six ; cancelled date

683 45 40
                                    

"Baby~ Goodmorning~"

"Gising naaaaaa~"

"Psh.. gising ka na.."

"Jihoon-ah~"

"Mmmm~"

Muling itinalukbong ni Jihoon ang kumot na pilit tinatanggal ni Soonyoung sakanya.

"Jihoon? Tumayo ka na dyan.."

"10 minutes~"

Napangiti naman si Soonyoung nang marinig ang boses ni Jihoon. Ang cute kasi. Napailang sya at muling niyugyog ang nakababata.

"Jihoon-ah ~ Bumangon ka na dyan"

Hindi parin nagreresponse si Jihoon kaya naman nakaisip si Soonyoung ng bright idea.

Pumatong sya sa tyan ng nakahigang pigura ni Jihoon at bahagya itong kiniliti.

"A-Ano ba Soonyoung!" Iritang sabi ni Jihoon sabay tulak kay Soonyoung.

Nahulog naman si Soonyoung sa kama kasabay ng pag-upo ni Jihoon.

"Ulitin mo pa yon." Pagbabanta ni Ji. Nakapanguso naman si Soonyoung, "Ang hirap mo kasing gisingin.. sorry.."

"Tara nga dito.."

Hinalikan ni Jihoon ang ulo ni Soonyoung sabay tayo para pumunta sa banyo. "Hintayin kita sa baba" Masayang sabi ni Soonyoung.

-

"Tadaaaa~!!"

Pagsurpresa ni Soonyoung kay Jihoon. Naghanda sya ng iba't ibang uri ng pagkain na makikita mo sa isang tipikal na party. Cakes, spaghetti, salad.. etc. May balloons rin na nakatali sa mga upuan. Mga regalo na nasa gilid ng lamesa at isang malaking tarpaulin na may picture nilang dalawa.

Happy 14th Month

Napamura naman si Jihoon sa isip nya. Monthsary nga pala nila ngayon, nakalimutan nya.

"Happy 1 year and 2 months Jihoonie. Thankyou for everything you've done.. for staying by my side. You know, i love you so much. And I hope you feel the same way.."

"S-Soonyoung.."

Nang makita ni Soonyoung ang reaksyon ni Jihoon, nag-alala sya.

"B-bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Alalang tanong ni Soonyoung. Umiling naman agad si Jihoon. "Hindi! A-ano lang kasi.. w-wala akong naihandang regalo.. naubos sa mga projects y-yung pera ko.."

Ngumiti naman si Soonyoung sakanya at nilapitan sya. "Hindi naman mahalaga yun e"

"Kain na tayo?"

"Tara.."

Nag-umpisa na silang kumain pero hindi parin mawala ang awkwardness kay Jihoon.

"San nga pala tayo pupunta ngayon?" Nakangiting tanong ni Soonyoung. Nangako kasi si Jihoon sakanya na lalabas sila ngayong araw.

"Sa—"

*ring*
*ring*

"Wait lang ah?" Paalam ni Jihoon nang sagutin nya ang phone nya.

"Kwan?"

"Jihoon hyung!"

"Ano ba yun?! Ang aga aga. Tsk"

"Omg hyung!! May nag-open na club sa likod ng XBU! Try natin mamaya?! Game?!"

"Talaga?"

"Oo hyung! Game rin si Minghao!"

"Okay sige. Mamaya nalang"

Sagot nya ng walang pag-aalinlangan bago baba yung tawag.

"Ah.. Soon.. ano.. pwedeng i-cancel natin yung date? Ano kasi.. may emergency sa ginagawa naming project. Nagfail kasi yung experiment. Kailangan ako dun.." Sabi nya habang nilalaro ang mga daliri nya.

Nawala naman ang mga ngiti sa labi ni Soonyoung. Napalitan ito ng blangkong ekspresyon. Hindi sya mabasa ni Jihoon. Nag-iisip ba sya o ano?

"..okay"

Lihim na napangiti si Jihoon nang dahil sa sagot ni Soonyoung. Buti hindi nagtanong ng nagtanong si Soonyoung tungkol sa excuse nya.

On the other side, talagang nawala ang mga ngiti ni Soonyoung. Hindi na sya masaya. Ang aga aga pa lang, sira na agad ang araw nya. Hindi nya na rin sinubukang kwestunin si Jihoon. Project naman daw yun. Kaya naiintindihan nya. Pero syempre, may tampo syang nararamdaman. Matagal na mula nung huli silang lumabas, ngayon nalang ulit sana, naudlot pa.

Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang almusal nila. "Soonyoung. Mamayang gabi pa naman ako aalis. Don't worry. Makakalabas parin tayo maya-maya" Inis na usal ni Jihoon nang mapansin ang kakaibang mood ni Soonyoung.

Project? Gabi? Talaga ba.

"Ah.."

"Soon naman. Akala ko ba iintindihin mo 'ko?"

"Pumayag naman ako ah?"

"Sabihin mo kasi kung ayaw mo! Hindi yung hindi mo 'ko kakausapin!" Padabog syang tumayo sa mesa at iniwan si Soonyoung na nakatingin sa kinakain nya.

"Aalis na 'ko. Iligpit mo nalang yang mga basurang ikinalat mo. Sira na umaga ko"

Basura ..

Napapahiyang tumango naman si Soonyoung. Hindi nya na alam kung ano ang mararamdaman nya. Naghalo-halo na ang lahat. Kaba, takot, pag-aalala, kalungkutan pagkalito.. ano pa ba?

Nang marinig nya ang malakas na pagsara ng pinto, tumayo na sya upang iligpit yung mga hinanda nya para sa espesyal na araw na 'to para sakanila ni Jihoon.

Okay lang. Atleast nakita nya.

Malungkot syang tumingin sa mga regalong hinanda nya at isa-isa nya itong dinala sa kwarto ni Jihoon. Oo nga pala, maaga syang pumunta sa bahay nila Ji para sa ihahanda nya. May duplicate syang susi sa bahay ni Jihoon kaya nakapasok rin agad sya.

Habang iniiligpit ang mga hinanda nya, nag-iisip sya kung pa'no sya makakabawi kay Jihoon. Nabadtrip kasi si Jihoon, so kasalanan nya. Hindi naman kasi talaga sya kontra na aalis si Jihoon at iccancel yung date nila, medyo okay naman sya dun, sadyang wala lang syang masabi dahil na rin sa kalungkutan nya.

Tanga mo bh3.

"Eh kung.. tawagan ko kaya si Dino at itanong yung tungkol sa chemistry nila? Classmate nya si Jihoonie.. so baka matuwa sakin si Jihoon kung tutulong ako sa experiment nila.. tsk. Galing ko talaga. Haha. So-sorpresahin ko nalang ulit sya mamaya"

BOOK OF LIES √ soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon