gusto ko pa rin ang Filipino dish na niluluto at tinuro sa 'kin ni Manang Lauring.

Tahimik akong kumain. Nakatitig naman sa 'kin si Betty kaya naiinis ako. Hindi ko ma-enjoy ang pagkain ng dahil sa pagmumukha nya. Inirap irapan ko na hindi pa rin natitinag!

"Kamusta? Masarap ba?"

Tumango nalang ako para manahimik na sya sa banga nya. Medyo nakakainis na kasi sya.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon