Chapter 2🐰

74 2 0
                                    

•••
R E E S E

Bukas na ang first ever anniversary namin ng babe ko. Owemji na tologo! Half-excited ako...pero at the other hand...kinakabahan ako. Ghad! Ang weird ko na.

Anyways,andito ako ngayon sa kwarto ko. Naka-harap sa salamin at tinitignan ang repleksyon ko.

"'Pano nalang kaya ako kung wala si Carter?"

*Knock Knock*

Tumayo ako at binuksan ang pinto. And there I saw my mom.

"Hi anak." Mommy habang naka-ngiti.

"Hello po." Ako at bumeso sakanya. Bigla naman syang nag-pout kaya napa-kunot ako ng noo ko.

"Konti nalang talaga magseselos na ako sa inyo ni Carter ah." Mommy.

"Huh? Bakit naman po?" Nagtataka kong tanong. Ano ba 'tong sinasabi ni mommy?

"Palagi nalang siya 'yung kasama mo. 'Pano naman kami ng daddy mo? Ako?" Natatawang inakbayan ko si mommy. Hayss...ang drama naman ng mommy ko.

"Mommy,kahit si Carter pa ang lagi kong kasama mahal na mahal ko naman kayo." Sabi ko.

"Ewan ko sa'yo anak,sige na nga. Nasa baba na si prince charming mo. Paalalahanin mo sakanya 'yung pasalubong ah?" Napanganga ako sa sinabi ni mommy.

"Mommy! Anong pasalubong?" Ako.

"Hey,babe. Good morning." Bigla nalang sumulpot si Carter sa harap ko at hinalikan ako sa noo.

"Good morning,babe. Ano ba 'yung sinasabi ni mommy na pasalubong?" Tanong ko sakanya. Ginulo niya naman bigla ang buhok ko at inakbayan ako pagkatapos.

"Gusto niya kasi daw ng ice cream." Napatingin naman ako kay mommy.

"What? Ice cream lang pala mommy,kay Carter ka pa talaga nag-pabili?" Ako.

"Opkors anak,sige na. Carter ah? Sige ka,ilalayo ko sa'yo si Reese." Banta ba 'yun o pananakot?

"Hay nako,mom ako nalang ang bibi--"

"No babe,okay tita. Later." Carter sabay kindat kay mommy.  Hayss...bahala kayo dyan.

---

"Buti hindi ka na-paos?" Tawa-tawang tanong niya saakin. Inirapan ko nalang siya.

"Like duh? Sino bang hindi mapapasigaw sa horror movie na 'yon?" Ako. Naglalakad kami ngayon papunta sa food court. Naka-feel kase ang ng gutom kaya pupunta kami doon.

"Ako,babe. Hindi ako sumigaw kanina." Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Kinukulit niya padin ako hanggang sa makarating na kami sa food court.

"Babe,ako nalang ang--"

"Tayo nalang kayang dalawa?" Ako. Ngumiti naman siya at nag-thumbs-up. Pumili na kami ng mga pagkain at pumunta na sa cashier. Nang makabayad na kami ay naghanap na kami ng vacant na table at nang makahanap na kami ay umupo na kami doon.

"Gutom ka ba talaga,babe?" Tinignan ko naman siya.

"Oo,babe. Bakit?" Ako,sabay subi ng kutsarang may laman ng maraming pagkain. Hoho,food is layp!

"Halata eh." Sheyt. Inirapan ko nalang siya at kumain nalang.

"Babe,saan tayo pupunta bukas?" Napataas naman ako ng kilay ko. Hindi ba niya ako isu-surprise? Diba ganun 'yon? Awh,sabi nga nila...

"Don't expect too much,'coz that too much can hurt you so much."

Fine yeah,whatever.

"Ewan. Wala akong maisip eh. Ikaw ba?" Ako,sabay higop ng halo-halo. Ugh! Nakaka-disappoint namern. Pero okay lang naman,basta kasama ko si Carter kontento na ako.

"Hmm,sa Enchanted Kingdom kaya tayo bukas?" Napa-isip naman ako.

"Uy...nice choice! Sige,babe. Tapos sumakay tayo ng ferris wheel ah? Owemji! Excited na ako!!!" Narinig ko namang tumawa siya.

"Sure,babe. Ferris wheel,noted." Carter.
•••

VOTE AND COMMENT🐰

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon