"O-oh hyung?"
"A-anong nangyari?!"
"Ptangina Kwan! Mamaya ka na magselfie! Tulungan mo 'ko dito!"
"Hyung anong nangyari?!"
Nataranta si Minghao at Seungkwan nang makita nilang nakahiga si Jihoon sa sahig. Puno ng gasgas at pasa ang mukha nito, wala rin syang malay.
Binuhat nila si Jihoon at ipinatong sa sofa.
"Hyung?"
"Jihoon hyung?"
"Tawag tayo sa 8-7000!"
"Tanga Mcdo yun! Patay gutom ka talagang baboy ka! Kunin mo yung first aid kit ni hyung sa kusina!"
"Wow makautos ka ah?!"
"Kunin mo nalang!"
"Bahala ka dyan!"
Inis na ibinato ni Minghao ang remote na nasa gilid nya. Nailagan naman ito ni Seungkwan kaya dumila sya. Nang samaab sya ng tingin ni Minghao, tumakbo na agad sya papunta sa kusina para kunin yung kit na sinasabi ni Hao.
"Ano nanaman kayang nangyari kay Hyung?" Buntong hiningang tanong ni Hao.
"Siguradong may kinalaman nanaman yan kay Soonyoung"
"Obviously"
"Ganyan-ganyan ka e sabi mo nga noon, pagtatawanan mo si Jihoon hyung kapag nalaman na nila ang mga kalokohan nya!" Mataray na sambit ni Seungkwan.
"Pakyu! Ikaw kaya nag sabi non!"
"Wow ah?! Ako pa talaga? Tsk. Ikaw kaya"
"Ang alam ko kasi dalawa talaga tayo eh"
Hindi nya na sinagot sagot pa ang mga rant ni Seungkwan at bumalik nalang sa panggagamot sa mga gasgas ni Jihoon.
"Hindi ko alam na maging ganito kalala ang mangyayari sayo"
"Kelan ba naging mas mababa ang karma?"
"Anong karma?! Gago"
"Tsk. Pero alam mo Hao, kung iisipin mong mabuti, si Jihoon hyung ang nauna eh. Kung sana—"
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Alam naman natin na minahal nya talaga si Soonyoung hyung"
"Sabagay"
"Pero naiinis talaga ako sa mga kklase nya ah. Gusto ko talaga silang balatan ng buhay tapos pigaan ng kalamansi. Tsk"
"Brutal pero pwede. Hahaha! Tagteam tayo. Ako magbabalat sakanila, ikaw pipiga ng kalamansi"
Bahagya silang natawa dahil sa mga pinagsasasabi nila.
Ilang sandali pa ay napahinto sila sa kwentuhan dahil napansin nilang gising na si Jihoon. Tulala lang itong nakatingin sa kisame. Wala ring mababasang kahit anong emosyon sa mukha nya. Alala namang lumapit sina Seungkwan at Minghao sakanya.
"Hyung! Anong nangyari sayo?!"
"Oo nga hyung! Nakita ka namin na walang malay!"
"Okay ka na ba hyung?! San pa masakit sayo?!"
Hindi nya naman ito sinagot. At nanatili lang na tahimik.
Maya-maya, tumayo na rin sya mula sa pagkakahiga. Bakas sa kanyang mukha na nahihirapan sya. Inalalayan rin sya nila Seungkwan na makatayo dahil hindi nya kaya.
Kita ang pag-aalala sa mga mukha ng kaibigan nya, paulit-ulit parin silang nagtatanong pero wala namang isinasagot si Jihoon sakanila.
"Bumalik ka na Oh aking sinta ~ ♬
Di ko sinasadya Na paluhain ka
Patawarin mo ako sa kasalanan ko ~ Bumalik ka na sinta ko ohhh ♬" Pag kanta ni Minghao.Inaasar ni Minghao si Jihoon sa pamamagitan ng pagkanta ng mga kanta ng idol nya 😂 Shout out sa mga nakakaalam ng kantang yan! Tropa tayo ni Hao! Whouuuu!! Rakk n roll to the world! 😂😂 Okay staph.
Hindi naman nakuha ni Hao ang reaksyon gusto nya. Inaasahan nya kasi na mumurahin sya ni Jihoon pero iba ang naging tugon nito. Bigla nalang syang umiyak. Rinig na rinig ang paghikbi nya sa tahimik na lugar. Naalarma naman yung dalawa. Inambahan pa ng suntok ni Seungkwan si Hao. Natrigger kasi ata yung feelings ni Jihoon.
"Hala hyung..!! Ano bang nangyayari sayo??"
"Hyung tahan na"
"T-tangina t-talaga.. pag ako naging o-okay.. b-babalikan ko y-yang mga deputa na yan"
"Ano bang nangyari hyung?? Sabihin mo kasi samin"
"B-binanatan ako?!" Parang batang pag-iyak ni Jihoon sa mga kaibigan.
"L-letse sila! M-mga wala namang a-alam!"
"Hyung? Sino-sino ba? Sabihin mo.. kami na bahala"
Umiling-iling naman si Jihoon habang patuloy parin sa pag-iyak.
"G-gaganti ako p-promise.. gagantihan ko sila"
Napabuntong-hininga naman si Seungkwan nang marinig ang sinabi ng hyung nya.
"Hindi ka parin ba nadadala? Lahat nag-umpisa nung gumanti ka. Hyung. Ikaw lang lagi ang nasasaktan sa lahat ng ginagawa mo. Tama na please lang. Ikaw na rin ang naghuhukay ng paglilibingan mo"
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
Fiksi PenggemarHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...