"Jihoon hyung? May bisita ka" Sigaw ni Seungkwan mula sa labas ng kwarto ni Jihoon. Kahit pa sobrang close nila ni Jihoon, alam nya parin yung limit nya. At ayaw na ayaw ni Ji na may pumapasok sa kwarto nya.
"Hyung! May bisita ka!"
Napasabunot naman si Jihoon sa buhok nya dahil sa inis. Imbis na bumangon, itinakip nya ang unan nya sa ulo nya. Wala syang gana para kahit na kanino ngayon. Wala syang lakas.
Ilang sandali pa, narinig nya na bumukas ang pinto sa kwarto nya.
"PUTANGINA NAMAN SEUNGKWAN SINABING—"
"Jihoon"
Awtomatikong napabangon si Jihoon nang marinig nya ang boses ni Soonyoung. Napangiti sya ng sobrang laki at agad na niyakap ang nakatatanda.
"I miss you" Sabi nya. Hinalik-halikan nya ang pisngi at labi ni Soonyoung at muling niyakap.
"Soonyoung~ I miss you"
Pinalipas nila ang oras sa ganong posisyon, nakatingkayad si Jihoon habang nakatayo lamang si Soonyoung. Nang mapansin ni Jihoon na hindi umiimik o yumakap manlang pabalik si Soonyoung, humiwalay sya at binitawan ang nakatatanda.
"Galit ka parin ba? I'm sorry. I miss you. I know it's all my fault. Please, forgive me. Bati na tayo.." Hinawakan ni Jihoon ang mga kamay ni Soonyoung. Bakas ang sinseridad sa kanyang mga mata. Ni-hindi na aware si Jihoon sa mga sinasabi nya't hinahayaan nya lang na ang puso nya ang magsalita para sakanya.
"Lets talk" Sabi ni Soonyoung. Malamig ang kanyang boses, maging ang buong presensya nya.
"Anong gusto mong pag-usapan? Teka, kumain ka na ba? Ano gusto mo—"
"Jihoon okay lang ako. Nandito ako dahil may gusto akong sabihin sayo"
"Ano? Sige sabihin mo? Date? Hihingi ka ng tawad? Okay na—"
"I'm breaking up with you"
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanfictionHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...