Chapter 16🐰

30 1 0
                                    

Hindi ata nagparamdam si Carter? Nakalimutan niya din kaya tayo? Haha!

•••
R E E S E

"Sigurado ba silang may amnesia talaga si Carter? Baka ginu-good time ka lang nila para layuan mo na siya?" Napataas naman ako ng kilay ko sa sinabi ni kuya.

"Like duh,kuya? Hindi sila tutol sa relasyon namin ni Carter. So bakit nila gagawin 'yon?" Ako. Napaisip naman siya sa tanong ko.

"Sigurado ka?" Balik na tanong niya saakin,hindi ko naman na-gets.

"Siguradong ano?" Ako.

"Na-hindi sila tutol." Kuya.

"Yeah." Ako.

"Talaga?" Inirapan ko naman siya.

"Oo nga." Iritang sagot ko.

"Sure ka?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"What the! Oo nga,bakit ba?" Ako.

"Hindi halata." Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang. Gutom pa naman ako.

---

"Matulog ka muna." Saad ni kuya nang maka-uwi na kami dito sa apartment niya.

"Wah! Kuya pasyal--"

"Matulog ka muna." Bumuntong-hininga nalang ako. Kainis! Excited na ako eh.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Humiga na sa kama at humarap sa kisame.

Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko.

"Naaalala na niya kaya ako?"

"Na-miss niya kaya ako?"

"Hinahanap niya ba ako?"

Aish! Inis na pinahid ko ang mga luha ko.

"Reese Morgan,matagal ka pa nyang maaalala kaya 'wag mo munang isipin 'yan." Sabi ko sa sarili ko.

Maya-maya pa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

---

Mag-isa akong naglalakad ngayon dito sa gilid ng kalsada. Pupunta ako ng convenience store. Bibili lang ng pagkain. Sabi ko nga diba? Food is layp.

Habang naglalakad ay biglang may tumawag saakin.

"Hey! Reese Morgan?" Napataas ang kilay ko nang makita kong hindi ko kilala ang babae.

"What do you want?" Ako. Tumawa naman siya na para bang with,step mother ganon. Anong problema niya?

"So it's you? What's with you and Evo Kim? Huh? Is he your boyfriend? Is he courting you? Are you flirting him--"

"What are you talking about?" Tungunu,eh nakakainis nga 'yong si Evo eh. Napaka-hangin.

"Oh,don't play games with me,bitch." Akmang magsasalita na sana ako nang may sumabat.

"Tawagin mo na ang lahat nyan,'wag lang siya..." Napatingin ako sa nagsalita.

"Oh em g! It's Evo."

"Oh God,Evo marry me."

"Shocks! He's so goddamn hot and very handsome."

Ahh,okay sikat nga.

"What did you say?" Hindi ata gets ni gurl ang sinabi ni Evo. Syempre nagtagalog siya eh.

"Nothing. I judt said that you're so beautiful..." Nag-blush naman si gurl sa sinabi niya. Luh,talande.

"...but she's more beautiful." Napatingin naman ako kay Evo na naka-tingin pala saakin ngayon. Anong ibig nyang sabihin?

Padabog naman na umalis 'yung babae. Nagalit ata?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya. Sinuot naman niya ang sunglasses niya at nilagay sa bulsa niya ang dalawang kamay niya. Okay,siya na kase cool at gwapo.

"Ano? Magpo-posing ka nalang ba dyan o sasagutin mo ang tanong ko?" Ako. Tumingin naman siya saakin.

"Bawal ba pumunta dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you stalking me?" Nagulat siya sa sinabi ko. Even me,pero 'yun agad ang pumasok sa isip ko eh.

"Of course not! Napaka-assuming mo naman." Inirapan ko nalang siya at naglakad na palayo sakanya. Eh sa hindi daw eh edi hindi...

"Hoy,hintay!" Sira-ulo. Hindi daw niya ako sinusundan pero..aish!
•••

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon