"Chan? Saan mo 'ko dinala? Sabi ko puntahan natin si Jihoon!" Reklamo ni Soonyoung nang makapasok sila sa isang club.
Masyadong maraming tao ang nasa loob at medyo madilim, ang mga ilaw na nagmumula lang sa dance floor ang nagbibigay liwanag sa lugar. Sobrang ingay rin dahil sa lakas ng musika. Nasa pinto palang sila pero napaka-usok na dahil sa mga sigarilyo at vape na nakasindi.
"Chan? Labas na tayo!" Muling sabi ni Soonyoung. Wala namang naririnig si Chan dahil natatabunan ito ng musika. Abala parin ang nakababata sa paghahanap sa hinahanap nila. Hawak hawak nya ang kamay ni Soonyoung habang naglalakad paikot sa dance floor.
Ilang beses silang napahinto dahil na rin sa mga babaeng humaharang sa dinaraanan nila. Niyayaya silang uminom o sumayaw. Lahat ito ay hindi nila pinansin at nagpatuloy lang.
"Chan!!"
"Labas na tayo!!"
"Oy! Hahanapin ko pa si Jihoon! Gabi na oh?"
"Hyung.. wait ka lang dyan" Sabi ni Chan. Lumapit sya sa isang waiter para magtanong.
"Excuse me, uhm.. nandito na ba si Woozi hyung?" Tanong nya.
"Uhm.. sino sila?"
"Kaibigan.."
"Yup. Kanina pa sya nandito. As usual. Haha. Kaso hindi ko alam kung nasaan sya. Sige mauuna na 'ko" Sabi nito sabay alis.
"Sino bang hinahanap mo?" Tanong ni Soonyoung. "Si Woozi.."
Woozi ..
"Woozi! Tagal na kitang hindi nakikita sa club ah?" Sabi ng isang hindi kilalang lalaki nang nakalapit sya samin ni Jihoon.
"Wow! Ang hot mo parin as usual. Haha! Lumipat ka na ba—"
"Sorry pero hindi sya si Woozi" Pagpuputol ko lalaking iyon. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Jihoon sa kamay ko, ibig sabihin, natatakot sya o ano.
Agad ko syang hinila papalayo, papalayo sa lalaking iyon. "Sino sya? Kilala mo ba?" Tanong ko kay Jihoon.
"H-hindi.. b-baka napagkamalan lang ako"
Tumango ako sakanya at ngumiti. "Siguro nga. Kasi hindi ka naman pumupunta sa mga club. Diba sabi mo ayaw mo sa mga ganong lugar?"
"Oo.. ayoko talaga"
"Teka Chan, sino ba si Woozi?" Tanong ko nang mabanggit nya ang isang pamilyar na pangalan.
"Hindi mo kilala?"
"Magtatanong ba 'ko kung kilala ko?"
"Tsk. Basta. Sumunod ka nalang."
Muli silang nag-ikot sa lugar para hanapin ang hinahanap ni Chan na si Woozi.
"Ano nga pala yang dala mo hyung?"
Patungkol nya sa box na kanina pa hawak ni Soonyoung. "Cake. Hehe. Ipinagbake ko si Jihoon.. 14th month kasi namin ngayon" Nakangiting sagot ni Soonyoung.
"Nasugat-sugatan nga ako eh. Napaso rin. Pero worth it naman dahil para kay Jihoon 'to. I'm sure magugustuhan nya 'to"
Hindi naman kumibo si Chan at nagpatuloy lang sa paglalakad nya.
"Bingo" Bulong ni Chan nang makita si Jihoon.
Hindi naman sa may galit sya kay Jihoon pero gusto nyang matapos na ang panggagago nito sa kaibigan nya. Wala syang lakas ng loob para magsalita dahil alam nyang hindi maniniwala si Soonyoung sakanya, kaya eto, tinake nya na 'tong opportunity para malaman ng kaibigan nya.
