2.1K 70 212
                                    

"Jihoonie!" Pagtawag ni Soonyoung sa kasintahan nang makita nya ito sa lobby ng building nila. Agad na tumingin si Jihoon sakanya at ngumiti. "Antagal mo ah" Sabi nito sabay halik kay Soonyoung sa pisngi.

Namula naman si Soonyoung nang dahil sa ginawa ni Jihoon. Maraming nakakita sakanila, for sure.

"Uhm.. kumain ka na ba? Sabay na tayong umuwi, gusto ka ulit makita ni Eomma" Alok ni Soonyoung.

Hindi maipinta ang mukha nya nang dahil sa sobrang lawak ng ngiti nya. Ramdam nya ang bilis ng pagtibok ng puso nya, ang pamamawis ng mga kamay nya nang dahil sa kaba, at sa paningin nya, si Jihoon lang rin ang nakikita nya.

Ganito sya lagi pagkaharap nya si Jihoon. Kulang ang mga salita para ipaliwanag kung bakit nya mahal na mahal ang nakababata, o sadyang hindi nya lang talaga kayang ipaliwanag dahil walang salita ang eksaktong makapagbibigay ng depinisyon sa salitang pag-ibig. Kagaya ni Jihoon, para kay Soonyoung, mahirap ipaliwanag kung ano o sino nga ba talaga si Jihoon. Ang alam nya lang, nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam at kasiyahan sakanya. At handa nyang gawin ang lahat para sa ikasasaya ng isa. Ganon nya kamahal si Jihoon.

"Actually, kanina pa talaga kita hinihintay kasi gusto kong masabi sayo personally na hindi ako makakasabay pauwi. May activity kasi kaming ginagawa sa physics, kila Seungkwan kami gagawa. So.. you know. Hindi ako makakasabay" Sagot ni Jihoon.

Tumingin si Soonyoung sa mga kklase ni Jihoon na sina Seungkwan at Minghao. Ngumiti ito sakanya at nginitian nya rin ito.

"Sila yung kasama mo?"

"Oo"

"Hmm.. what if, ihatid ko kayo sa pupuntahan nyo? Tulungan ko na din kayo sa activity nyo" Masayang sabi nito.

Umiling-iling naman si Jihoon. "Hindi na. Magpahinga ka nalang. Umuwi kana agad. Next time, promise, dadalaw ako sainyo" Nakangiting sabi ni Jihoon.

Ngumuso naman si Soonyoung, "Okay naman ako eh? Hindi pa 'ko ganon ka pagod. Lalo na't nakita na kita. Gusto ko lang na maging safe ka palagi, alam mo naman yun diba? Kahit sana ihatid lang kita-"

"I know Soonyoung. I know. Pero ayokong mapagod ka nang dahil sakin" Pagpuputol ni Jihoon sakanya.

"Pero-"

"Wala nang pero pero, sige na. Umuwi ka na agad okay?"

Malambing na sabi ni Jihoon habang hawak hawak ng mahigpit ang dalawang kamay ni Soonyoung. "Mag-iingat ako. Tsaka hindi naman yon ganon kalayo eh"

Bumuntong hininga naman si Soonyoung bago bahagyang ngumiti. "Okay. Mag-iingat ka ha? Tawagan mo 'ko kapag papunta na kayo, kapag nakarating na kayo.. or if gusto mo, susunduin kita kapag pauwi na"

"Kaya ko na"

"Okay. Sige. Wag kang magpapagutom ha? Mag-iingat ka lagi. Mahal kita Jihoon" Sabi nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Jihoon. "Ako rin" Sagot nito.

Sa simpleng sagot na yon ni Jihoon, muling napangiti ng malaki si Soonyoung. Sapat na yon para mapasaya sya ng bongga.

"Una na 'ko" Sabi nito. Tumango naman si Jihoon. Pero nung paalis ni Soonyoung, humarap muli sya.

"Muntik ko nang makalimutan yung joke na hinanda ko hehe" Sabi nya. Nasanay na kasi sya na naghahanda lagi ng jokes kapag magkikita sila ni Jihoon. Gustong-gusto nya kasing nakikitang masaya o nakangiti si Jihoon nang dahil sakanya. Yung joke nya, minsan nakakatawa, madalas corny.

"Hmm"

"Anong sabi ng french fries habang hinahabol nya ang kaibigan nya?"

"Hmmm.. ano?"

"Wait! I'm trying to ketchup!"

Waley

"Hahahaha! Sige na uwi kana" Sabi ni Jihoon sakanya. "Di pa rin nakakatawa? Hays"

"Hoy kayo" Pagtawag ni Soonyoung ng atensyon sandalawang kasama ni Jihoon.

"Ingatan nyo si Jihoon ah? Mamahalin ko pa yan" Sabi nya. Yumuko sya ng bahagya para halikan ang noo ni Jihoon bago sya tuluyang umalis.

Pinanuod lang nila ang pag-alis ni Soonyoung hanggang sa hindi na nila ito matanaw.

"Anong eksena yun?!"

"Hyung may boyfriend ka?!"

Napairap naman si Jihoon sa dalawa. "Tara na-"

"At anong activity sa physics?! Hyung may activity ba tayo sa-"

"Ang slow mo talaga! Tara na!"

"Pero-"

"Dahilan lang yon ni Jihoon hyung. Okay na?"

Tumango naman si Seungkwan. "So party party na?" Masayang tanong nito.

"Tara na"

"Pero grabe hyung ah. Mahal na mahal ka nung lalaki, nakikita ko sa mga mata nya! Hahahaha!"

"Hayaan mo sya"

"Pero sayang talaga kasi napunta sya sa isang gaya mo" Sabi ni Seungkwan. Napairap naman si Jihoon sa kaibigan nya. "Anong gusto mong palabasin?"

"Ee kasi hyung, alam naman natin na may iba kang gusto diba?"

Tumango-tango naman si Jihoon. Totoo. May iba syang gusto. May iba syang pinapangarap. May iba syang mahal.

"Hindi ka ba natatakot na malaman nya yung tungkol sa mga kalokohan mo hyung?"

"Hindi. Bakit naman? He's not a loss anyway"

"Lakas mo talaga hyung. Haha"

"Pero sayang sya ah? Mahal ka eh. Haha. Samantalang iba yung mahal mo"

"Matagal na ba kayo?"

"Mga isang taon palang"

"Isang taon?!" Sabay nilang sabi. Tumango naman si Jihoon.

"Tagal nyo na ah! Hindi mo parin sya gusto?! Luh?!"

"Ts. Ee ano? You know what? He can love me anytime he wants, but it's not my obligation to feel the same way. You get my point?"

BOOK OF LIES
Kwon Soonyoung
Lee Jihoon
boyxboy

Romance
Narrative

[COMPLETED]

Start: 06/12/17
End: 11/19/17

♔ don't forget to read the story description.

BOOK OF LIES √ soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon