"Hala hyung.. ayon yung ipinalit sayo no—" Naputol ang sasabihin ni Seungkwan nang kurutin sya ni Hao. Nasense kasi ni Hao na alam at nakikita ni Jihoon ang tungkol sa sinasabi ni Kwan.
Nanatili namang tahimik si Jihoon habang titig na titig sa dalawa. Kanino? Kay Soonyoung at Chan.
Kanina pa sila nag-uwian, at hindi man maamin ni Jihoon sa sarili nya, akala talaga niya na susunduin sya ni Soonyoung dahil nakita nya itong naghihintay sa tapat ng room nila. Akala nya kakausapin sya ni Soonyoung. Akala nya makikipagbalikan 'to. Akala nya makikipag-ayos sya. Akala nya magiging okay na ulit sila. Yup. Umasa sya. At wala namang masama sa ginawa nya.
Nang tumunog ang bell, sign na uwian na, nag-ayos pa sya ng sarili nya para magmukha naman syang presentableng tignan. Ngunit nang makalabas na sya, eto ang madadatnan nya.
Lee fucking Chan and Kwon fucking Soonyoung chatters happily on the hallway.
"Di naman bagay. Ts"
"May sinasabi ka hyung?" Kunot noong tanong ni Seungkwan. Baka kasi may inuutos nanaman si Jihoon tapos di nila narinig, nako yari.
"Uwi na tayo" Sabi ni Jihoon.
"Ah wait lang hyung ah? May pupuntahan lang ako"
"Samahan na kita"
"Wag na. Wait mo nalang ako"
"Hindi na. Sama na 'ko. Baka mapano ka pa Haha"
Flirt. Tsk.
Kahit na awkward, tumuloy parin sila. Diretso lang ang tingin ni Jihoon at ganon lang rin si Soonyoung. Para bang hindi nila nakita ang isa't isa? Dumaan si Soonyoung at nilampasan sya nito habang katabi si Chan. Saquette no? Haha.
↓↓ ↑
Nagkasalubong sila ngunit hindi manlang nagbigay ng isang sulyap ang sino man sakanila. Wala man lang lumingon sa kaliwa, o sa kanan nya. Wala man lang nagsalita para tawagin ang isa. At wala sakanila ang nais na gawin ang sinasabi ng puso nila.
Ramdam ni Jihoon ang sakit. Para bang dinurog ang puso nya sa loob ng ilang minutong nakita niya ang dating kasintahan nya? Sakit dahil hindi manlang sya nito nilingon at binigyan ng kahit isang segundong atensyon. Sakit na alam nya dahil nangyari nanaman ang isa sa mga bagay na kinalimutan nya na.
"Hyung.."
"Hmm?"
"Labas tayo"
"Wala 'kong gana"
"Kain lang tayo.."
"Oo hyung. Kakain lang. Libre ni Kwan"
"Tangina ba't ako?"
"Ikaw mapera satin gago"
"Wala akong pera!"
"Pakyu! Hindi halata sa katawan mo!"
Wala nang nagsalita ni isa kanilang tatlo. Nasa likod lang si Kwan at Hao. Kahit naman kasi madaldal at mapang-asar yung dalawa, alam nila kung saan at kelan sila dapat na manahimik.
Sa totoo lang, nag-aalala narin sila para kay Jihoon. Nung una naman okay pa yung isa eh. Pero naramdaman na rin nila yung unti-unti nitong pagbabago sa sarili nya. Mas naging mainitin ang ulo at mas naging tahimik. Minsan parang lutang rin at may mga oras na parang iiyak na.
Kahit puro sila kagaguhan, tunay na kaibigan ang tingin nila sa isa't isa. Hindi man nila sabihin pero nasasaktan rin sila para sa kaibigan nila. Ayaw nilang nakikitang malungkot si Jihoon. Ayaw nilang nasasaktan si Jihoon. Ayaw nilang maulit ang mga nangyari kay Jihoon. Nangyari noong mga panahong tapat syang nagmamahal at ginago lang.
His only mistake is that, he had fallen inlove with a cheater. He was flexible until love thought him to be cruel. How nice. Pero siguro ganon talaga. The pain of love is what truly change us. Am I right?
"Wag ka mag-alala hyung. Nandito lang kami lagi para sayo"
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanficHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...