"IT WAS JUST A MISTAKE! MAS MALALA PA ANG MGA GINAWA MO BAGO YUNG PAGKAKAMALI KO!"
"Isinusumbat mo ba ha, Soonyoung?"
"Atleast mas matindi parin yung ginawa mo kesa sa ginawa ko sayo. I just kissed him. Yun lang yun. At ikaw? Sinagot mo 'ko pero si Jisoo hyung parin ang mahal mo. Sinagot mo 'ko para masaktan mo si Seokmin dahil alam mong gusto nya 'ko at siya ang mahal ni Jisoo hyung. Akala mo ba hindi ko alam na ginamit mo lang ako para mapalapit ka kay hyung?! Ano akala mo sakin?! Tanga?!"
"Oo tanga ka! tanga ka dahil ganyan yung mind set mo! Bobo! Oo sige aaminin ko, noong una ginawa ko yon. Tangina kasi hindi ko naman alam na may something sainyo ni Seokmin! Ang sabi mo kasi, bestfriends lang kayo diba?! So anong issue sakanya kung agawin kita? Ang akala ko one-sided love lang! At oo, sa pammagitan mo, masasaktan ko rin sya dahil kagaya nya na inis sakin, inis rin ako sakanya!"
"Pero Soonyoung, tangina naman. Sineryoso kita! Alam mo sa sarili mo na mahal kita! Pinaparamdam ko sayo yun araw-araw dahil ayokong magaya sa relasyon namin ni Jisoo ang relasyon natin. Kaso siguro ganon nga talaga. Pag seryoso ka, paglalaruan ka. I'm tired of it! Fucking tired! Magkapatid nga kayo. Parehas manloloko!"
Maingay. Sisihan. Sigawan. Magulo.
Nasa iisang kwarto sina Soonyoung at Jihoon matapos silang dalhin ni Mr.Choi Seungcheol sa office. Hindi nakapag-usap ng maayos duon ang apat kaya naman napilitan silang ikulong sa kwarto ang dalawa. Mag-away man sila o magpatayan, walang pakealam ang president, ang importante e makapag-usap sila kahit papaano.
Magkatinginan si Jihoon at Soonyoung habang nagsasagutan. Tatlong oras na katahimikan muna ang lumipas bago magsalita ang isa, hanggang sa ayan. Nagsigawan na. Naglalabasan ng sama ng loob na matagal nilang kinimkim. At yung line ni Mingyu sa last chapter, wag nyo nang intindihin 😂
"Jihoon, hindi ka ba nakakaintindi?! Pagkakamali yung nakita mo! Isapa, quits lang naman ah? Niloko mo 'ko, niloko kit—"
"What the hell?! Anong tingin mo? Laro lang 'to?! Gantihan?!"
"Wow, coming from you?! Ginantihan mo rin naman ako ah? Mas lamang ka nga kung tutuusin! Naging cold ka bigla sakin diba?! Ang unfair nun pero hinayaan ko lang yon! Sinusuyo kita araw-araw dahil umaasa ako na mapapatawad mo 'ko at maibabalik ko ang dating ikaw kapag nakabawi na 'ko sayo. You said you loved me, but why the heck you can't forgive me, huh? Mahirap bang gawin yon Jihoon?"
"Forgive you? Soonyoung. I fucking forgave you! Hindi ka pa nagsosorry, pinatawad na kita! Bullshit! Ee sa hindi ko kayang kalimutan ang nakita ko. Buti sana kung ako lang nakakita nun eh. Yung paghalik mo kay Seokmin. Eh kaso nakita rin ng mga kaibigan ko! Kung ako lang sana, siguro pwede akong umuwi ng bahay at isipin na hallucinations lang ang lahat. Kaso tangina hindi eh. Nagpapaulit-ulit sa isip ko ang lahat Soonyoung! Naging bangungot na sakin yun! So don't you fucking blame me kung bakit nagbago ang pakikitungo ko sayo!"
"Ni-hindi ka nagsorry Soonyoung. Ni-hindi mo binanggit sakin yung tungkol don. I waited and waited! Pero wala kang inamin sakin! If you really loved me, and I really mattered to you, hindi ka magtatago ng sikreto sakin!"
"And you know what? About sa sinusumbat mo na sinagot kita pero si Jisoo padin ang mahal ko, sobrang guilty ako sa bagay na 'yon. Pero wag na wag mong isusumbat yan sakin dahil wala kang narinig sakin nung nalaman kong naging kayo ni Seokmin nung mga panahong tayo pa! Sino talagang may third party satin, huh?! Just be thankful dahil nananahimik ako!"
"That's not the issue Jihoon—"
"Then what the hell the issue is?! MY fucking non-existent third party?!"
BINABASA MO ANG
BOOK OF LIES √ soonhoon
FanficHe loved him with all his might and he know that his significant other feels the same. He could do everything for him if he asked him to do something. But the truth is, the love of his life was just pretending to be in love. And he didn't know that...