Suntok
Sipa
Tadyak
Agad na nakarating si Soonyoung sa likod ng campus para tulungan si Jihoon. Nakasunod naman si Chan sa likod nya. Nasa malayo palang sya, nakikita nya na ang ginagawa ng tatlong malalaking lalaki kay Jihoon.
Jihoon, on the other hand, hinang-hina. Pilit syang lumalaban ngunit ang bumibigay ay ang katawan nya na mismo.
Naglalakad lang naman sya sa hallway ng biglang may humatak sakanya at kinaladkad sya papunta sa likod ng campus. Sa hagdan palang, piniringan at itinali na agad ang kamay nya, pumapalag sya pero masyadong malakas ang tatlong lalaking nakahawak sakanya. Ano bang laban ng maliit nyang pigura? Isapa wala ang gitara nya para may panlaban sya.
Agad syang sinikmuraan ng isa sa mga lalaki dahilan para mapahiga sya at mamilipit sa sakit. Hindi pa dito natapos ang lahat dahil sumunod agad ang pagtadyak ng isa pang lalaki, sunod-sunod na pagsipa at pagtadyak ang ginawa nito sakanya.
Wala syang ibang magawa kundi ang mamilipit sa sakit na natatanggap nya. Sa pag-ubo nya, alam nyang dugo ang kasama nito dahil sa metal na lasa nito sa dila nya.
Nang naipon na ni Lee Chan ang lakas ng loob nya, sumugod sya upang tulungan si Jihoon. Simula nung nasa hallway, nakita na ni Chan ang lahat. Sinundan nya lang ito at nanatiling tahimik dahil na rin ay natatakot sya. Ang humingi ng tulong ay ang huling paraan na naisip nya.
"TUMIGIL NGA KAYO!" Sigaw nya sabay takbo at sugod sa isang lalaking kasalukuyang naka-upo sa tyan ni Jihoon habang mahigpit na hawak ang mukha nito. Para bang may sinasabi?
Bakas ang kaba at takot sa mukha ni Chan ngunit itinuloy nya parin ang ginagawa nya. Nang makuha nya ang atensyon ng mga lalaki sa pamamagitan ng pagsuntok sa isa sakanila, agad na naalarma ang dalawa at binanatan sya.
"Masyado kang pakealmero bata"
"Sana nagtago ka nalang"
Panandaliang pinabayaan si Jihoon ng mga lalaking bumubugbog sakanya, knowing na hindi sya makakatakbo o makakatakas, para bugbugin si Chan na nag-ala super hero nya.
Hindi lingid sa kaalaman ng tatlo ang baseball bat na dala nila kanina ay nakuha na ni Chan. Nang madampot ito ng nakababata, agad nyang hinampas sa likod ang isa sakanila dahilan para mapabitaw ito sakanya at mamilipit sa sakit. Hindi nya na ito pinanood pa at tuluyan nya na ring hinampas ang dalawa. Hawak nya parin ang bat nang lapitan nya si Jihoon. Hinang-hina na ang katawan nya dahil sa mga suntok na natanggap nya.
"H-hyung.."
"Jihoon hyung.."
Hinihintay lang ni Chan na magsalita ang hyung nya pero ngumiwi lang ito. Isa na rin sa mga sign na gising pa sya. Agad nyang tinanggal ang pagkapiring kay Jihoon maging ang tali nito sa kamay ngunit sa kalagitnaan ng ginagawa nya, may humatak sakanya.
Inagaw ang baseball bat na hawak nya at inihampas sakanya. Animo'y bulateng inasinan ang nakababata ng hampasin sya sa likod dahil sa pamimilipit nya sa sakit.
"Iwan nyo na yan"
Akma pa sanang hahampas ang isa sa mga lalaki sakanya ng pigilan ito ng isa pa. Muling napunta kay Jihoon ang atensyon ng tatlo, at tinake advantage naman ito ni Chan para tumakbo papalayo.
Kung tutuusin ay wala namang kaugnayan si Chan kay Jihoon. Ni-hindi sila magkaibigan, plain na magkklase lang. Pero anong ginagawa ni Chan? Pwede namang umuwi nalang sya at pabayaan si Jihoon sa kung ano mang sasapitin nya, pero bakit maging sya ay nakisali pa para iligtas ang nakatatanda? Wala naman syang utang na loob na kay Jihoon pero bakit mas ginusto nyang mapahamak para kklase nya? Hindi nya rin alam. Ang importante lang, makahingi sya agad ng tulong. May iilan pang estudyante sa campus nila, alam nya ring naroon pa si Soonyoung kaya naman agad nya itong hinanap sa bawat hallway na madaanan nya.
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanficHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...