Chapter 10🐰

34 2 1
                                    

#ILoveJimin

•••
R E E S E

Natutulog si Carter at ako lang ang nandito. Wala si Hailey,inasikaso ang shop. Wala sila tita Jin at tito Louie,nasa company. At 'yung bwisit naman na si Cassey,hindi ko alam kung nasaan 'yun. Sana nga na-hit-and-run na 'yon.

Inaayos ko ang gamit ko,ayaw niya nga daw ako makita diba? Kaya bibisita nalang ako sakanya.

Natapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko kaya napa-upo ako sa upuan sa gilid ng kama ni Carter.

"Babe,alalahanin mo ako please. Lumaban ka,lumaban tayo. Sige na,please..." Isa-isa namang umagos ang mga luha ko. Hindi ko talaga mapigilan eh.

Sa kaka-iyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

C A R T E R

Nagising ako sa tahimik na lugar. Akmang uupo ako nang mapansin kong may tao palang natutulog dito sa tabi ko. Pagtingin ko kung sino...

"Reese Morgan"

Hindi ko talaga siya maalala pero sobrang sakit ng ulo ko kapag nakikita ko siya.

Sumasakit na nga eh,pero ayoko syang galawin dahil baka magising siya. Ang himbing niya pa namang matulog.

Nakaramdam ako ng tulo sa may kamay ko. Huh? Tinignan ko ang kisame kung may tulo ba,wala naman. Hinawakan ko ang pisngi ko pero hindi naman ako umiiyak. Bakit naman ako iiyak?

Anyways,tinignan ko si Reese.

"Umiiyak siya." Bulong ko. Bakit kaya siya umiiyak?

"Babe,please alalahanin mo ako..." Ano 'yun sleep talking? Tinignan ko ulit siya pero natutulog padin siya habang ang luha niya ay umaagos padin.

Bigla namang sumakit ng sobra ng ulo ko dahilan para mapasigaw ako kaya nagising ko siya.

Nakita ko sa reaksyon niya ang gulat at taranta.

"Hala,a-anong nangyari? Masakit ba?" Tarantang tanong niya. Magsasalita sana ako nang may dumating.

"Umalis na ka nga dito,Reese. Hindi ka niya kailangan,so get out!" Cassey. Lumapit naman siya saakin at hinalikan ako bigla. Sa pagkakatanda ko,ex-girlfriend ko siya. Pero grabe siya maka-ganon saakin,ewan ko nga din sa sarili ko eh kung bakit siya agad ang hinanap ko paggising ko.

May hinahanap kasi ako,pero hindi alam kung sino. 'Yung bang parang gusto ko syang yakapin,halikan at mahalin. Aish! Ewan na.

"Sorry,Carter." Sabi ni Reese saakin at kinuha na ang mga gamit niya sabay labas na ng kwarto ko.

Nakaramdam naman ako ng awa sakanya sa inasal sakanya ni Cassey.

"Your so mean to her." Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Pake mo ba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Even to me." Ako.

"Fine. Nakaka-irita lang kaseng makita ang mukha niya kaya ganon ako sakanya. I don't like her." Weird mang sabihin pero nakaramdam ako ng inis at galit sa sinabi niya. Aish! Ewan na talaga.

Maya-maya pa ay dumating na si Hailey na may dalang cake. Galing siguro sa shop niya.

"Where's Reese?" Tanong niya.

"Pinaalis ko." Cassey. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hailey kaya sumabat na ako bago pa sila mag-away.

"Sumasakit ang ulo ko 'pag nakikita ko siya diba? Kaya pinaalis nalang siya ni Cassey." Inirapan nalang niya ako sabay nilapag na ang dala niya at lumabas na ng kwarto.

"Hey,saan ka pupunta?" Ako.

"Anywhere,Mr." Siya at umalis na.

Ang weird...aish!
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon