"Jihoonie!! Ano ba yan?" Malambing na tanong ni Soonyoung habang yakap yakap ang maliit na pigura ni Jihoon. "Tsk. Wag ka ngang magulo" Iritang sabi ni Jihoon.
Salukuyan kasi syang gumagawa ng assignment nya sa sala nila at si Soonyoung, being annoying-soonyoung, ginugulo sya.
Maagang pumunta sakanila si Soonyoung dahil na rin sa pag-aalala. Hindi manlang kasi nagparamdam si Jihoon nung umuwi sya kagabi. Sanay na kasi si Soonyoung na hinahatid nya si Jihoon pauwi para masiguradong safe ito, pero iba yung nangyari kahapon. Hindi sila magkasama pauwi dahil na rin sa may assignment si Jihoon sa Physics nila.
"Mamaya na kasi yan~" Sabi nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa nakababata. "Nagtatampo parin ako sayo" Nakangusong dagdag nya. "Alam mo ba kung ga'no ako nag-alala sayo? Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko na baka kung ano na ang nangyari sayo."
"Tsk. Nakita mo namang okay lang ako diba?"
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Napuyat kasi ako! Marami kaming ginawa kagabi"
"May joke ako—"
"No time for that bullshit! Di mo nakikitang busy ako?!"
Imbis na sumagot, mas pinili nalang ni Soonyoung na manahimik at bumitaw sa nakababata. Umalis sya sa likuran nito at tumabi kay Jihoon. Kanina pa kasi sya nakatayo sa likod ng couch para mayakap nya si Jihoon. Pero well, nag-iinarte kasi yung isa.
Hindi sya galit sakin. Pagod lang talaga sya
Tahimik nyang pinanuod si Jihoon habang gumagawa ito ng assignment nya. Pinagmamasdan at hinahangaan nya ang nakababata nang dahil sa napaka-ganda nyang itsura.
Muling bumalik sakanya kung kelan sila unang nagkita.
-
"Jisoo hyung! May bisita ka!"
"Wait lang! Naliligo pa 'ko! Papasukin mo nalang!" Rinig nyang sigaw ng hyung nya mula sa cr.
Tumayo sya upang pagbuksan ng pinto ang bisita ni Jisoo. Nakita nya ang isang bata na basang-basa at mukhang sumulong sa malakas na ulan.
"Hala! Tara pumasok ka!" Sabi nya at inalalayan ito papasok sa loob. Hindi na sya nagtanong kung sino ito o ano mang kailangan nito, basta pinapasok nya nalang agad.
"Sorry ah.. naliligo pa kasi si Hyung"
Agad agad syang kumuha ng twalya at ipinulupot sa katawan ng isa. Nanginginig ito at namumutla na rin. Lamig na lamig, at sa tingin nya'y matagal na itong nakatayo sa labas.
Nakita nya lang naman ito nung dumungaw sya sa bintana mula sa kwarto nya, nung una akala nya ay kaibigan nya, pero wala naman sa mga kaibigan nya ang ganon kaliit kaya naisip nya na si Jisoo ang pakay nito.
Agad nyang pinatay ang aircon at binuksan ang heater nila. Pumunta rin sya sa kusina para mag-init ng maiinom nito.
"Oh. Bawal pa sayo ang kape kaya eto, hot chocolate.." Nakangiting alok nya sa isa.
Umiling iling naman ito at nanatili lang na nakayuko. Nakaupo sya sa sulok at nakapatong ang ulo nya sa tuhod nya habang yakap yakap ang sarili.
"Kailangan mo 'to ngayon para kahit papaano'y mainitan ka"
Ngunit, muling umiling ang nakababata sakanya.
Nilapitan nya ito ng walang pag-aalinlangan upo sya sa harap nito. "Ano bang kailangan mo kay hyung?" Tanong nya.
Kumuha sya ng isa pang twalya para naman sa buhok nito. Nang pupunasan na nya, marahas na hinawi ng nakababata ang kamay nya.
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
Fiksi PenggemarHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...