•••
R E E S E"Maayos na ang kalagayan ng anak niyo Mr. and Mrs.Evans. Nalipat na sa private room ang anak niyo." Sabi ng doktor na kakalabas lang galing sa ER. Seryoso? 'Yun ang unang ibabalita niya?
"May iba pa po bang damage physically si Carter,doc?" Tita Jin.
"Physically nothing,but mentally he has." Lumakas naman bigla ang kabog ng puso ko sa sinabi ni doc. Mentally? Ibig sabihin sa utak ni Carter? Posible kayang...
"May-amnesia ang anak niyo. It's not that temporary kaya matatagalan pa siya bago maalala ang nakalimutan niya. Iba ang amnesia niya,hindi lahat nakalimutan niya. For example nakalimutan niya ang pangalan niya,or nakalimutan niya ang mga magulang niya." Naguluhan naman ako da explanation ni doc. Hindi ko gets.
"What do you mean,doc?" Tito Louie.
"Maybe he forgot something or someone...who is close to his heart."
Naiwan kami ni doc dito sa harap ng ER na nakatulala at literal na napanganga sa sinabi niya. Close to his heart? Posible kayang ang mga magulang niya? Ang mga barkada niya? Ang kapatid niya? O...ako?
Napa-upo ako sa dami nang iniisip. Posible kayang ako? Posible kayang ako ang nakalimutan ni Carter?
Maya-maya pa ay dumating sina mommy at daddy.
"Jin..." Tawag ni mommy habang naluluha kay tita Jin. Sila ni mommy ay close friends,parang kami lang ni Hailey. Kaya botong-boto sila nang malaman nilang nililigawan ako noon ni Carter.
Nag-uusap silang apat maliban saamin ni Hailey.
"Ree,puntahan natin si kuya." Tumango agad ako sa sinabi niya at nagpaalam na kina mommy na pupuntahan namin sa kwarto si Carter. Pumayag naman sila kaya naglakad na kami.
Pabigat nang pabigat ang mga hakbang ko papunta sa kwarto ni Carter. Sobrang lakas pa ng kabog ng dibdib ko.
"No,Reese. Hindi ka pwedeng makalimutan ni Carter!"
Yeah,hindi dapat ako. Aawayin ko pa siya dahil pinaghintay lang naman niya ako ng 3 hours sa EK. Lilibrehin pa niya ako. Manonood pa kami ng sine. Yayakapin pa niya ako. Magmamahalan pa kame,kaya hindi dapat ako ang makalimutan niya!
"Don't worry,Ree. Mahal ka ni kuya,hindi niya hahayaang makalimutan ka niya." Tumango nalang ako sa sinabi niya at pinahid ang mga luha ko bago pumasok sa kwarto niya.
Tuluyan na kaming naka-pasok sa kwarto niya at nakita namin syang mahimbing na natutulog. Kung titignan mo siya physically wala talagang damage,pero may band-aid sa may forehead niya. Mentally ill.
"Kuya...gising na. Andito na kami oh. Andito na si babe mo,palagi mo nalang syang pinapa-iyak,kahit kelan talaga,kuya ang sama mo!" Sambit ni Hailey sabay iyak. Inalalayan ko naman siya kahit na pati ako ay naiiyak na din. Pina-upo ko siya sofa at ako din ay umupo sa tabi niya.
Pinahid ko ang mga luha ko bago magsalita.
"'Wag ka ngang ganyan,Hails. Hindi pa mamamatay ang kuya mo okay? Matagal pa man siya gumising pero sigurado,ayos na siya." Pagche-cheer up ko sakanya. Hindi kami dapat maging weak this time. Kailangan kami ni Carter,kaya kailangan din naming maging matatag.
Think positive! Think positive!
•••

BINABASA MO ANG
By The Cupid's Arrow [COMPLETED]
RomansaAng sweet at full of love na relasyon ay mahihinto dahil sa isang delubyo na hahagupit at magiging dahilan sa pag-guho ng mundo ni Reese. Ano kaya ang nangyari? Anong klase ba ang delubyo ang humagupit sa relasyon ni Reese? Ano nga ba ang delubyong...