Naestatwa naman si Soonyoung sa kinatatayuan nya nang makita si Jihoon sa harap nya. Halatang lasing na ang nakababata habang hawak hawak ang isang sigarilyo na hinihithit nya.
Lumapit sya at marahas na hinila ang kasintahan mula sa pagkakaupo nito sa lap ng isang lalaking hindi nya kilala.
Nagulat ang mga tao sa paligid nila nang dahil sa ginawa nya. Agad nyang sinuntok ng magkakasunod ang lalaki dahil wala syang ibang maramdamang emosyon kundi ang sakit.
"SOONYOUNG!" Pag-awat ni Jihoon sakanya. Tumulong na rin ang iba pang tao sa lugar para tumigil sila.
"SINO YANG GAGONG YAN?!"
"Mingyu.. wag mo 'kong sinisigawan!" Sagot nya.
"SINO NGA YAN?!"
"AKO?! AKO ANG BOYFRIEND NYA!!" Sabi ni Soonyoung.
"BOYFRIEND? HAH! IN YOUR DREAMS!"
"ANO BA MINGYU?! SEUNGKWAN ILAYO NYO NA MUNA YAN" Utos nito sa mga kaibigan.
Hindi naman nagpapigil si Mingyu at agad na sumugod nang makahanap sya ng tsempo para sapakin si Soonyoung. "BOYFRIEND HUH?" Sabi nito.
Dumating ang mga bouncer sa lugar para awatin sila.
"JIHOON TARA NA" Galit na sabi ni Soonyoung. Namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa sobrang inis na nararamdaman nya. Hindi naman gumagalaw si Jihoon mula sa kinatatayuan nya at nanatiling tahimik.
"Sumama ka sakin Woozi" Sabi ni Mingyu sa kabilang banda.
"O kung boyfriend mo talaga, sige! Umalis ka" Dagdag nito.
Nang hindi sumagot si Jihoon, muling sumigaw si Mingyu.
"SINO BA TALAGA YAN WOOZI?!"
"Sige Jihoon. Sabihin mo sakanya kung ano mo 'ko" Kampanteng sabi ni Soonyoung. Umaasa sya na mapapahiya si Mingyu pag nagkataon.
Nag-angat naman ng tingin si Jihoon sakanya. "H-hindi ko sya kilala" Sagot nito sabay tinalikuran sya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Soonyoung dahil sa gulat. Agad na tumulo ng sunod-sunod ang mga luha nya. Nakayanan nya ba talagang sabihin yon, nang nakatingin sa'king mga mata? Napailing sya sa sarili nya.
"Jihoon.."
"Ilabas nyo na sya. Masyadong maraming tao na ang naabala" Utos ni Jihoon sa mga bouncer na nasa lugar.
Kumawala naman si Soonyoung mula sa pagkakahawak nila at nagkusang lumabas ng club. Pinagtitinginan man sya ng mga tao, wala syang pake sakanila. Mula sa likod, nakasunod si Chan sakanya habang bitbit-bitbit ang cake na kaninang dala ni Soonyoung.
Sa kabilang banda, hindi na malaman ni Jihoon ang gagawin nya. Sobrang gulo na ng lahat. Alam na ni Soonyoung, nakita sya ni Soonyoung. The heck, pinahiya nya pa si Soonyoung sa harap ng maraming tao.
"Bullshit naman kasi! Pa'no nya nalaman na nandito ako?!" Inis nyang tanong sa sarili.
"Sinabi nyo ba?!" Tanong nya naman kila Seungkwan at Hao. Umiling naman agad yung dalawa.
"Baka makipaghiwalay na yun sayo hyung" Sabi ni Hao.
Inirapan naman sya ni Jihoon.
"No fucking way. Hindi pa 'ko tapos sakanya"
"Oh? Ee anong plano mo?"
"Ako na bahala. Hindi naman ako matitiis nun. Tara, bumalik na tayo dun"
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanfictionHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...