twenty one ; maybe it's time

717 48 87
                                    

"Hyung, hatid na kita"

"Hindi na. Bantayan mo nalang yung dalawa dyan" Cold na sagot ni Jihoon.

"Kaya na nila sarili nila. Dalawa naman sila eh"

"Yun nga eh. Dalawa lang silang nandyan. Walang magbabantay sakanila"

"Hyung wag mo kaming alalahanin! Magpahatid ka na kay Gyu, delikado ka"

"Tara na hyung"

"Hindi, Mingyu. Maiwan ka dito. Baka wala na 'kong maabutang apartment pag-uwi ko"

Hindi naman ito pinansin ni Mingyu at kinuha nya lang ang gamit ni Jihoon. Nauna na rin syang maglakad palabas ng pinto para hindi makita ang reaksyon ni Jihoon sa ginawa nya.

"Hyung wag mo na kaming alalahanin, okay? Kami na bahala sa apartment mo! Magluluto nalang rin kami ng ulam namin" Nakangiting sabi ni Minghao mula sa sala.

Tangina ayun nga yung kinakatakutan ko eh

"Mukha bang kaya kong ipagkatiwala sainyo yung kitchen ko? Mag-take out nalang kayo. Wag na wag nyong susubukang magluto" Nakasimangot na bilin ni Jihoon habang nakatingin ng masama sa dalawa.

"Okay.. uhm.."

"At kung sakaling magluluto parin kayo, wag na wag ko lang talagang maabutang nasusunog 'tong bahay ko. At kung sakaling masunog ang bahay ko, siguraduhin nyong nandito kayo sa loob" Pagbabanta ni Jihoon bago marahas na isara ang pinto. Nagkatinginan naman yung dalawa, Minghao at Seungkwan, at napangisi.

"Mingyu, tutustahin kita kapag may nangyaring hindi maganda pag uwi ko"

"Bakit ako nanaman?"

"Dahil sinabi kong bantayan mo sila. Magiging literal na kulay itim ka, sinasabi ko sayo"

"Hot na 'ko hyung, no need"

Ipinagbukas ni Mingyu si Jihoon ng pinto bago ito umupo sa driver's seat.

"Hot? Oo nga. Sa sobrang hot mo, pati ulo ko napapainit mo"

"Saang ulo?"

"No time for that, Gyu"

Napangisi lang si Mingyu sa hyung nya. Matapos ito, binalot na sila ng katahimikan. Walang nagsalita ni isa sakanila. Well, parehas naman silang ayaw ng masyadong maingay.

Nang makababa si Jihoon sa kotse dala-dala ang mga gamit nya, bumaba rin agad si Mingyu.

"Hatid na kita sa loob"

"Mukha bang papapasukin ka nila?" Napapairap na sabi ni Jihoon.

Nasa labas palang sila ng campus pero pinagtitinginan na sila ng mga dumaraang estudyante, and at the same time, pinagbubulungan. Well, hot topic parin kasi ang tungkol kay Jihoon at Soonyoung, at hindi mawawala don ang pinaniniwalaan nilang third party ni Jihoon na si Mingyu. Of course, marerecognize sila. Lalo na't magkasama pa at obvious naman na hinatid ni Mingyu si Jihoon.

About Mingyu, student rin sya sa campus pero minsan lang sya pumapasok dahil ayaw nya sa school at dahil shitty ang mga tao dito, bukod kay Jihoon. Popular rin sya dahil na rin sa looks nya. Hindi naman maitatanggi yon. At kahit nagkaroon pa ng issue sakanya, nandyan parin yung mga taong humahanga sakanya. And unfortunately, complete opposite ang nangyari kay Jihoon. Parang nainis ang buong campus sakanya dahil sa ginawa nya kay Soonyoung. Si Soonyoung kasi ay kilala rin sa campus nila dahil sa talent nito, isapa cute si Soonyoung, mabait at napaka-friendly sa mga tao so hindi na yon nakapagtataka.

Kaya naman nung kumalat yung issue na break na ang dalawa, at syempre yung dahilan daw ng break up, nadehado agad si Jihoon. Yes nasasaktan sya pero wala naman syang pakealam. Kaya nyang magpanggap at suotin araw araw ang walang emosyong maskara kahit sa loob-loob nya e gusto nyang sabihin ang side nya, gusto nyang pumalag at ipagtanggol ang sarili nya. Kagaya ng media, one-sided lang ang inilabas na kwento pero pinaniwalaan agad ito ng mga tao. No wonder kung bakit inis na inis si Mingyu sa mga student ng campus. Mga walang isip at immature. May marinig lang, maniniwala agad. How pathetic.

"Of course, dala ko ang I.D ko"

Casual na naglakad ang dalawa papasok sa gate ng campus. Matapos tusukin ng guard ng bag nila at mag-tap ng I.D sa entrance, nakapasok sila.

"Sige na. Okay na"

"Nuh uh.. ihahatid kita hanggang sa room nyo"

"Mingyu. Please"

Being a dick head he was, hindi nya pinansin ang hyung nya at nauna na syang maglakad papasok sa building dala-dala ang bag ni Jihoon na kinuha nya kanina matapos tusukin ang bag nila.

"Shit ayan yung ipinalit nya kay Soonyoung?"

"Lakas talaga ng loob nya"

"Ganon talaga bessy kapag makapal ang kalyo sa mukha! Hahaha!"

"Si Mingyu Oppa yan diba? So badboy na pala gusto nya ngayon"

"Hindi naman sila bagay. Ang liit liit nung isa"

"Totoo nga talagang may third party"

Papasok palang sila ng building, ganyan na naririnig nila sa lobby. Of course
emotionless nanaman si Jihoon. And Mingyu? You can tell that he's fuming. Namumula ang tenga nya, hindi lang masyadong halata.

"They're fucking stupid"

"Each single one of them. Pathetic."

At last, nakarating rin sila sa room ni Jihoon.

It's not surprising na tumahimik bigla ang buong hallway sa entrance nung dalawa. Hindi lang naman yun ang dahilan, nandyan rin si Soonyoung na nakatayo sa tapat ng room nila. Not to mention, nakatapat lang ng room nila Jihoon.

Ang mga estudyante ay nakatingin lang sakanilang tatlo na para bang nag-aabang sa susunod na mangyayari.

Damn these people.

"Tawag ka agad sakin kapag may gumalaw sayo dito" Sabi ni Mingyu nang iabot nya ang bag ni Jihoon sakanya.

Hindi naman sumagot si Jihoon at pumasok lang ito sa room nila. As usual, pinagtitinginan sya.

Tahimik syang umupo sa upuan nya at inilabas nalang ang phone nya para hindi ma-awkward sa sitwasyon.

Minghao

8:53 am

Pabalik na si Mingyu.
Siguraduhin nyong nakaayos
lahat ng gamit pagbalik nya.

Minghao?

Anong ginagawa nyo?

Putangina, reply agad.

Kinakabahan ako mga|

"JIHOON!!"

"JIHOON!!"

Hindi na natapos ni Jihoon ang itinatype nya ng may biglang tumawag sakanya. Dahil sa gulat at tono ng classmate nya, kinabahan sya.

"NAGSUSUNTUKAN YUNG MGA BOYS MO SA LABAS!"

BOOK OF LIES √ soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon