Chapter 20🐰

72 2 1
                                    

Nasa "Bet Note" ko na 'pag ilalampas ko ng 20 chapters 'tong BTCA ay hindi na ako gagawa ng book 2 at until the end na 'tong story. Kaya I'll try and do my best para matapos na ang lahat na ito at pahabol nalang ang Epilogue. Arrasso? Ohohoho,happy...life!

•••
R E E S E

One month na ako dito sa New York. One month nang nakapag-refresh,one month nang nakipag-kulitan kay kuya at sa weirdong napaka-gwapo na si Evo,at one month nang malayo sa piling ng boyfriend ko--kay Carter. Pero ang tanong na bumabagabag sa isip ko ay kung boyfriend ko parin ba siya?

Well,oo naman boyfriend ko pa siya. Wala namang nakipag-hiwalay saaming dalawa. Nakalimutan niya lang ako pero I assure myself...maalala ako ng boyfriend ko. Err.

Minsan napapa-isip ako kay Carter. Kung may feelings pa ba ako sakanya. Aish! Ang weird ko diba? Ewan,basta alam kong dahil kay Evo kaya ako nagkaka-ganito. 'Yun bang parang hindi ako sure sa feelings ko sa current relationship ko. Ay,ano daw?

"May feelings kaya ako kay Evo?"

Umiling-iling ako sa tanong ko at nag-continue nalang sa panonood kay kuya Travis habang nagpi-pictorial. Pinasama niya kasi ako,pumayag naman ako. Syempre napaka-boring naman kase doon sa apartment niya eh.

Mabuti sana kung nandito din 'yung lokong si Evo,eh nasa ibang City siya eh. Nandoon kase daw ang setting ng pictorial niya. Hays. Ang boring tuloy,wala akong mapipingot na tenga at ilong.

"Iniisip mo nanaman si Carter?" Tanong ni kuya nang makalapit na siya saakin. Ngumiti naman ako sakanya at umiling. Nagulat siya sa sagot ko.

"Seryoso,bunso? Aba,sino 'yang iniisip mo,aber?" Kuya habang nakataas pa ang kilay. Natawa naman ako.

"Si Evo." Ini-snap niya naman ang daliri niya kaya napatingin ako sakanya. Anyare?

"May gusto ka kay Evo 'no?" Napa-irap naman ako sa tanong niya.

"Adik lang kuya? May boyfriend ako sa Pilipinas 'no." Ako. Sinamaan niya bigla ako ng tingin. Anong problema nito?

"Alam mo mas bagay kayo ni Evo." This time,sinamaan ko naman siya ng tingin. Adik ba siya?

"Kuya!" Saway ko sakanya pero umiling-iling lang siya at bumalik na at nag-pictorial na ulit.

Napa-isip ako sa sinabi niya. Bagay ba talaga kami ni Evo? Eh tao naman kami eh!

---

Pa-uwi na kami ni kuya Travis at kasalukuyan kaming naglalakad tungong parking lot nang mag-ring ang phone ko.

"Uh,kuya una ka muna. Susunod ako." Tumango naman siya kaya sinagot ko na ang tawag.

[WAAHHHH!!! BES!!!! NA-MISS KITA!!!!] Na-miss ko ang boses na 'to.

"I miss you too,bes. Kamusta na dyan? Ikaw? Sila tito at tita? Ang shop?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya.

[What?! 'Yun talaga ang mga itatanong mo? Hindi mo man lang ba itatanong kung kamusta na si kuya? Kung naaalala ka na ba niya?] Nagulat ako sa tanong ni Hailey. Oo nga,hindi ko natanong. Aish!!!

"Oh,eh kamusta siya? Naalala--"

[BABE!!! I MISS YOU!!! UUWI KA BA DITO SA PILIPINAS O AKO ANG PUPUNTA DYAN? ANYTHING YOU WANT,BABE. I MISS YOU SO MUCH!!!] Napatakip ako ng bibig ko sa narinig ko.

"S-Si C-Carter....naaalala niya na ako!"

Hindi ako makapag-salita. I'm so goddamn speechless. Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay naaalala niya na ako.

Pero ang nakapag-tataka saakin ay...








"B-Bakit hindi ako naiiyak? Bakit masaya lang ako?"
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon