Ilang buwan rin ang lumipas matapos ang nangyaring pag-uusap nung dalawa. Huli na rin nilang pag-uusap yun. Simula kasi non, hindi na talaga sila nagpansinan. Tuwing nagkakasalubong sila, wala naman ng bitterness o samaan ng tingin pero hindi talaga sila nagpapansinan, okay minsan may bahagyang pag-ngiti pero awkward parin eh. Kapag nagkakatama ang paningin nila kahit nasaan man sila, awkward silang naglilihis ng tingin. Pero deep inside, at may ilang pagkakataon na gusto talaga nilang kausapin ang isa.
"Jihoon"
"Hmm?"
"Kamusta yung project nyo ni Soonyoung?"
Oo nga pala. May project sina Soonyoung at Jihoon kung saan partner silang dalawa. Magkatabi kasi sila sa isang subject na magkasama sila. Magkasunod lang naman sa alphabet ang 'K' at 'L' diba? No wonder.
"Okay naman. Nung nakaraan pa kami nakapagpasa. Thank you ulit"
Pa'no sila nakapag-communicate? Simple lang. Si Seungcheol ang ginawa nilang messenger. Isa na rin yon sa mga dahilan kung bakit nag-uusap na sina Seungcheol at Jihoon. At syempre, humingi na rin si Cheol ng tawad sa nakababata.
"Hmm— oy idol Minghao!"
"Hello!"
"Lodi pa-picture. Haha!"
"Wow may fans na talaga 'ko" Nakangising sabi ni Hao.
Totoong nagpa-picture si Seungcheol sakanya. Matapos kasing lumabas ang mga pictures ni Hao sa ginawang photoshoot nila sa campus, marami na ang pumapansin sakanya. Naging famous na rin sya sa social media at dumami ang followers.
"Salamat hyung. Ahehehe. Petmalu ka talaga"
"Sige, lodi ko. Werpaa!!"
"Lodi. Petmalu. Werpa. Tangina, bumaliktad na lahat. Tulad ng boyfriend ko, dati mahal na mahal nya 'ko. Ngayon si bes na ang gusto nya. Huhuhu.. wala pala 'kong boyfriend. Mga jejemon huhu"
Awkward na nagtinginan ang tatlong itlog, na nagkkwentuhan sa hallway, sa napadaang babae sa harap nila. Epal daw kasi mga beh. Pero dahil hindi naman nila kilala si Xyrelle Mapangahas Bente Singko, nagkibit balikat nalang sila.
"Tsk"
If you are wondering kung paanong naging close si Jihoon at Seungcheol, wag nyo ng itanong. Di sila close. Sadyang nag-uusap lang minsan. Nag-died down na rin ang issue ng break up dahil sa ginawang 'eksena' ni Mingyu nung araw na sinapak nya si Soonyoung. Kahit hindi narinig ng mga students ang dahilan, kahit papaano ay may epekto sakanila ang sinabi ni Mingyu about sa pagcheat ni Soonyoung. Naguluhan sila, kaya ayan, pinabayaan nalang ang dalawa at hindi na pinilit na i-stress ang sarili kakaisip sa totoong nangyari sa dalawa.
"Umalis ka nga dito" Cold na sabi ni Jihoon sa kaibigan nya.
"Luh?? Ayaw mo bang makasama ang cute mong kaibigan na maraming taga-hanga?" Sabi ni Hao sabay akbay kay Jihoon. Hinampas naman ni Jihoon ang kamay nya dahilan para alisin nya.
"Sinong hindi hahanga sayo, e pati drug test ipinasa mo?"
"Bitter weeehh"
"Masyadong matibay ang mga throwback pictures mo bilang ebidensya. Wag ka nang sumagot"
"Lodi patingin naman ng throwback pictures mo"
"Seungcheol hyung, ang mahalaga ay idol mo 'ko"
"Haha. Sige na. Iwan ko na kayo. Marami pa 'kong aasikasuhin. Ingat nga pala mamaya Jihoon. Goodluck" Paalam ni Seungcheol. Tinanguan lang sya nung dalawa. Hindi lingid sa kaalaman nila na nakangisi itong umalis. Hmm..
"Minghao. May plano ka ba kapag naka-graduate na tayo?"
"Oo naman hyung"
"Ah. Akala ko puro ka lang walwal eh. Mind telling me?"
Inirapan naman sya ni Hao. "Hindi naman ako puro walwal hyung. Uhm.. plano kong magtayo ng sarili kong dance studio tapos ako rin yung choreographer dun" Nakangiting sabi ni Minghao.
Parehas kayo ng plano ni Soonyoung.. tsk.
"Magtatayo ka ng sarili mong dance studio? Sana hindi ka pumasok sa Acads, dapat nag-construction ka nalang"
"HYUNG WALA NAMANG BASAGAN NG PANGARAP OH"
"Tsk."
"Eh ikaw hyung? Anong plano mo?"
"Plano kong bombahin yung ipapatayo mong dance studio. Haha"
"Haha. Ang funny mo talaga hyung" Sarkastikong sabi ni Minghao.
"Hmm.. di pa 'ko sigurado eh. Pero baka mangibang-bansa ako"
"Luh? Akala ko ba magiging composer ka dito?"
Nagkibit balikat naman si Jihoon sa tanong nya. Ayun yung plano nya. Ang magcompose ng mga kanta. Pero nawalan na sya ng gana dahil wala na syang mahanap na dahilan para magsulat pa. Hindi dahil napapangitan sya sa mga gawa nya, kundi dahil tinatamad na sya. Para kanino pa ba ang mga isusulat nya? Hindi nya alam.
"Nasan nga pala si Kwan?"
"Hindi pumasok kasi diba, may pinapagawa ka"
"Talaga? Good. Teka, break nyo palang?"
"Oo hyung. Kayo?"
"Matagal na. Dejoke. Haha. Kanina pa. Sige na babalik na 'ko sa room. Wag nyo na nga pala 'kong hintayin mamaya! Gagabihin ako ng uwi kasi alam nyo na!" Paalam nito kay Minghao sabay takbo sa hallway. Naiwan namang confused ang thug8 natin. Hindi parin nagpprocess sa utak nya ang joke ni Jihoon.
Kahit kelan, korni talaga.
-
"Soonyoung hyung!"
"Soonyoung hyung!"
Napalingon si Soonyoung ng marinig nya ang pangalan niya na nag-eecho sa hallway. Kanina pa nag-uwian kaya konti nalang ang tao at iilang room nalang rin ang bukas kaya kahit na nasa malayo pa ang nagtatawag sakanya, rinig na rinig ito at napakalakas.
Nang makalapit si Chan sakanya, atsaka nya lang napansin na medyo punit-punit at lukot na lukot ang uniform nito. Maging ang buhok nya rin ay napaka-gulo at parang naliligo na sa pawis.
"Chan, nakipag-jugjugan ka ba?"
"Hyung! No time for jokes!"
Nang ma-sense ni Soonyoung ang seryosong aura ni Chan, nagseryoso na rin sya. Mukhang natatakot at kinakabahan ang nakababata.
"Hyung tulungan mo si Jihoon hyung! May bumubugbog sakanya sa likod ng building! Tinulungan ko sya per—"
Hindi na natapos ni Chan ang sasabihin nya ng biglang tumakbo si Soonyoung paalis sa harap nya.
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanficHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...