Chapter 6🐰

30 1 0
                                    

#Covfefe

•••
C A R T E R

"6pm,okay?" Ako.

"Yes,sir." Umalis na ako sa EK at pumunta muna ng building.

Pinag-uusapan namin kanina ay about sa fireworks display. Syempre anniversary namin ngayon ng pinakamamahal kong babe kaya pinaghandaan ko talaga 'to.

Nag-text ako sakanya na mauna nalang siya. Tangina naman kase 'tong si boss eh,tumanggap pa ng pictorial eh free day ko ngayon. Tsk! Sarap hampasin ng camera eh.

"Okay,thanks for the time,Cart. You may now leave." Inis na umalis ako sa building. It's J&J Company,isang sikat na pictorial company sa buong mundo. At isa din ako sa professional photographers dito.

Anyways,papunta na ako ngayon sa parking lot. I glanced at my wrist watch,at doon ko nalaman na...

"Tangina! Malapit na mag-6. Shit!" Nang makapasok na ako sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar at dali-daling pumunta sa EK.

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan,damn this! Kailangan sabay naming mapanood ang surpresa ko sakanya. Shit!

Tinignan ko ang phone ko pero walang text message or missed call man lang galing sakanya. Siguradong galit na 'yon. Aish!

Nang ibalik ko na sa daan ang tingin ko ay...

*Booggshh*

"Happy anniversary,Reese Morgan. I love you forever and ever."

R E E S E

2 weeks na ang nakalipas pero natutulog padin si Carter. Kelan kaya siya magigising? Aawayin ko pa siya eh.

Kaming dalawa lang si Hailey ang nandito kase sina mommy may inaasikaso sa company,ganun din sina tita Jin at tito Louie.

"Bibili muna ako ng kape. Anong gusto mo?" Tanong ni Hailey.

"Cappuccino nalang." Sagot ko habang nakatingin padin sa natutulog na si Carter. Umalis na si Hailey kaya ako nalang ang naiwan dito at binabantayan di Carter.

"Babe,gising na. Aawayin pa kita eh. Yayakapin mo pa ako,diba hilig mo 'yun? Kahit ilang beses mo pa akong yakapin,babe okay na okay lang saakin. Gumising ka na kasi. Please. Manonood pa tayo ng horror movies. Tuturuan mo pa akong humalik. Damn! Gising na,babe. Miss na kita. Sobra." Hindi ko nalang pinahid ang mga luha na umaagos sa pisngi ko. Hindi rin naman titigil 'to.

"Gising na,babe. Please."

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'yon.

Mommy's calling...

Sinagot ko naman agad ang tawag ni mommy.

[Anak,umuwi ka nalang muna.]

"Huh? Bakit naman po?"

[Pagod na pagod na 'yang katawan mo. Magpahinga ka muna.]

"Don't worry,mom. Nagpapahinga naman ako dito eh."

[No,Reese. Umuwi ka dito. Ano ba? Gigising din naman si Carter.]

"Mom,please. Please,mom kailangan ako ng Carter."

[Fine. Basta kumain ka ng maayos,matulog ka. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo,aryt?] Napangiti naman ako sa sinabi ni mommy. Ang swerte-swerte ko talaga kase siya ang naging mommy ko.

"Yes,mommy. I will,thank you." Matapos ng conversation namin ni mommy na in-end ko na ang tawag.

Maya-maya pa ay may biglang kumatok ng pinto.

Huh? Bakit naman kakatok si Hailey? Eh pwede naman syang diretsong pumasok dito?

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Hindi si Hailey ang nakita ko kundi si...

"Hi,Reese. Still remember me? I'm Cassey,Carter's ex-girlfriend."
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon