1K 46 105
                                    

"Excited na excited umuwi ah?"

"Hmm"

"What the heck, Sir Ji. Ano bang meron ngayon?"

"Hmmm~"

"Anla pota baliw na 'to"

"Hmmm.."

"Tindi ng pagtira sayo ni Sir Soonyoung ah. Naalog pati utak-"

"PAKYU"

Napairap nalang si Jihoon sa worker nya. Nagliligpit na kasi sya ng gamit nya, pasadong 7 pm na. Yup, after 2 years manager na si Jihoon. Manager sya ng sarili nilang resto-bar ni Soonyoung. While Soonyoung, choreographer ng sarili nitong dance studio. Nagsusulat rin si Jihoon ng kanta at part-time composer sya, means hindi sya nirurush sa paggawa nya ng mga kanta.

Soon & Hoon Resto-Bar

Kwon-Lee's Dancing

At ngayon, kasama nya ang waiter/kaibigan nyang si Asdfgh sa office nya. Kataka-taka rin ang napakasayang mood ni Jihoon. Madalas kasing beastmode o cold lang ang manager na ito. Pero ngayon? Kakaiba talaga. Kanina pa sya nag-hhum ng kanta at masayang sumasagot sa mga workers nya. Hell, nung nagpaalam pa nga ng 1 hour break ang isa sa mga waiter nya, pinayagan nya ito. 30 minutes lang kasi ang break nila.

"May lakad ka ba?"

"Hmm.."

Napailing nalang si Asdfgh sa manager nya. At nang matapos na si Jihoon sa pagliligpit ng mga gamit nya, humarap sya sa worker nya at ibinigay dito ang susi. Tiwala naman si Jihoon sakanya.

"Ikaw na ang magsara ng shop. May pupuntahan pa kasi ako, hm?"

"Saan nga?"

"Basta. Hihi~"

With that, lumabas na si Jihoon ng pinto at naiwang confused ang kaibigan nya. Nagkibit balikat na lamang ito.

-

"Miss? I am Jihoon Lee, nagpagawa kasi ako ng necklace dito, pwede ko na bang kunin?" Nakangiting tanong ni Jihoon sa babae sa isang sikat na jewelry shop, Xyreals.

"Wait lang Sir, i-ccheck ko lang po"

Tumango na lamang si Jihoon. Nagtingin-tingin pa sya ng ilan pang accessories, inikot nya muna ang shop.

"Isn't it pretty?"

"It is." Nakangiting sagot nya sa babae.

"Pero masyadong girly. Haha"

"Yeah, magugustuhan ng girlfrien-"

"Boyfriend, miss. Boyfriend." Pagpuputol ni Jihoon sa saleslady bago sya umalis.

May kinse minuto na syang naghihintay pero hindi nya 'to iniintindi, hindi nya napapansin ang oras kasi masaya sya. Kung nasa normal self sya, siguro naibalibag nya na ang mga saleslady ng shop dahil sa tagal ng pagkilos nila.

"Mr. Lee?"

"Yes?"

"Here it is"

Lumapit sakanya ang babae at pinakita sakanya ang necklace na pinagawa nya.

Isa itong simpleng silver necklace na may pendant na maliit na star sa gitna ng infinity na pinaka-desenyo nito. Kapag binaliktad rin ang pendant, nakaukit don ang pangalan nila ni Soonyoung.

BOOK OF LIES √ soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon