"S-seokmin.. pakitawagan mo na s-si Jihoon.. b-baka nag-aalala na sakin yun.." Nanghihinang pakiusap ni Soonyoung kay Seokmin. Wala syang lakas para tumayo o magsalita manlang dahil sa sama ng pakiramdam nya.
Tatlong araw na rin syang nasa bahay lang nila dahil sa sama ng pakiramdam nya. Si Jisoo ay magaling na, pero sya naman yung pumalit.
"Nag-aalala?! Ni-hindi ka nga tinetext o tinatawagan manlang!"
"T-tumawag sya n-nung birthday ko.. k-kaso hindi ko nasagot.. n-nagtext rin sya.. diba?"
"Tsk. Wala namang pakealam yun sayo Soonyoung eh. Ni-hindi nga ata alam na birthday mo nung nakaraan. Hindi ka manlang binati o pinuntahan!" Iritang sagot ni Seokmin.
"B-busy kasi s-sya.."
Oo tama. Busy lang si Jihoon. At kung nakalimutan nya man ang birthday ko, dahil yun sa stress. Sabi nya sa isip nya.
Tanga ba? Pero siguro nga ganon yun kapag nagmamahal ka. Ikaw nalang rin ang gumagawa ng mga excuse kung bakit nya yun nagawa sayo. You get my point? Kukumbinsihin mo ang sarili mo sa dahilan na ginawa mo lang naman sa isip mo para hindi ka masyadong masaktan.
"Busy?! Busy saan?! Kahit isang minuto nga hindi ko nakita ang anino nun dito! Ni-text ng hbd wala! Wala lang talagang pake sayo yang Jihoon na yan eh!"
Imbis na sumagot, mas pinili nalang ni Soonyoung na manahimik. Ayaw nyang naiinsulto ng ganon si Jihoon lalo na't sa harap nya pa. Ngunit, wala syang lakas para makipagsigawan kay Seokmin upang maipagtanggol si Jihoon. Kung nasa maayos na kondisyon lang sya ngayon, baka kanina nya pa nasapak si Seokmin dahil sa mga sinasabi nito.
Mahal ako ni Jihoon. Sadyang marami lang syang ginagawa kaya hindi nya 'ko pinupuntahan.
"Matagal na kitang sinasabihan na iwan mo na si Jihoon pero hindi ka nakikinig. Sige nga. Ipakita mo sakin ngayon yang pinagmamalaki mong boyfriend?" Hamon nya.
"S-Seok.. manahimik ka na.." Nakakunot ang mga noo ni Soonyoung habang sinasabi ito.
"Kasi naman Soon. Napupuno na 'ko sa Jihoon na yan eh! Siya dapat yung kasama mo ngayon, hindi ako—"
"Edi umalis ka kung napipilitan ka lang"
"Hindi sa ganon Soonyoung. Ang sakin lang, walang kwenta yang boyfriend mo. Sobrang sweet nyan noon, ang clingy, caring, maeffort— ano na ngayon? Ni-walang gabi ang lumipas na hindi mo 'ko tinawagan dahil nagtatampo ka sakanya. Wala na syang naidudulot na maganda sayo eh. Kaya nga dapat, hiwalayan mo na dahil—"
"Dahil ano?"
Napatingin sila sa pintuan ng kwarto ni Soonyoung nang biglang may nakisali sa usapan nila.
Bigla namang nabuhayan si Soonyoung dahil nakita nya si Jihoon na nakatayo di kalayuan sakanya. Biglang nawala ang galit nya at napalitan ng matinding tuwa. Agad na nawala sa isip nya ang lahat ng sinabi ni Seokmin, which is katotohanan.
"H-hoonie.."
Agad syang nilapitan ni Jihoon at niyakap ng mahigpit kahit pa nakahiga sya. Ipinulupot nya rin ang kanyang mga braso sa katawan ng nakababata. Namiss nya si Jihoon. Namiss nyang gawin 'to.
Nang kumalas si Jihoon sa yakap, agad nyang inilapit ang mukha nya kay Soonyoung para halikan ang mga labi nito. Ngunit, umiling-iling si Soonyoung na ipinagtaka naman ni Jihoon.
Sumimangot si Jihoon dahil ito ang unang beses na tanggihan sya ni Soonyoung. "A-ayokong magkasakit ka.." Nakangiting sabi ni Soonyoung sakanya.
Napangiti naman sya ng bahagya sabay napairap. "Eh ano? Namiss kita. Sobra" Sabi nya bago angkinin ang mga labi ni Soonyoung. Sa kabila ng hindi pagsang-ayon, humalik parin si Soonyoung pabalik.
Sino ba sya para tumanggi? Hindi nya kayang tiisin si Jihoon.
Sa kalagitnaan ng halik, biglang napadilat si Soonyoung nang may tumulong luha sa pisngi nya. Humiwalay si Jihoon sa halik at muli nyang niyakap si Soonyoung.
"A-ano bang p-pinaggagagawa mo? N-nag-alala ako sayo.. h-hindi ka n-nagttext o n-nagpaparamdam manlang.. a-akala ko.. h-hindi mo na 'ko m-mahal eh" Sabi nito habang umiiyak. Nakabaon ang kanyang mukha sa balikat ni Soonyoung.
Gusto na sanang pumalakpak ni Seokmin dahil sa galing ng pag-arte ni Jihoon pero wala syang ibang ginawa kundi ang manahimik.
"Shshshh.. mahal kita Jihoon. Okay? Mahal kita simula pa noon, mas minahal pa kita ngayon at mas mamahalin pa kita bukas at sa susunod pa. So no need to worry" Nakangiting sabi nya at bahagyang hinalikan ang ulo ni Jihoon.
Nang mahagip nya sa paningin nya si Seokmin, bahagya syang ngumiti dito at sinenyasan na lumabas na muna ng kwarto.
"Tama na Ji.."
Muling tumayo si Jihoon at pinunasan nya ang mga luha na nanggaling sa mga mata nya.
"Wag ka nang umiyak. Okay na 'ko. Lalo na't nakita na kita"
Tumango naman si Jihoon sakanya.
"Bakit naman nagkasakit ka?"
Nagkibit balikat lang si Soonyoung, hindi na mawala ang ngiting nakapinta sa kanyang mukha.
--
"Ano nga palang pinag-uusapan nyo ni Seokmin?" Tanong ni Jihoon habang sinusubuan nya ng lugaw si Soonyoung.
"Ah.. wala yun"
"Bakit gusto nyang hiwalayan mo 'ko?"
"Wala yun Ji. Don't worry, hinding-hindi kita hihiwalayan kahit ano pang sabihin nya. Okay?"
"Promise?"
"Yeah.."
"Good. So ano ngang sabi nya?" Tanong muli ni Jihoon.
Alam ni Soonyoung na hindi sya titigil kakatanong hangga't hindi nya nalalaman ang gusto nyang malaman.
Bumuntong hininga sya bago magsalita. "Sabi nya na wala ka naman daw pakealam sakin.. ni hindi mo daw naalala yung birthday ko.. at hindi mo raw ako mahal" Malungkot na sabi nya.
Napairap naman si Jihoon.
Kahit kelan talaga panira.
"Soonyoung. Nag-alala ako sayo. May hinanda nga akong surpresa nung birthday mo eh. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung bakit hindi ka pumupunta sa bahay. Natakot ako na baka hindi mo na rin ako mahal at baka napagod ka na sakin kaya naman nagpasya akong pumunta dito. Marami kasing ginagawa sa acads kaya hindi kita nabisita. Isapa, nawala yung phone ko kaya hindi kita nattext. Yun lang yun. Kaya wag kang makikinig sa sinasabi ng iba. Magtiwala ka sakin"
Ngumiti si Soonyoung sakanya. "Halata ngang napuyat ka. May eye bags ka pa oh?"
"Soon.."
"Haha. Oo naman Jihoonie. Sayo lang ako makikinig"
Mahal kita eh. At may tiwala ako sayo. Malaki ang tiwala ko sayo, Jihoon.
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanficHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...